-
Huwag Balewalain Ang Trangkaso! Mahalaga ang Flu Vaccine Sa Mga Bata at Buntis
Narito ang lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa flu vaccine.by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Ang flu vaccine ay isa sa mga inirerekomendang bakuna para sa mga bata ayon sa 2019 immunization schedule. Ang vaccine na ito ay nagbibigay proteksiyon laban sa influenza virus. Narito ang lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa flu vaccine at bakit kailangan ito ng inyong anak.
Ano ang flu o influenza?
Ang influenza (mas kilala ito bilang flu or trangkaso) ay isang respiratory illness na sanhi ng flu virus. Lubhang nakakahawa ang sakit na ito at mabilis kumalat. Kung na-expose ang inyong anak sa taong may flu na umubo o bumahing, malaki ang tsansa na mahawa siya, lalo na kung hindi pa siya nabakunahan. Ayon sa HealthyChildren.org, maaaring mahawa ang isang bata kapag hinawakan niya ang kanyang mata, ilong o bibig matapos niyang makuha ang virus sa isang contaminated surface, tulad ng door knob.
Ang influenza virus ay may tatlong kategorya: A, B, at C, ayon sa Stanford Children’s Health. Ang types A at B ay ang mga nagsasanhi ng epidemya taon-taon at madalas na nauuwi sa pagka-ospital at pagkamatay. Ang influenza type C naman ay ikinokonsiderang mild respiratory illness.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Mga sintomas ng flu at mga posibleng kumplikasyon
Ang mga sintomas ng trangkaso ay lagnat, ubo, sore throat, baradong ilong, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, at pagkapagod. Sa ibang bata, maaaring maging sintomas din ang pagsusuka at pagtatae. May mga pagkakataon na ang taong na-infect ng flu virus ay nakararanas lamang ang ilang sintomas o hindi lahat.
Kadalasan, ang trangkaso ay isang mild condition na nararanasan ng mga malulusog na bata, pero maaari rin gumaling pagkatapos ng isa hanggang dalawang linggo at hindi nangangailangan ng gamutan. Gayunpaman, may mga pagkakataon na posibleng magkaroon ng kumplikasyon sa ibang taong nahawa ng virus.
Kabilang sa mga kumplikasyon ay pneumonia, sinus at ear infections, at pamamaga ng iba’t ibang organs sa katawan kagaya ng puso, utak at muscle tissues. Maaaring maging banta sa buhay ang mga kumplikasyong ito at maging sanhi ng kamatayan.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga madaling kapitan ng potentially fatal complications na sanhi ng influenza virus ay mga batang edad 5 taon pababa, lalo na ang mga batang ang edad ay dalawang taon pababa. Itinuturing naman na high-risk na magkaroon ng flu-related complications ang mga batang may chronic health conditions tulad ng asthma, heart, lung, o kidney diseases.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGamot sa trangkaso
Kung ang inyong anak ay nagkaroon ng trangkaso, tiyakin na magkaroon siya ng sapat na pahinga at makainom ng maraming tubig. Kung mayroon siyang lagnat, maaari siyang bigyan ng paracetamol.
Samantala, hindi dapat painumin ng aspirin ang batang may trangkaso dahil “aspirin during bouts of influenza is associated with an increased risk of developing Reye's syndrome,” ayon sa HealthyChildren.org. (Nagkakaroon ng malaking risk na magkaroon ng Reye’s syndrome ang isang taong may trangkaso at pinainom ng aspirin)
Ang mga taong nahawa ng virus ay gumagaling pagkatapos ng isa hanggang dalawang linggo. Kapag hindi nawawala ang lagnat ng inyong anak, nakararanas ng pananakit ng tenga at mga sintomas na hindi katulad ng trangkaso, kumonsulta agad sa pediatrician.
What other parents are reading
Ang flu vaccine ang pinakamabisang proteksyon
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang iyong mga anak mula sa virus ay mapabakunahan sila ng flu vaccine.
Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na mapabakunahan ang mga batang 6 na buwan pataas. Taon-taon ay nire-review ng mga eksperto ang formulation ng flu vaccine upang tiyaking ma-update ito at maging mabisa laban sa virus.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng dahilan kung bakit kailangang mapabakunahan ng flu vaccine taon-taon ay dahil sa patuloy na pagbabago ng nature ng influenza virus. Sa listahan ng World Health Organization (WHO), kabilang ang trangkaso sa listahan ng top global health threats ng 2019.
