;
embed embed2
  • Maging Alerto Sa Mga Sintomas Ng Pulmonya Bago Maging Huli Ang Lahat: 6 Na Dapat Bantayan

    Isa ang pulmonya sa mga pangunahing dahilan ng pagsawi ng mga kabataan sa buong mundo.
    by Jocelyn Valle .
Maging Alerto Sa Mga Sintomas Ng Pulmonya Bago Maging Huli Ang Lahat: 6 Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bago pa nagsimula at lalo na ngayong meron ng COVID-19, kinatatakutan ng mga magulang ang pulmonya sa mga anak nilang sanggol o maliit na bata. Mataas kasi ang banta ng sakit na ito sa mga kabataan, kaya kailangan maging alerto sa mga sintomas ng pulmonya.

    Tinatayang 15 percent, o 808,694 na bilang, ng mga nasawing mga bata sa buong mundo ay dahil sa pulmonya, na sakit na puwede namang mapigilan (preventable disease). Ito ang sabi ng ulat ng World Health Organization (WHO) noong 2017. Kabilang ang Pilipinas sa top 15 ng mga bansang bumubuo ng 75 percent ng mga kaso ng pulmonya sa buong mundo.

    Ano ang pulmonya?

    Tinatawag ang pulmonya sa English na pneumonia. Isa itong malalang impeksyon sa respiratory system, kung saan apektado ang parte ng mga baga (lungs) na pumupuno ng hangin kapag humihinga. Kilala ang mga ito bilang alveoli. Lunod sa nana at tubig ang mga alveoli ng pasyente, kaya hirap na hirap siyang huminga.

    Maaaring magdulot ng pulmonya ang mga virus, bacteria, o di kaya fungi. Ang uri ng bacteria na Streptococcus pneumoniae ang pangunahing sanhi ng pulmonya sa mga bata. Pumapangalawa ang Haemophilus Influenzae type b (Hib). Sa mga virus naman, pinakapangkaraniwan ang Respiratory syncytial virus.

    Lubhang nakakahawa ang pulmonya. Kapag umubo o di kaya bumahing ang pasyente, halimbawa, ang droplets mula sa kanyang bibig at ilong ay maaaring dumapo at pumasok sa sistema ng kaharap ng pasyente. Puwede ring dumapo ang droplets sa mga bagay na hahawakan ng ibang tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas ng pulmonya sa mga sanggol at batang wala pang 5 years old

    Mabilis na mahawaan ang mga bata ng pulmonya at posibleng lumala kaagad ang kanilang kondisyon. Maaari kasing magsimula ang pneumonia sa viral infection hanggang maging bacterial, ayon sa Healthy Children medical resource ng American Academy of Pediatrics (AAP). Kaya mula sa trangkaso at iba pang impeksyon sa respiratory system, puwedeng itong tumuloy sa pulmonya.

    Pansin ng mga eksperto na ang mga batang tinamaan ng bacterial pneumonia ay kaagad nakakaramdam ng mga sintomas, tulad ng mataas na lagnat at mabilis na paghinga. Kapag viral pneumonia naman, pasulpot-sulpot ang mga sintomas. Pero kahit ano pang uri ito, paalala ng mga eksperto na kailangan magamot nang hindi na humatong pa sa kamatayan.

    Malaking tulong din ang pagiging alerto sa mga nararamdaman ng anak. Kaagad komunsulta sa doktor kung may napapansin na ganitong mga sintomas ng pulmonya sa sanggol o maliit na bata:

    Hirap sa paghinga

    Malalaman mong nahihirapan ang sanggol o bata na makalasap ng hangin kung:

    • Mabilis ang paghinga. Kung sanggol mula 2 months hanggang 1 year old, higit pa sa 50 hininga ang ginagawa niya kada isang minuto (50 breaths per minute o bpm). Kung higit 1 year old hanggang 5 years old, 40 bpm.
    • Paglaki ng butas ng ilong habang humihinga
    • Umuungol o di kaya inaangat ang ulo kapag humihinga
    • May tunog na tila huni ng ibon ang paghinga (wheezing)
    • Ginagawa ang belly breathing o di kaya chest breathing
    • Kapag humihinga, pumapasok ang ibabang parte ng dibdib (lower chest) o di kaya sumisikip ang muscles sa pagitan ng mga tadyang (ribs)
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ubo

    Maaaring marinig mo na may tunog na tila huni ng ibon ang pag-ubo ni baby. Ito ang tinatawag na wheezing. Puwedeng banayad lang ang pag-ubo pero may kasamang pagsusuka. Tignan din kung may lumabas na plema na kung green, brown, o mapula kung malala na ang kondisyon.

    Mataas na lagnat

    Kung higit sa 38-degree Celsius ang lagnat ni baby na wala pang 3 months, maaaring dalhin na siya sa emergency room. Baka nangangatog na siya sa ginaw o nakakaramdam ng chills.

    Hindi nababasa ang diaper sa loob ng 12 oras o higit pa

    Ibig sabihin, hindi nakakadede nang maayos si baby o di kaya masama ang lagay ng kanyang kanyang tiyan. Maaaring may pagsusuka (vomiting) at pagtatae (diarrhea) kaya may kakulangan sa tubig (dehydration).

    Iritable at hindi maayos ang pagtulog

    Konting kibot, umiiyak si baby. Matamlay rin siya at walang gana sa kahit anong bagay. Tulog din lang siya nang tulog at tila nauubusan ng lakas.

    Kulay blue na mga labi at kuko

    Ganyan ang nangyayari kapag kinukulang sa oxyen ang daluyan ng dugo sa katawan. Hindi kasi talaga nakakahinga nang maayos si baby. Posible ring maging kulay blue o di kaya gray ang kanyang mukha at sa parte ilalim ng kanyang dila.

    Para sa mga batang lampas 1 year old, pero wala pang 5 years old, maaaring may ganito ring mga sintomas ng pulmonya:

    • Baradong ilong
    • Pananakit ng dibdib
    • Pananakit ng tiyan dahil umuubo at hindi makahinga
    • Walang ganang kumain
    • Hindi masyadong kumikilos
    • Nawawalan ng malay at may kombulsyon kapag malala na ang kondisyon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paaala ng mga eksperto na komunsulta kaagad sa doktor nang matignan ang bata.

    Maaaring maiwasan ang pulmonya sa ganitong mga paraan, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles