-
Getting Pregnant Alamin Ang Mga Sintomas ng Pagbubuntis Maliban sa Pagsusuka
-
Preschooler 'Spanking Actually Makes Children's Behavior Worse, Not Better'
-
Your Kid’s Health Ang Kailangan Sa Bahay Para Iwas Electrocution Maliban Sa Power Plug Cover
-
Home Family Transforms ‘Sampayan’ Into A Bali-Inspired Oasis With A Non-Inflatable Pool
-
For Grown-Ups Only! 7 True-Crime Documentaries Na Talaga Namang Creepy At Gripping
Hilig mo ba ang mga ganitong klase ng palabas?by Ana Gonzales .

PHOTO BY Shutterstock
Kung nagustuhan mo ang dokumentaryong American Murder: The Family Next Door, siguradong magugustuhan mo rin ang mga true-crime shows na ito.
Magandang panoorin ang mga ito sa iyong me-time o 'di kaya sa inyong movie night ni hubby. Siguraduhin lang na tulog na ang mga bata dahil sensitibo ang paksa ng mga palabas na ito.
True-crime documentaries you can watch on Netflix
The Keepers
Minsan, mas nakakatakot ang isang krimen kapag ang may gawa nito ay mga taong pinagkakatiwalaan natin. Kaya naman talagang magigimbal ka kapag napanood mo ang dokumentaryong ito.
Tungkol ito kay Cathy Cesnik, isang madre mula sa Baltimore, USA. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kaso ng kanyang pagkamatay ngunit maraming mga alegasyon na susubok sa iyong mga paniniwala.
The Disappearance of Madeleine McCann
Habang nagbabakasyon ang pamilya McCann sa Portugal, bigla na lang nawala ang anak nilang si Madeleine.
Pinagpiyestahan ng media ang kaso, lalo na't tatlong taong gulang lang ang nawawalang bata. Umaasa ang mga magulang na sa pamamagitan ng media coverage ay maibabalik sa kanila ang kanilang anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi pa rin nalulutas ang kaso.
Abducted In Plain Sight
Kung magulang ka ng isang teenage girl, siguradong isa sa mga takot mo ang mawala ang anak mo at maabuso ng masasamang loob.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos'Yan ang siyang nangyari sa Broberg family at siyang paksa ng dokumentaryong ito. Kakaiba rin ang style ng kumuha sa dalagita sa kanilang pamilya kaya mainam mapanood mo ito para malaman ang mga 'red flags' na dapat mong tignan.
Audrie & Daisy
Isa pang kwentong may kinalaman din sa pang-aabuso ng mga kabataang babae ang kwento nina Audrie at Daisy.
Matapos kasi silang magsumbong na sila'y inabuso, nakaranas sila ng cyberbullying. Kinampihan ng kanilang mga kababayan ang mga lalaking sangkot sa nangyari.
Casting JonBenét
Kakaiba naman ang atake ng dokumentaryong ito para iprisenta ang karumal-dumal na nangyari sa anim na taong gulan na si JonBenét Ramsey.
Dalawang dekada na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin alam ng mga awtoridad kung ano talagang nangyari sa child beauty queen.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWThe Trials of Gabriel Fernandez
Kalunos-lunos ang inabot ng batang ito sa kamay ng mga taong dapat sana ay nag-aalaga sa kanya.
Kahit ang mga social workers ay walang nagawa para protektahan siya, hanggang sa nangyari na nga ang kinatatakutan ng lahat.
The Staircase
Ito naman ang kwento ng mag-asawang sina Michael at Kathleen Peterson. Ayon kay Michael, namatay ang asawa niya dahil aksidente itong nahulog sa hagdanan.
Ngunit ayon sa mga ebidensyang nakuha ng mga awtoridad sa bahay nila kung saan nangyari ang naturang aksidente, mayroon foul play sa pagkamatay ni Kathleen.
Mayaman ang mag-asawa at pareho silang matagumpay sa kanilang mga piniling careers. Sa labas ay mukhang maayos naman ang kanilang pagsasama.
Mayroon nga kayang basehan ang mga ibinibintang kay Micheal?
Marami pang iba't-ibang true-crime documentaries sa mga streaming sites na maaari niyong i-binge watch sa inyong libreng oras.
**
Ang mga nakalista dito ay may kinalaman sa mga bata, pamilya, at mag-asawa. Iwasang panoorin ito kasama ang mga maliliit na bata. Patnubay ng magulang ang kailangan kung papanoorin kasama ang mga teenagers.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnu-ano ang mga true-crime documentaries na napanood niyo na? I-share ang inyong mga recommendations sa comments section.
Pwede ka ring makipagpalitan ng mga suggestions sa mga kapwa mo nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network