Ayon sa kanila, “The world will face another influenza pandemic — the only thing we don’t know is when it will hit and how severe it will be.” (Muling mahaharap ang mundo sa isa pang influenza pandemic — ang hindi lang namin alam ay kung kailan ito mangyayari at kung gaano ito kalala.)
Ayon pa sa CDC, makakatulong ang seasonal flu vaccine para magkaroon ng proteksiyon sa anumang uri ng influenza virus na magiging laganap sa partikular na panahon sa isang taon.
Ayon sa mga eksperto, pinakamainam na mabakunahan bago magsimula ang flu season dahil tinatayang dalawang linggo ang kailangan para ma-develop ang antibodies laban sa virus matapos ang vaccination.
Gayunpaman, posible rin magkaroon ng ibang vaccination schedule sa ibang bata, depende sa ilang factors, kagaya ng pre-existing medical conditions. Sa kasong ito, pinapayuhan ang mga magulang na makipag-usap sa kanilang pediatrician upang malaman ang best plan of action.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAni Dr. Salvacion Gatchalian, president ng Philippine Pediatric Society, sa isang presscon sa 26th annual convention ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), “We acknowledge that some patients will require schedules that are different from our recommendations. That is why it is important for parents to consult their pediatricians so they can make the best possible decisions for the health and well-being of their children.” (Alam namin na ang ibang pasyente ay gusto ng ibang schedule kesa sa aming rekomendasyon. Kaya naman importante na konsultahin ng mga magulang ang kanilang pediatricians para sa pinakamagandang desisyon para sa kalusugan ng kanilang mga anak.)
Bakit mahalaga na mabakunahan ng flu vaccine
Maraming benepisyo ang makukuha kapag nabakunahan ang bata ng flu vaccine. Bukod sa maiiwasan na magkaroon siya ng trangkaso, isa pang benepisyo ay makaiwas sa panganib na mamatay dahil sa trangkaso. Sa isang pag-aaral ng CDC noong 2017, dahil sa flu vaccine, bumaba ng 51% ang risk ng pagkamatay sanhi ng flu sa mga batang may high-risk medical condition habang 65% naman sa mga malulusog na bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapatunayan din na nakakatulong ang flu vaccine na mabawasan ang tindi ng sakit sa mga taong tinatamaan pa rin nito matapos ang immunization. Ayon sa 2018 study ng journal na Vaccine, ang mga taong nabakunahan ay may 59% na posibleng hindi ma-admit sa intensive care unit (ICU).
What other parents are reading
At kumpara sa hindi nabakunahan, ang nabakunahang pasyente na dinala sa ICU ay nakakalabas agad sa ICU pagkatapos ng average na apat na araw kumpara sa hindi nabakunahan.
Pinapayuhan din ang mga buntis na mabakunahan ng flu vaccine. Ayon sa artikulo ng CDC, kapag nabakunahan ang buntis ng flu vaccine, pati ang kanyang sanggol sa sinapupunan ay napapasahan ng antibodies laban sa flu virus. Para sa mga buntis, kailangan ng dalawang doses ng flu vaccine na may isang buwang pagitan.
At panghuli, kapag nabakunahan ka o ang inyong anak ng flu vaccine, nagkakaroon ng herd immunity —
may protesksyon ka laban sa pagkahawa at naiiwasan na maipasa ang infection sa ibang tao lalo na kung saan maaaring maging sanhi ng may chronic health issues o ang mga matatanda. Mabisa ang herd immunity kung maraming tao ang nabakunahan.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIpinapayo sa mga magulang ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim, president ng PIDSP, na mabakunahan ang kanilang mga anak ng suggested vaccines, kabilang na ang flu vaccine. “Vaccinating our children is one of the most basic medical interventions to ensure that our children develop as healthy adults. (Ang pagpapabakuna sa ating mga anak ang isa sa mga basic medical interventions upang matiyak na lumaki silang malusog).
“Some fears and myths persist that vaccines could harm infants, but decades of studies have shown the vaccines prevent unnecessary child deaths instead of causing them.” (May mga natatakot sa maling paniniwala na makakasama sa mga bata ang vaccines, pero ang dekadang pag-aaral ay nagpapatunay na ang pagpapabakuna ay hindi nagdudulot ng pagkamatay ng mga bata, bagkus nakaiiwas dito.)
Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa:
Flu Vaccine Is Critical for Kids Under Age 5 and Pregnant Women
What other parents are reading

- Shares
- Comments