-
Home Top or Front Load? How to Choose a Washing Machine for Your Family
-
Preschooler MRIs Show How Too Much Screen Time Can Slow A Child's Brain Development
-
Toddler How Vietnamese Moms Potty Train Their Babies by 9 Months Old
-
Love & Relationships Frustrated Mom To Husbands: Don't Wait To Be Asked To Do Chores; Just Do Something.
-
Pasyalan Alert! Noah's Ark-Inspired Children's Museum Sa Quezon City
Matatagpuan ito sa loob ng isa pang mas malaking museo na para naman sa buong pamilya.by Jhem Bon .

PHOTO BY Jhem Bon
Isa talaga sa hilig ng mga Pinoy ang mag-bonding kasama ang pamilya, bukod pa sa kumain at kumanta—kasama pa rin ang pamilya. Isa sa mga paborito ngayon ng mga nanay na puntahan ay ang Children's Museum na matatagpuan sa Quezon City.
Ginawa talaga para sa mga bata ang mga facilities dito.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHighly recommended ito ng mga nanay sa kinabibilangan kong Facebook group na Smart Parenting Village. Kaya naman hindi namin pinalampas ng pamilya ko ang pagkakataong makapunta dito.
Paano ito puntahan?
Pwede kayong sumakay sa anumang pampublikong sasakyan na dadaan sa Commonwealth. Magpababa lang kayo sa Central Avenue. Mula doon, tumawid kayo ng tulay at maglakad papunta sa kapilya ng Iglesia ni Cristo. May mga tricycle na doon na pwedeng maghatid sa inyo papunta sa museum.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNasa loob ang Children's Museum ng mas malaking Iglesia ni Cristo Museum, na isa namang pribadong museo na tampok ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo. Binuksan ang Children's Museum para hindi mainip ang mga bata sa pag-iikot sa Iglesia ni Cristo Museum.
What other parents are reading
Sobrang daming pwedeng paglibangan ang mga bata.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagkano ang bayad dito?
Php150 ang entrance fee para sa iyo at sa isang anak mo na edad isa hanggang labing-isang taong gulang. Php50 naman para sa mga baby hanggang isang taon gulang. Php50 ang bayad para sa additional na guardian.
Dalawang oras lang pwedeng manatili at maglaro sa loob. May karagdagan nang bayad kung magtatagal pa kayo.
Anu-anong pwedeng gawin dito?
Ang konsepto ng buong Children's Museum ay mula sa Noah's Ark. Marami sa mga palaruan dito ay nakaayon sa mga hayop na isinakay ni Noah sa kanyang arko.
May malaking palaruan
Malawak ang buong lugar at maraming mapaglalaruan ang mga bata kaya siguradong ubos ang energy nila bago pa man matapos ang nakatalagang time limit. Mayroong mga padulasan na iba't-ibang ang taas. May mga see-saw at spring riders din na hugis iba't-ibang hayop.
Malayang makakapaglaro ang mga bata dito.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKahit ang mga adults ay mag-eenjoy.PHOTO BY Jhem BonPwedeng paglaruan ng mga bata ang mga puzzles na ito.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto ang kanilang orientation room.PHOTO BY Jhem BonPwede ring paglaruan ng anak mo ang mga naglalakihang puzzles at blocks na mayroon sila. Mag-eenjoy din sila sa pag-akyat sa pambatang hanging bridge. Mayroon ding mga learning activity toys para sa mga maliliit na bata kaya pati ang iyong sanggol ay mag-eenjoy din dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay art area
Kung pagod na ang mga anak mo sa kakalaro, pwede silang mag-relax sa art area habang nagkukulay o gumuguhit ng kung anu-ano. May mga maliliit na upuan at lamesa na akma para sa mga bata. Mayroon ding mga pangkulay, pangguhit, at papel.
Dito pwedeng mag-arts at magpahinga ang mga bata.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay interactive wall
Siguradong maaaliw din ang mga bata sa interactive wall na mayroon ang museo. Pwede silang gumuhit at magkulay dito gamit lang ang kanilang mga kamay.
What other parents are reading
Kid-friendly ba ang facilities?
Oo. Mayroon silang comfort room na sadyang idinisenyo para sa mga bata. Mababa ang mga lababo para siguradong maaabot ng iyong mga anak.
Spacious at cozy ang kanilang breastfeeding room.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMommy-friendly rin ang museo dahil mayroon silang breastfeeding room. Bagaman medyo madilim, cozy at inviting pa rin ito. Mayroon din itong changing table at square couch kung saan pwede mong ihiga ang iyong anak kung sakali mang gusto nitong umidlip sandali. Mayroon ding lababo at mga saksakan para sa mga gustong mag-pump ng gatas.
Malinis ang mga facilities nila.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagtatalag rin sila ng locker para sa bawat bisita. Bukod pa riyan, malawak din ang espasyo nila kaya pwedeng-pwede kayong mag-iwan ng stroller. May malaking shelf din na nakatalaga para sa mga sapatos.
What other parents are reading
Bukas ba ito para sa lahat?
Oo. Ano man ang inyong relihiyon, pwedeng-pwede kayong bumisita dito. Kaya naman huwag na kayong mag-atubili pang pumasyal dito, dahil welcome tayong lahat kahit hindi tayo kasapi sa Iglesia ni Cristo.
Dalawang oras pwedeng manatili sa loob ng Children's Museum.PHOTO BY Jhem BonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kasalukuyan, ang unang palapag pa lang ng Iglesia ni Cristo Children's Museum and binubuksan nila sa publiko. Kasalukuyan pang inaayos ang ikalawang palapag.
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa loob ng Children's Museum?
Lahat ay required na magsuot ng medyas. Mayroong mabibili sa admission area sa halagang Php30, kung sakaling wala kang suot o dala.
Bantayang mabuti ang mga bata. Gawa sa kahot ang mga palaruan. Para makaiwas sa aksidente, ugaliing bantayan lagi ang inyong mga anak. Dapat laging may kasamang bantay ang mga sanggol at batang tatlong taong gulang pababa.
September noong nakaraang taon nang buksan ang Iglesia ni Cristo Museum kasama na ang Children's Museum. Noong una'y kailangan mo munang magpareserve bago makapunta. Ngayon, maaari ka nang mag walk-in. Bukas ito mula 9AM hanggang 6PM, Martes hanggang Linggo.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network