Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Makakatulong ba Talaga ang Vitamin C Panlaban sa Sipon?

    Upang makaiwas sa sipon, narito ang ilang tips kasama ang pag-inom ng vitamin C at pagkuha ng flu vaccine.
    by Allan Olga .
Makakatulong ba Talaga ang Vitamin C Panlaban sa Sipon?
PHOTO BY iStock
  • Ang mga bata ay maaaring magkasipon ng anim hanggang 12 beses sa isang taon, lalo na ang mga batang hindi pa matibay ang immune system. Ang isang adult ay maaaring magkasipon ng dalawa hanggang apat na beses sa isang taon. Ang mga batang may edad 5 taon ay high risk din sa pagkakaroon ng flu complications, ayon sa Centers for Disease Control Prevention (CDC). Kasama na sa mga kumplikasyong ito ang bronchitis at pneumonia. Ang pinakamalalang bahagi nito ang flu ay isang respiratory virus na labis na nakahahawa, ayon sa Harvard Health.

    Upang mapanatiling masaya at malusog ang pamilya, narito ang ilang tips sa pag-iingat upang hindi magkasakit.

    1. Uminom ng vitamins araw-araw

    Mabisang panlaban ba ang vitamin C sa sipon? Oo, ayon sa research, PERO kailangan mong magkaroon ng sapat na vitamin C at hindi lamang iinom kapag tinamaan na ng sakit.

    Ayon sa Harvard Health, “Our bodies don't make vitamin C, but we need it for immune function, bone structure, iron absorption, and healthy skin.” (Hindi kayang gumawa ng vitamin C ng ating katawan pero kailangan natin ito para sa immune function, bone structure, iron absorption at healthy skin).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “If you want the benefits of vitamin C, you'll need to consume it every day, and not just at the start of cold symptoms.” (Kung gusto mong makuha  ang benefits ng vitamin C, kailangan mong uminom nito araw-araw, at hindi lang kapag tinamaan ka na ng sipon.)

    Dagdag pa rito, mas maganda na makuha ang vitamins mula sa mga pagkain sa halip na mula sa supplements, ayon sa mga eksperto. Ang mga pagkaing sagana sa vitamin C ay ang citrus fruits gaya ng orange at green vegetables.

    Ayon kay Dr. Bruce Bistrian, chief of clinical nutrition sa Beth Israel Deaconess Medical Center, “It's better to get vitamin C from food because you also get other important nutrients. Eat the recommended five servings of fruits and vegetables per day for general health, and you'll get enough vitamin C.” (Mas mainam na makuha ang vitamin C mula sa pagkain dahil nakakakuha ka rin ng iba pang mahalagang sustansiya. Kumain ng recommended na five servings ng prutas at gulay araw-araw para sa malusog na pangangatawan, at makakakuha ka ng sapat na vitamin C.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi rin nakabubuti ang nasosobrahan ng vitamin C. Dagdag ng Harvard Health, “At doses above 400 mg, vitamin C is excreted in the urine. A daily dose of 2,000 mg or more can cause nausea, diarrhea, abdominal pain, and it may interfere with tests for blood sugar.” (Kapag sumobra ng 400 mg, ang sumobrang vitamin C ay lalabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Kapag ang dose mo ay 2,000 mg araw-araw, magdudulot ito ng pagkahilo, diarrhea, abdominal pain, at maaaring makasagabal sa tests sa blood sugar.)

    More from Smart Parenting

    2. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay

    Kailangang ugaliin ng bawat miyembro ng pamilya ang paghuhugas ng kamay bago kumain, pagkatapos gumamit ng banyo, at kapag inihahanda ang pagkain. Inirerekomenda ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo. Gaano ba katagal ang paghuhugas ng kamay? Kantahin ang “Happy Birthday” nang dalawang beses, ayon sa CDC. Kung walang sabon at tubig, maaaring gumamit ng hand sanitizer na may 60 percent alcohol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni pediatrician Dr. Carmina Delos Reyes sa SmartParenting.com.ph, “[Handwashing] protects kids from illness by getting rid of germs and protects against the spread of infectious agents to others.” (Ang paghuhugas ng kamay ay nakaiiwas sa pagkakaroon ng sakit sa pamamagitan ng pag-iwas sa germs at nakatutulong upang hindi kumalat ang mikrobyo.) 

    3. Ituro sa mga anak ang cough manners

    Ang flu at iba pang respiratory illnesses gaya ng matinding ubo ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, at maruming kamay. Kaya naman iminumungkahi ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng cough manners. Turuan ang inyong mga anak kung ano ang dapat gawin kapag nauubo sila at may tao sa paligid. Hangga’t maaari, dapat gumamit ng tissue o panyo kapag nauubo o bumabahing para hindi makahawa ng iba. Maaari ring umubo at bumahing sa siko at hindi sa kamay. Paalalahanan din ang mga bata na maaaring magtakip ng bibig at ilong kung may taong inuubo o bumahing sa tabi nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

     

    4. Mag-disinfect ng mga area na madalas hawakan

    Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), “A few minutes killing germs can go a long way toward keeping your family healthy.” (Malayo ang mararating para mapanatiling malusog ang pamilya dulot ng ilang minutong pagpatay ng germs.)

    Punasan ang mga bagay sa inyong tahanan na madalas mahawakan, gaya ng doorknobs, light switches, hawakan ng mga cabinet at drawer, gripo, remote controls, keyboard, at kahit stove knobs. 

    Kung umiiwas sa mga nakalalasong substance, may iba pang options. Sabi ng AAP, “Alternative or less toxic cleaners are made from ingredients such as baking soda, liquid soap, and vinegar.” (Ang alternatibo o less toxic cleaners ay gawa sa mga sangkap gaya ng baking soda, liquid soap, at suka.)

    5. Magpa-flu vaccine taon-taon

    Pabakunahan lahat ng miyembro ng pamilya. Ani Dr. Eduardo Gonzales sa isang column sa Manila Bulletin, kailangang-kailangan ito para sa mga batang may edad na anim na buwan hanggang 5 taon, mga taong may chronic diseases kagaya ng diabetes, asthma, at heart disease, at mga taong may edad 50 taon pataas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ang inyong sanggol ay may edad na anim na buwan pababa, iminumungkahi ng CDC na pabakunahan ang sinumang nag-aalaga sa sanggol ang mga batang may ganoong edad ay high risk sa seryosong flu complications. Palakasin ang inyong immune system, at tiyakin na mayroong kayong sapat na tulog, aktibo ang pangangatawan, at uminom ng maraming tubig, payo ng CDC. Para sa mga nanay at tatay, iwasan ang sobrang stress.

    Sabi ng mga doktor, “You should get a flu vaccine to help protect them from flu.” (Kailangan ninyong magpa-flu vaccine para mapangalagaan sila mula sa flu).

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    Can Vitamin C Really Protect Your Kids From a Cold? Yes, But There's a Catch

    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
View more articles