;
embed embed2
10 Dapat Gawin Kaagad Kapag Nasugatan Ang Ilong Ng Bata
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May mga pagkakataon na nadadapa, nabubunggo, o di kaya nahuhulog ang iyong anak, at nagkakaroon siya ng pagdugo ng ilong. Mainam na tignan din kung may sugat sa ilong, para mabigyan kaagad ng paunang lunas sa sugat.

    Anong dapat gawin kung may sugat sa ilong

    Maaaring minor lang ang sugat o open wound sa ilong ng bata, ayon sa Kid's Health. Pero puwede rin naman daw na seryosong pinsala ito na umabot sa deeper tissues ng ilong, tulad ng cartilage, nerves, blood vessels, o di kaya bone.

    Kaya mainam na bigyan kaagad ng first aid ang anak, sabi naman ng Stanford Children's Health. Gawin daw ang mga sumusunod:

    1. Kung umiiyak ang bata dahil nagulat lang o di kaya tunay na nasaktan, patahanin muna at ipanatag ang loob na tutulungan mo siya.
    2. Kumuha ng malinis na tela o di kaya bandage, at idiin ito sa  sugat bilang pressure na pipigil sa pagdudugo.
    3. Hugasan ang iyong mga kamay bago magpatuloy sa pagbibigay ng first aid.
    4. Hugasan ang sugat gamit ang tubig at sabon. Iwasan na kuskusin ang sugat. Tanggalin lamang ang anumang dumi habang pinadadaluyan ang tubig mula sa gripo. Kapag daw may naiwan na dumi sa sugat, maaaring magdulot ito ng peklat.
    5. Bigyan ulit ng pressure ang sugat gamit ang malinis na tela kung magpatuloy ang pagdudugo. Diinan sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Huwag angatin para silipin ang sugat. Patungan ng panibagong malinis na tela dahil grabe talaga ang pagdudugo kapag parte ng mukha ang tinamaan.
    6. Pahiran ng antiseptic lotion o cream ang sugat.
    7. Takpan ang sugat gamit ang adhesive bandage o di kaya gauze pad.  Gawin ito nang regular.
    8. Tignan ang sugat para masiguro na malinis at tuyo ito.
    9. Huwag hipan ang sugat dahil puwedeng tubuan ito ng germs.
    10. Kung bukod sa sugat ay may pasa at pamamaga sa ilong, lapatan ito ng yelo na binalot sa bimpo o di kaya ice pack. Gawin ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto kada isa hanggang 2 oras sa unang 24 oras.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan dapat ipatingin sa doktor ang sugat sa ilong?

    Kung napalakas ang tama sa ilong ng anak, malamang mapapaisip ka sa pinsala nito sa buto. Pero mahirap pang makita ang bali sa ilong (broken nose) sa puntong ito, ayon sa University of Michigan Health. Lalo na raw kung may pamamaga rin dahil magmumukha talagang baluktot ang ilong.

    Obserbahan na lang muna ang ilong hanggang mawala ang pamamaga. Ang doktor ang makakapagsabi kung kailangan sumailalim ang bata sa X-ray o di kaya computed tomography (CT) scan upang makita ang bali sa ilong.

    Bantayan din daw ang mga ganitong senyales:

    • Hindi tumitigil na sanhi ng pagdugo ng ilong.
    • Higit kalahating pulgada (half inch) ang sugat.
    • Natuklap ang balat sa may ilong, lalo na kung mukhang bali ang buto. Tataas ang tyansa na magkaroon ng infection.
    • May namuong dugo (blood clot) sa septum, na siyang naghihiwalay sa mga butas ng ilong. Baka raw nabutas ang septum o di kaya napinsala ang tulis ng ilong (bridge of the nose).
    • May tumutulo sa isa o sa parehong butas ng ilong, na maaaring sanhi ng cerebrospinal fluid (CSF). Mula ito sa brain na dumadaloy papunta sa ilong.
    • May bumaon na kahit anong bagay sa ilong.
    • Dulot ang sugat sa ilong ng kagat ng aso, pusa, o iba pang hayop.
    • Hirap huminga ang bata.

    Paalala ng mga eksperto na mas mainam ang prevention kaysa sa treatment ng sugat sa ilong. Sabihan daw ang anak na huwag pasukan ang ilong ng kahit anong bagay, gaya ng cotton bud at lapis. Turuan din daw ang anak na gumamit ng protective gear kapag maglalaro ng delikadong sports.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Basahin dito tungkol sa sugat sa paa at dito para sa sugat sa kamay.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles