embed embed2
  • Funny Work-From-Home Stories! Itong Bago Kong Officemate Miya't-Miyang Nagpapapalit Ng Diaper

    May ganito rin ba kayong 'officemate'?
    by Ana Gonzales .
Funny Work-From-Home Stories! Itong Bago Kong Officemate Miya't-Miyang Nagpapapalit Ng Diaper
PHOTO BY courtesy of Liza Rhea and Mark Punzal
  • Sino nga bang mag-aakala na aabot tayong lahat sa ganito? Isang buwang tigil trabaho para sa karamihan samantalang work-from-home naman para sa ilan dahil sa banta ng COVID-19.

    Mahirap man at nakakapanibago, tuloy pa rin ang buhay para sa karamihan sa atin. Para sa mga nanay at tatay na maswerteng nabigyan ng pagkakataong magtrabaho sa loob ng bahay, struggle naman ang mag-focus dahil minsan, hindi mapigilang makigulo ng ating mga bagong "katrabaho."

    Kaya naman tinanong namin ang mga nanay at tatay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung kumusta ang experience nila kasama ang kanilang mga bagong ka-opisina.

    ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang ilan sa mga talaga namang pinaka nakakatawang sagot na nakuha namin:

    "Demanding ang katrabaho ko!"

    "'Yung senior katrabaho namin dressed inappropiately at work, no pants and decided to nap during his shift. The newbie katrabaho wanted to take more responsibilities (potty train) but the boss said not yet, boss is not ready so she screamed at her and demanded she be promoted to Level 2." —Abbey Hilado

    "My coworker wants help in washing his butt! Water from the bidet is weak. He has a hard timing using the dipper." —Mariel Mascarinas

    "May attendance sa online learning ang mga katrabaho ko kaya nauuna silang magising sa akin." —JR Caparas

    "Napaka-demanding, ang iingay pa! Mas may alam pa sa akin [kahit] na nauna naman ako dito sa kumpanyang 'to! Ang nakakainis pa, sila ang may hawak ng remote control! At hawak din nila ang oras ng pag-ihi at pag kain ko. Help! I [want to] resign! —Mary Rose Evelyn Apellido-Montano

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "'Yung katrabaho ko, ang hilig manghiram ng headset! Pati mouse! Nagagalit pa kapag ino-off ko. [Tapos] nakiki-snacks pa!" —Kath Tan-Valenzuela

    What other parents are reading

    "Sobrang clingy!"

    "Medyo clingy itong katrabaho ni mister, pero nagpahiram naman ng work station niya (kiddie table and chair). May pa-"meryenda" din lagi! (laging nagseserve ng toy fruits)." —Marjie Cui Alar

    Miya't-miyang nangangamusta itong officemate ni daddy.
    PHOTO BY courtesy of Marjie Cui Alar
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    May pa-meryneda pa siyang 'fruits'. Bawal tanggihan!
    PHOTO BY courtesy of Marjie Cui Alar

    "Ma-petiks 'yung katrabaho ko. Dinadamay pa ako! Kakain at manonood lang ng TV, sinasama pa ako. Kapag 'di ako pumayag nag-iinarte!" —Nessa Agustin

    "Dumododo 'yung katrabaho ko kay misis!" —Irone Boquiron

    "'Yung katrabaho ko, laging naka-break! Feeding/eating break. Sleeping break. Banyo break. Pati ako dinadamay. Gusto pa lagi akong kasama." —Bernadette Dyan Maninang-Agquiz

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "My katrabaho also wants to join video conference." —Athena Everleigh Ferolino Tolentino

    Paano naman mag-jojoin sa conference call si mommy, 'nak kung sama ka nang sama?
    PHOTO BY courtesy of Athena Everleigh Ferolino Tolentino
    What other parents are reading

    "May pagka-micromanager siya!"

    "Laging may nakabantay sa akin kapag nagwowork. [Tapos] kapag nag-break, siya naman daw ang papalit. P.S. Hiniram ko rin kasi [ang table] and chair niya." —Mary Julienne Aldea

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nakisingit ka nanaman diyan, anak.
    PHOTO BY courtesy of Mary Julienne Aldea

    "Nakabantay ang boss to make sure na nagwowork talaga ako." —Ei Fwil

    Nakabantay lagi ang 'boss' ko.
    PHOTO BY courtesy of Ei Fwil
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "My co-worker always sits beside me (doesn't follow social distancing). And when it's my 'break time,' she then asks for her 'Boss Baby Time'. P.S. Masyado rin siyang demanding, hindi pumapayag na walang snacks." —Ruby Ann Serdeña-Jandog

     

    Itong 'katrabaho' ko, panood-nood lang.
    PHOTO BY courtesy of Ruby Ann Serdeña Jandog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    "'Yung katrabaho ko na po nagtake over. Ang kupad ko daw po kasi." —Liza Rhea 

     

     

        Natalikod ka lang saglit ang dami na niyang napindot! PHOTO BY courtesy of Liza Rhea
    "Ang sipag ng katrabaho ko, pero hindi ko nga lang maintindihan talaga kung naglilinis ba siya o nagkakalat!" —Kwin Basilio-Fortaleza
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
     Nagkakalat ka ba anak o nagliligpit? PHOTO BY courtesy of Kwin Basilio Fortaleza

     

    What other parents are reading

    "May attitude problem siya!"

    "My coworker tried to give us her poop and tried to blame another coworker for it." —Aurora Altuna Tolentino

    "'Yung katrabaho ko ay nagmamadaling manghiram ng laptop. Kasi may urgent meeting sa 'Cocomelon Corporation'" —Jacqueline Mae Tiu

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "'Yung katrabaho ko, iniiscam ako. Tatabi sa akin, panoorin niya lang daw ako mag-work. Pero sumusundot ng pindot sa keyboard at screen (akala yata touch screen)! Kinakagat pa 'yung sulok ng keyboard." —Jowaher Antonio

    "Etong katrabaho ko tatahi-tahimik lang tapos mamaya makikipindot na." —Mark Punzal

    Kunyari nakatingin lang ang 'workmate' ko pero mamaya, pipindot na 'yan.
    PHOTO BY courtesy of Mark Punzal
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    "Hindi siya nagwowork."

    "Habang ako ay work [nang] work sa bahay, ang katrabaho ko naman ay nagmamake-up tutorial—with matching suot ng dress at shoulder bag pa!" —Laira Capati Pelesco

    Kumusta ang makeup tutorial anak?
    PHOTO BY courtesy of Laira Capati Pelesco
    What other parents are reading

    "Pabibo siya!"

    "Grabe ang sipag ng katrabaho ko, ang aga nang magising, sobra pa sa overtime. 12 mn na, gising pa din!" —Cicely David Solano

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "'Yung katrabaho ko, nakikisilip sa laptop ko at itatanung kung "anu to" at "anu yan". [Kahit] sabihan mo na wag pipindot sa laptop, magnanakaw [pa rin] ng pindot 'pag may pagkakataon siya!" —Cyrill Joy Bocalan-Capiral

    What other parents are reading

    Ilan lamang 'yan sa mga nakakatawang experiences ng mga nanay at tatay ngayon na naka-work-from-home.

    Sa kabila nga ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa at sa buong mundo, patuloy pa ring ginagawa ng mga magulang ang lahat ng makakaya nila para panatilihing normal ang kanilang pamumuhay.

    Maaasahan talaga ang mga Pilipino na maging masiyahin sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok. Kayo? Kumusta ang trabaho ninyo? Ginugulo ba kayo ng mga bago ninyong workmates? I-share niyo na ang inyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close