Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ang Tigdas Hangin ay Iba sa Tigdas Pero Parehong Vaccine-Preventable

    Narito ang mga sintomas at mga kailangang tandaan tungkol sa tigdas hangin
    by Allan Olga .
Ang Tigdas Hangin ay Iba sa Tigdas Pero Parehong Vaccine-Preventable
PHOTO BY iStock
  • Magkaiba ang tigdas sa tigdas hangin (rubella o German Measles sa English). Ang tigdas (measles sa English) ay nakamamatay kapag ito ay nauwi sa mga kumplikasyon lalo na sa mga bata na mahina a immune system. Ang tigdas hangin ay hindi naman delikado pero kailangan pa ring manatili sa bahay ang batang nagkaroon nito dahil ito ay nakakahawa. Maaari maiwasan ang parehong virus kung mapapabakunahan ang inyong anak ng MMR (measles-mumps-rubella) vaccine.

    Narito ang mga sintomas at mga kailangang tandaan tungkol sa tigdas hangin

    1. Ang tigdas hangin ay nagdudulot ng mataas na lagnat at sinusundan ng mga rashes.

    Roseola infantum ang medical term para sa tigdas hangin. “Roseola is not typically a serious illness, but it is bothersome,” sabi ni Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang pediatrician sa SmartParenting.com.ph. (Hindi nakababahalang sakit ang roseola, pero nagdudulot pa rin ito ng pag-aalala.)

    Bukod sa rashes, ang tigdas hangin ay may kasamang lagnat at ubo o sipon. “The fever usually occurs for three days and when the fever starts going down, that’s when the rash appears,” sabi ni Dr. Jamie Isip-Cumpas, a pediatrician at Parkview Children’s Clinic in Makati. (Tumatagal ang lagnat ng tatlong araw at kapag bumbaba na ang temperature nya saka lumalabas ang rashes.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung titingnang maigi, ang mga rashes ay kulay pink na spots. Kadalasan ay flat ang mga ito pero maaari ring nakaumbok. Unang mapapansin ang mga ito sa dibdbib at likod ng bata at maaaring kumalat sa leeg, mukha, braso at hita. Ang rashes mula sa tidgas hangin ay hindi makati, ayon sa Mayo Clinic.

    More from Smart Parenting

    2. Karamihan sa nagkakaroon ng tigdas hangin ay mga sanggol.

    Malimit ang mga sanggol na nagkakaroon ng tigdas hangin ay nasa edad na 6 months hanggang 2 years old, sabi ni Dr. Ma. Eleanor Sevilla-Sia, isang pediatrician at neonatologist. “[Tigdas hangin] is caused by the virus called human herpes virus 6. It’s different from chicken pox. And, it’s also different from herpes that’s sexually transmitted and different from the one that causes cold sores.” (Ang tigdas hangin ay sanhi ng virus na tinatawag na human herpes virus 6. Iba ito sa bulutong, at iba rin ito sa herpes na nakukuha mula sa pakikipagtalik. Hindi rin eto ang nagiging sanhi ng cold sores.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ani ni Dr. Sevilla-Sia, dahil ang virus ay matatagpuan sa laway, madali makuha ang tigdas hangin kung ang bata ay umuubo, bumabahing, at nagsasalita. Kaya naman iminumungkahi ng mga medical professionals na panatilihin sa loob ng bahay ang batang may tigdas hangin. Binigyang diin din nila na ilayo ang mga ito sa ibang bata na immuno-compromised o mahina ang immune system.

    Ayon kay Dr. Sevilla-Sia, ang paghuhugas ng kamay at huwag magsalitan ng mga utensils ang panlaban upang maiwasan na makahawa.

    More from Smart Parenting

    3.  Kusang mawawala ang tigdas hangin.

    Ayon kay Isip-Cumpas, nawawala ang tigdas hangin pagkatapos ng isang linggo. Walang gamot ang tigdas hangin (vaccine or bakuna lamang ang paraan para maiwasan eto). Ang "ginagamot" lamang ng mga doctor ay ang mga sintomas gaya ng lagnat (paracetamol ang binibigay) para maging komportable.

    Tandaan: ang antibiotics ay hindi nakagagaling ng tigdas hangin. Ang antibiotics ay pinapainom para labanan ang impeksyong dulot ng bacteria. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag ni Dr. Sevilla-Sia, “Ang tigdas hangin ay simpleng sakit, pero hindi maiwasang mag-alala ang mga magulang dahil nagdudulot ito ng mataas na lagnat sa bata na umaabot ng 40°C na tumatagal ng limang araw. Kapag nawala na ang lagnat, lumalabas ang mga rashes.”

    Pero babala ng doktora, minsan nagdudulot ng seizure ang tigdas hangin sa mga sanggol at ito ay nangangailan ng urgent medical attention.

    “Ang mga batang immuno-competent (o malakas ang immune system) ay madalang na nagkakaroon ng kumplikasyon,” ani Dr. Isip-Cumpas.

    Maaaring pabakunahan ng MMR vaccine ang mga sanggol simula ng 9 months old. Basahin dito ang immunization schedule

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles