Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Libre Ang Mga Bata Sa Birth Month Nila Sa Mga Pasyalan Na Ito

    Malaking tipid ito kung naghahanap ka ng ibang paraan para i-celebrate ang birthday ng mga anak mo.
    by Jhem Bon .
  • Basta't malapit na ang kaarawan ng ating mga anak, naghahanap na tayo ng mga lugar na maaaring pasyalan o kainan. Madalas kasi ay mas pinipili na lang nating lumabas para mas mag-enjoy ang mga bata. Kung iikutin mo ang Metro Manila, marami ka nang mapupuntahang pasyalan. Mayroon na ding mga lugar na bukod sa matutuwa sila ay marami rin silang matututunan. Huwag mag-alala kung ikaw ay nagtitipid dahil ang mga establisimyentong ito ay nagbibigay ng discount o nagpapapasok ng libre para sa mga birthday celebrant. 

    Kainan

    Vikings

    Mahirap namang mag-enjoy sa pamamasyal kung walang laman ang tiyan. Kaya bago pa man maglibot, maaari ka nang pumunta sa mga restaurants na may birthday promo. Isa sa pinakasikat at palaging pinupuntahan ay ang Vikings. Sa pamamagitan ng kanilang Vikings birthday promo,  maaari nang makakain ang sino man sa mga anak mo na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

    Kung sa mismong araw ng kanilang kaarawan, kailangan lamang magsama ng isang full-paying companion. Maaari pa rin namang gamitin ang birthday promo sa kahit na anong araw sa buwan ng kaarawan ng anak mo basta’t magsama ng apat na full-paying adults. Ang buffet dito ay nagkakahalaga ng Php788 hanggang Php1,138 depende sa araw ng iyong pagpunta. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dad's World Buffet

    Ang Dad’s buffet ay meron ding birthday promo. Libre ang may birthday tatlong araw bago at pagkatapos at sa mismong araw ng kaarawan. Magsama lamang ng pitong iba pa na buo ang bayad sa buffet. Php738 hanggang Php938 naman ang rates nila dito, depende rin sa araw ng iyong pagpunta.

    More from Smart Parenting

    Romantic Baboy

    Usong-uso ang Korean BBQ ngayon at karamihan sa kanila ay nago-offer na rin ng birthday promo. Sa Romantic Baboy, libre ang iyong mga anak basta may kasama silang apat na xfull-paying adults sa mismong araw ng kanilang kaarawan. Nagkakahalaga ng Php499 ang unlimited meat nila. 

    Pasyalan

    Masarap mamasyal ng busog kaya naman kung tapos nang kumain at naghahanap pa ng mapupuntahan, narito ang ilang atraksyon na siguradong patok sa buong pamilya:

    Mind Museum

    Ang Mind Museum ay isang interactive museum na puno ng mga exhibits tungkol sa science. Dito, ano mang araw ng buwan ng kaarawan ng iyong anak, ay maaari silang makakuha ng All-Day Pass basta siya'y may kasamang dalawa hanggang sampung kasama na buo ang babayaran. Automatic din na pwede silang i-upgrade sa All-Day Pass kahit na 3-hour pass lang ang ticket na haway nila. Ang promo na ito ay para lamang sa mga walk-in guests at hindi pwedeng bilhin online. Php750 ang all-day pass at Php626 naman ang 3-hour pass. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kidzania Manila

    Sa KidZania Manila naman,  kailangan ay miyembro ka ng kanilang loyalty program na B*KidZanian CitiZen para magamit ang kanilang birthday promo. Categorized sa tatlo ang kanilang loyalty cards: ang Naturalized CitiZen, ang Distinguished CitiZen, at ang Honorable CitiZen.

    Kung Naturalized CitiZen ka, entitled ka sa 30% discount. Kung Distinguished CitiZen ka naman, entitled ka sa 75% discount. Samantala, kung Honorble CitiZen ka, libre na ang iyong mga anak sa kanilang mga kaarawan. 

    Maaring magamit ang birthday promo isang araw sa buwan ng kaarawan at kailangan may kasamang isang nakakatanda. Ang entrance fee dito ay Php900 kapag weekday at Php1,100 naman kung weekend.

    More from Smart Parenting

    Manila Ocean Park

    Kung paborito ng mga anak mo ang Disney film na Finding Nemo, siguradong matutuwa sila sa Manila Ocean Park. Bukod sa makikilala at makikita nila ang iba't-ibang uri ng mga isda, marami rin silang matututunan tungkol sa mga ito. 

    Ang regular na ticket ay nagkakahalaga ng Php595 hanggang Php995. Nasa anim hanggang 15 na attractions ang kasama sa mga packages na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lang din mga isda ang makikita ng mga anak mo rito. Pati na rin mga ibon, insekto, at reptiles. Matututo rin sila ng kahalagahan ng pag-aalaga ng kalikasan para hindi mawala ang mga yamang dagat. 

    Upside Down Museum

    Kung naghahanap ka naman ng kakaibang experience, magandang dalhin ang mga bata sa Upside Down Museum na matatagpuan sa CCP Complex. Libre ang mga anak mo dito sa linggo ng kanilang kaarawan basta't may kasama silang dalawang full-paying adults. Nagkakahalaga ng Php450 ang entrance fee dito. 

    More from Smart Parenting

    Dessert Museum

    Libre rin ang pagpasok dito sa Dessert Museum sa buwan ng kaarawan ng mga anak mo—isang kasama lang ang kailangan mong bayaran in full. Maganda rito, lalo na kung mahillig kayong mag-ina na magpose para sa mga litrato. Makukulay at talaga namang realistic ang mga designs at displays nila rito kaya siguradong matutuwa ang mga anak mo. Nagkakahalaga ng Php799 ang entrance fee nila dito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lakbay Museo

    Kung ikaw naman ang tipo ng magulang na mahilig pag travel pero walang oras at kalimitan ay hindi pasok sa budget, pwede kayong magpunta sa Lakbay Museo. Ito ang isa sa pinakamagandang (at murang) paraan para malibot ninyong mag-anak ang iba't-ibang bahag ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga pagkain, kultura, at displays nila. Php799 din ang ticket dito.

    More from Smart Parenting

    City of Dreams

    Tila isang malaking palaruan at entertainment facility ang lugar na ito kaya naman sigurado kang mag-eenjoy ang lahat ng miyembro ng pamilya. Libreng pumasok dito ang inyong mga anak pitong araw bago, pagkatapos, at sa mismong ng kanilang kaarawan. Kailangan lang ay may kasama silang dalawa hanggang sampung adults na buo ang bayad. Ang entrance fee nila ay nagkakahalaga ng Php680 kapag weekdays at Php880 kapag weekends. 

    Art In Island

    Tulad ng Dessert Museum, mag eenjoy rin kayong mag-anak sa mga displays na narito sa museum na ito. Lahat ng art displays nila ay talaga namang interactive at makatotohanan. Mayroong mga markers sa floor kung saan inirerekomendang tumayo ang maglilitrato at lilitratuhan para makuha ang nakakabilib na 3D effect ng mga art displays. Mayroon pa ngang display dito sa Art in Island kung saan 'tutuklawin' ka ng ahas, kakainin ng malaking isda, o di kaya ay tatalon sa malalaking bato. Libre dito ang mga anak mo, bago, pagkatapos, at sa mismong araw ng kaarawan nila. Ang kanilang regular ticket at nagkakahalaga ng Php500.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    TIP: Bawal ang sapatos o anumang footwear sa loob ng museum, kaya naman magdala kayo ng medyas kung ayaw ninyong madumihan ang inyong mga paa o di naman kaya ay magbaon na lang ng maraming wet wipes kung natatakot kayong madulas ang mga bata dahil sa medyas.

    Trampoline Park - Zero Gravity Zone

    Kung mahilig naman ang mga anak mo sa patalon-talon at patakbo-takbo, ubusin mo ang energy nila sa trampoline park na ito. Mayroon silang malalaking foams at iba't-ibang hugis at laki ng trampolines. Libreng makakapaglaro ng isang oras ang mga anak mo dito sa buwan ng kanilang kaarawan. Kailangan mo lang magsama ng isang full-paying adult. Ang kanilang regular ticket ay nagkakahalaga ng mula Php150 hanggang Php650, depende sa tagal ng paglalaro—30 minutes hanggang dalawang oras.

    More from Smart Parenting

    Tandaan: 

    Para magamit ang mga promong ito, dapat ay mayroon kang pruweba ng petsa ng kaarawan ng iyong mga anak. Ito ay maaaring birth certificate o valid government ID na nagsasaad ng petsa ng kanialng kapanganakan. Isang magandang halimbawa nito ang kanilang passport. Ang mga batang mas mababa sa three feet ay karaniwang libre sa mga pasyalang ito, lalo na sa mga kainan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming paraan para magdiwang ng kaarawan ng ating mga anak. Bagamat ang una sa ating listahan ay ang mapasaya sila sa espesyal na araw nila, tandaan na hindi natin kailangang gumastos ng higit pa sa mayroon tayo. Huwag nating kalimutan na ang pinakamahalaga pa rin ay ang maalala natin sila at maiparamdam sa kanila ang ating pagmamahal bilang mga magulang. At higit sa lahat, mas masayang magdiwang kung buo ang pamilya.

    Kung naghahanap ka ng iba pang maaaring puntahan sa birthday ng mga anak mo, maaari kang makakuha ng ideas sa aming Facebook Group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles