embed embed2
4 Sintomas Na Di Aakalaing Diabetes Na Pala Sa Bata
PHOTO BY Shutterstock
  • Kadalasang marinig na maghinay-hinay sa pagkain ng matatamis para hindi tumaba nang husto at magkasakit ng diabetes. Pero sa mga bata, may ibang rason kung bakit sila nagkakasakit nito at iba pang mga sintomas ng mataas ang blood sugar.

    May dalawa kasing uri ng diabetes, na isang sakit na nagdudulot ng sobrang pagtaas ng blood glucose o sugar. Ang type 1 diabetes ay hindi apektado ng pagkain ng matatamis, samantalang posible iyan sa type 2 diabetes.

    Karaniwang sumusulpot ang type 1 diabetes simula pagkabata, kaya tinatawag din itong juvenile diabetes.

    Mga dapat malaman tungkol sa type 1 diabetes

    Sa type 1 diabetes, ayon kay Dr. Ann Marie Tan-Ting, isang pediatric endocrinologist, hindi na nakakagawa ang pancreas ng insulin. Ito ang hormone na kailangan ng katawan upang makapasok ang glucose sa cells at gumawa ng energy.

    Nangyayari iyan, paliwanag ni Dr. Tan-Ting sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph, kapag ang immune system ng bata ang sumisira sa cells ng mismong gumagawa sa kanila. Kakailanganin na ng bata na mabigyan siya ng insulin injections.

    Bagamat hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng diabetes, ayon naman sa Mayo Clinic, posibleng tumaas ang tyansa ng bata na magkaroon nito kung isa sa kanyang mga magulang o kapatid ay mayroong type 1 diabetes. Isa pang factor kung nasa genes na ng bata ang pagiging susceptible sa diabetes.

    Sumusulpot ang diabetes sa ano mang edad, pero napansin ng mga eksperto na mataas ang insidente nito sa mga batang mula 4 hanggang 7 years old at saka doon sa mga mula 10 hanggang 14 years old.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dapat tandaan tungkol sa type 1 diabetes

    Maaaring sintomas ng mataas ang blood sugar ng bata ang mga sumusunod:
    • Madalas na pagpunta sa banyo para umihi (fina-flush out kasi ng kidneys ang extra glucose)
    • Mabilis na pagkauhaw kaya inom nang inom ng tubig at ibang liquids (dahil sa madalas na pag-ihi)
    • Madaling mapagod (kulang kasi sa energy ang katawan)
    • Mabilis na pagbabawas ng timbang (kinukuha kasi sa fat ang energy)

    Ang problema, sabi ng mga eksperto, hindi sabay-sabay lumalabas ang mga sintomas. Kung lumabas man nang sabay-sabay, biglaan naman. Hindi rin daw kasi pangkaraniwang gawain ang pagtingin sa blood glucose levels ng mga bata, kumpara sa adults.

    Pero babala ni Dr. Tan-Ting, puwedeng maghatid ng “life-threatening complications” ang type 1 diabetes kapag hindi ito naagapan. Ganyan nga ang nangyari sa kaso ng isang bata noong 3 years old siya (basahin dito). Naalarma ang nanay niya dahil sa “a little weight loss.”

    Nang madala ang bata sa ospital, meron na itong lagnat at ubo na hindi gumagaling sa antibiotics. Pagkatapos, hirap na siyang gumising at lumala pa ang kanyang kondisyon. Nang sumailalim siya sa urinalysis, doon lang nalaman na meron na pala siyang type 1 diabetes.

    Mga puwedeng gawin ng magulang sa anak na may type 1 diabetes

    Mahalaga na mapatingin kaagad ang bata para maagapan sakalaing mayroon na siyang diabetes. Sa ganitong paraan, sabi ni Dr. Tan-Ting, maiiwasan ang mas malalang complications at masisimulan kaagad ang treatment.

    Kabilang sa treatment ang pag-monitor ng blood glucose at bantayan ang sintomas ng mataas ang blood sugar. Kailangan din ang insulin therapy at pagpapalit ng diet na naaayon sa mga diabetic.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagpag pa ng doktor, "Management of a child's diabetes utilizes a team approach involving their endocrinologist, pediatrician, nurses, and nutritionist."

    Kailangan din daw matuto ang magulang kung paano mag-check at mag-record ng blood sugar ng kanilang anak na may diabetes gamit ang glucometer. Isa pa ang pagsukat at paggamit ng insulin injections, pati na ang pagplano ng pagkain ng bata.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles