-
6 Paraan Na Puwedeng Gawin Para Sa Tonsillitis Ng Bata
Mainam ang agapan ang sakit nang hindi mauwi sa kumplikasyon.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ang tonsils ay isang pares ng tissue masses sa magkabilang gilid sa likod ng lalamunan. Bahagi ito ng ating immune system, na siya namang parte ng katawang lumalaban sa mga impeksyon at iba pang mga sakit. Kapag namamaga ang tonsils, ang tawag dito ay tonsillitis.
Paliwanag ng Stanford Medicine Children’s Health, kapag may sintomas tulad ng pamamaga, maaaring mayroong pharyngitis, tonsillitis, o pharyngotonsillitis ang iyong anak. Paano nga ba malalaman kung tonsillitis ang nararanasan ng iyong anak?
Mga sanhi ng tonsillitis
Viral o bacterial infection ang sanhi ng tonsillitis. Ang iba pang mga sanhi nito ay ang sumusunod:
- Bacteria tulad ng sanhi ng strep throat
- Fungi, kagaya ng sanhi ng yeast infection
- Allergies, kagaya ng hay fever o mga nakaaapekto sa ilong
- Sinus infection
- Cancer
- Injuries
- Irritants, tulad ng usok ng sigarilyo at polusyon sa hangin
- Stomach acids na nakarating sa lalamunan dahil sa acid reflux
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga batang may close contact sa mga may tonsillitis ay posible ring mahawa agad. Isang halimbawa nito ang batang nasa paaralan at may kaklaseng may tonsillitis. Mataas din ang posibilidad na magka-tonsillitis sa mga buwang malamig ang panahon.
Mga sintomas ng tonsillitis
Maaaring magkakaiba ang mga sintomas na nararamdaman ng mga bata. Kasama rito ang:
- Pananakit ng lalamunan (sore throat)
- Hirap sa paglunok ng pagkain
- Paglaki ng neck glands
- Pagbabago sa boses, o pamamaos
- Lagnat o chills
- Pananakit ng ulo
- Sumasakit ang tenga
- Nausea at pagsusuka
- Pananakit ng tiyan
- Sumasakit ang katawan
- Labis na pagod
- Pamumula at pamamaga ng lalamunan
- Pamumula ng lumalaking tonsils
- Puti (white) discharge mula sa lalamunan o tonsils
- Paghilik
- Hirap sa paghinga
Diagnosis at treatment ng tonsillitis sa mga bata
Para malaman na tonsillitis nga ang mga nararamdamang sintoms ng anak, mainam na ipatingin siya sa doktor. Magtatanong ang doktor tungkol sa mga sintomas na nararanasan ng iyong anak. Sikaping kompleto ang mga detalyeng sasabihin sa kanya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowTitingnan din ng doktor ang temperatura ng bata. Sa pagsusuring ito, pagtutuunan ng pansin ang tainga, ilong, lalamunan, at tonsils. Maaari ding sumailalim sa throat culture o blood tests ang iyong anak kung ito ay hihingin ng doktor.
Rapid strep test ang isa pang isinasagawa. Mabilis na matutukoy dito kung may strep throat ang pasyente. Mahalagang matukoy ito upang agad na magamot at maiwasan ang mga komplikasyon.
Sa throat culture, makikita rin kung may strep throat at makapagrereseta ng antibiotic ang doktor. Ilang araw pa bago makukuha ang resulta ng throat culture. Kailangan din ng blood tests upang makita kung may mono o infectious mononucleosis.
Ang treatment, tulad ng sa iba ring mga karamdaman, ay nakadepende sa mga sintomas, edad at kabuuang lagay ng kalusugan ng iyong anak. Kung ang sanhi ay bacterial infection, antibiotics ang irereseta.
Kung hindi bakterya, nakatuon ang treatment kung paano higit na giginhawa ang pakiramdam ng bata. Kasama rito ang sumusunod:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Acetaminophen o ibuprofen upang maibsan ang pananakit
Paliwanag ng Kidshealth.org, kailangang iwasan ang aspirin o iba pang produkto na mayroon nito dahil posibleng magkaroon ng Reye's syndrome. Kung malala ang sakit na nararanasan, maaaring may iba pang medikasyon na irerekomenda ang doktor.
2. Dagdagan ang iniinom na tubig ng iyong anak. Maaari ding uminom ng tsaa na may mga sangkap na makapagpapaginhawa sa lalamunan.
3. Pakainin siya ng gelatin, ice cream, at ice pops.
4. Pagmumumog nang may asin ang tubig (older kids)
5. Bigyan ang anak ng throat drops o hard candies (older kids)
6. Makakatulong din ang throat spray na pambata
Paano maiiwasan ang tonsillitis
Siguraduhing ang iyong anak ay may maayos at regular na hand hygiene at mga bakuna laban sa iba't ibang sakit. Bilang magulang, sikapin din ang sumusunod:
- Maiwasang mahawa sa mga may sore throats, cold, o iba pang upper respiratory infections
- Maiwasan ang paninigarilyo sa harap ng bata dahil delikado ang secondhand smoke
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung may tonsillitis na ang anak, sikapin na agapan ang treatment nang hindi umabot sa ganitong mga komplikasyon:
- Seryosong impeksyon sa bahagi ng lalamunan
- Kawalan ng fluid sa katawan o dehydration
- Hirap sa paghinga, o breathing problems
Kapag napabayaan ang strep throat, tandaang posible itong mauwi sa mga sakit sa puso at atay, middle ear infection, lung infection, o impeksyon sa utak at spinal cord.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Maaaring malapit ang mga sintomas na ito sa sintomas ng iba pang health conditions. Higit na mainam na magpatingin at komunsulta sa doktor upang masuri ang iyong anak at mabigyan ng wastong diagnosis.
Kung nagiging dahilan ng hirap sa paghinga at paglaki ng tonsils, maaaring manatili sa ospital ang iyong anak upang ma-monitor ang kanyang kalagayan. Kapag pabalik-pabalik, o chronic, ang tonsillitis, inirerekomenda rin sa ibang pagkakataon na tanggalin ang tonsils ng pasyente.
Malaking tulong kung kokonsulta sa isang ear, nose, and throat specialist (ENT).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito pa ang ilang sitwasyon na humihingi ng medical assistance:
- Sore throat na hindi nawawala sa loob ng ilang araw
- Lagnat
Tumawag sa local emergency number kung ang iyong anak ay:
- Naglalaway
- Nahihirapang huminga
- Nahihirapang umunok ng pagkain
- May stiff neck o pamamaga ng leeg
Payo ng mga eksperto na sikaping maunawaan lahat ng pagsusuri at tests na isinasagawa para sa iyong anak. Alamin din ang side effects ng mga gamot na inirereseta ng inyong doktor. Maaaring humingi rin sa inyong doktor ng iba’t ibang opsyon ng treatment.
Basahin dito ang home remedy sa masakit na lalamunan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments