embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • The Best Kids' Movies Ng Nakaraang Dekada Para Sa 5 To 7 Years Old

    Bago magbalik-eskuwela ang mga bata, may pagkakataon pang mag-movie marathon.
    by Jocelyn Valle .
The Best Kids' Movies Ng Nakaraang Dekada Para Sa 5 To 7 Years Old
PHOTO BY @PixarInsideOut and @DisneyBigHero6 via Facebook
  • Subukang panoorin — sa una man o ilang beses na — ang tinanghal na The Best Kids’ Movies of the Decade (mula 2010 hanggang 2019) ng Common Sense Media, isang family-centered nonprofit organization, para sa mga may edad 5 hanggang 7. 

    Frozen (2013)

    Nagsimula dito ang kuwento ng sinundang pelikula ng kapapalabas pa lamang na Frozen II noong paslit pa lamang ang magkapatid na Elsa at Anna. Ang ate na si Elsa ay may magical power na lumikha ng yelo at kinatutuwaan ito ni Anna ngunit aksidente niyang nasaktan ito. Para hindi makasakit pang muli ay nagdesisyon ang mga magulang nilang hari at reyna na itago si Elsa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumaking magkalayo ang magkapatid sa outside world at sa isa’t-isa.  Nang mamatay sa shipwreck ang hari at reyna ay kailangang lumantad muli ni Elsa at humalili sa trono. Sa araw ng kanyang koronasyon bilang Queen Elsa, nagkakilala at nagkagustuhan si Anna at ang bisitang si Prince Hans. Agad nag-propose ng kasal si Prince Hans, ngunit nang hingin nito ang kamay ni Anna sa reyna ay nagalit si Elsa. 

    Hindi nakontrol ni Queen Elsa ang sarili sa paggamit ng kanyang magical power kaya nakarating siya ng bundok habang naiwan ang kaharian sa eternal winter. Hinanap siya ni Anna sa tulong ng mga bagong kaibigan na sina Kristoff, Sven, at Olaf. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinuri ng Common Sense ang “catchy, show-stopping musical numbers, empowering heroines who discover the strength within themselves, stunning animated visuals, and scene-stealing sidekicks.” May hatid din daw ang pelikula na “worthy messages about everything from sisterly unconditional love to being true to yourself to not getting engaged to someone you literally just met.” 

    Inside Out (2015)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang isilang si Baby Riley ay lumabas din ang una niyang emosyon, at iyon si Joy. Sumunod sina Sadness, Anger, Fear, at Disgust. Silang lima ay matiwasay na nakatira at nagtatrabaho sa Headquarters, aka HQ, ang parte ng utak ni Riley na nakakaranas ng experiences at nagkakagawa ng memories. 

    Maayos na naitawid ni Baby Riley ang toddlerhood sa tulong ni Joy at ng kanyang grupo hanggang sa lumaki ito. Nagbago ang lahat nang, sa edad 11 years old, ay lumipat silang mag-anak ng tirahan. Nanibago siya sa kanyang bagong bahay at eskuwelahan habang pinapantayan ang stress level ng kanyang mga magulang. Dahil sa mga nangyayari kay Riley ay nabulabog ang HQ. Hindi magkasundo si Joy at si Sadness tungkol sa core memories ng bata kaya napunta ang mga ito sa long-term storage. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa comments section ng Common Sense ay may isang magulang na nagsabing maganda ang pelikula dahil nagkaroon siya ng conversation sa kayang mga anak, edad 6 at 8 years old.

    More from Smart Parenting

    Big Hero 6 (2014)

    Hanggo ito sa Marvel comic book na may parehong titulo at ang setting ay ang fictional futuristic city ng San Fransokyo. Genius ang bidang si Hiro Hamada, 14 years old, pero mas gusto pa niyang makipaglaban sa mga robot kesa pumasok sa paaralan. Nang ipasyal siya ng kanyang Kuya Tadashi sa robotics lab ng university na pinapasukan nito ay nahikayat siyang mag-aral din doon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang invention ng microbots na nakokontol tulong ang  telepathy. Ngunit nagkaroon ng sunog at napatay si Tadashi. Ang tanging naiwan kay Hiro ay ang inflatable robot na si Baymax, isang “personal health companion.” Katulong ang ibang kaibigan ng kanyang kuya ay matutuklasan ni Hiro ang dahilan ng sunog at pagkamatay ni Tadashi. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa comments section ng Common Sense, maraming kabataan ang nagsulat ng good reviews sa pelikula. Para sa isang 13-year-old commenter ay ito daw ang best animated movie in a long time. Aniya, “It deals with grief when a character dies but is also full of humor.” 

    Coco (2017)

    Mahilig sa musika ang Mexican boy na si Miguel pero bawal kahit pakinggan lamang ito sa angkan nila na paggawa ng sapatos ang ikinabubuhay. Dahil kasi sa musika kaya iniwan ng kayang ninuno na si Hector ang asawa nitong si Imelda at anak na si Coco, na siyang lola sa tuhod ni Miguel. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit ayaw paawat ang bidang bata kaya habang nagdidiwang ng Dia de Muertos, isang Mexican tradition na katumbas ng Araw ng mga Patay dito sa Pilipinas, ay ninakaw niya ang gitara ng kanyang yumaong musical idol at napunta siya sa kabilang-buhay. Doon niya makikilala ang mga pumanaw na niyang mga kapamilya at malalaman ang katotohanan. Sa huli ay matututunan din niya ang tunay na halaga ng pamilya at musika.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang payo ng Common Sense ay pag-usapan ang tema ng pelikula na tumatalakay sa family duty vs. personal ambition. Maaaring itanong sa mga bata kung alin sa mga karakter ang role models at anong character strength ang kanilang ipinapamalas.

    More from Smart Parenting

    How to Train Your Dragon (2010)

    Lahat ng tao sa Viking Islang ng Berk ay binibigyan ng scary moniker at tinuturuan na pumatay ng invading dragons—maliban kay sa Hiccup, isang teenager na isang patpatin na blacksmith apprentice na may maliit na talento sa pagpatay ng dragon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang gabi ng dragon attack, himalang nakahuli si Hiccup ng isang dragon ngunit hindi niya ito maatim na patayin. Naging secret pet dragon na lamang niya ito at pinangalanang Toothless. Ang sikretong ito ay malalagay sa alangin kay Hiccup, na maaaring pasalamatan ng kanyang mga kababayan sa pagdiskubre na hindi lahat ng dragon ay masama o di kaya naman ay bansagan na traydor. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Common Sense, ang kuwento ng How to Train Your Dragon, ang una sa dalawa pang pelikula sa film series, ay “surprisingly touching.” Ito daw ay tumatalakay sa “living up to your father’s expectations, self-identity, war and peace, growing up, and other seemingly heavy themes” habang nakapaloob sa isang masaya adventure.

    Song of the Sea (2014)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang ipinagbubuntis pa ng nanay ni Ben ang bunso niyang kapatid na si Soirse ay sinabihan siya na maging best big brother. Ngunit may malagim na pangyayari matapos ipanganak ang kanyang little sister kaya marahil ay hindi natupad ni Ben ang kanyang pangako hanggang lumaki si Saoirse na hindi nagsasalita at parating hinihingi ang kanyang atensyon. 

    Sa kanyang 6th birthday ay madidiskubre ni Saoirse ang shell na pag-aari ng kanyang nanay, tutugtugin ito, at may biglang lalabas na fairy lights na magtuturo sa kanya na mahanap ang white coat na gagamitin niya sa paglangoy kasama ng seals sa dagat. Isa siyang selkie, o mythical creature na may kakayahang maging tao sa lupa at seal sa tubig, at nanganganib ang kanyang buhay. Kailangan niya ang tulong ng kanyang Kuya Ben.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa isang magulang sa comments section ng Common Sense, ang Song of the Sea ang paboritong pelikula ng kanyang anak na babae ko. Komento niya, “My daughter first saw this movie at age 10 or 11, and really loved it. She saw it again at age 12 (her choice), and loved it even more. It’s not for everyone, but can be a big hit for introspective kids.”

    Para sa kabuuan na listahan, basahin dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles