PHOTO BY courtesy of Cherrie Delos Santos and Laira Pelesco
Hindi lang COVID-19 ang maiiwasan mo, at ng iyong buong pamilya, kung madalas at tama ang paghuhugas ninyo ng kamay.
Ayon kasi sa mga eksperto, ang paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon ay sagot para mapigilan ang pagkalat ng mga germs at viruses na maaaring maging sanhi ng mga karamdamang tulad ng diarrhea at skin infections.
Pwede rin itong maging sanhi ng eye infections, tulad ng nangyari sa anak ni mommy Melody Rancap. Sa isang Smart Parenting article na inilabas namin ngayong taon, ikinwento ni mommy na hindi natin dapat binabalewala ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. "Something as simple as washing the hands can prevent conditions like Peyton's," sabi niya sa amin.
Ngayon ngang may banta ng COVID-19, mas lalo pa nating dapat paigtingin ang pagtuturo sa ating mga anak ng kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. Sa katunayan, pati mga celebrity moms na katulad ni Isabelle Daza ay naniniguro rin na creative siya pagdating sa pagtuturo ng tamang paghuhugas ng kamay sa kanyang anak. Kamakailan nga ay sumubok pa sila ng isang nakakatuwang experiment na pumatok online.
Tinulungan kami ng mga nanay mula sa Smart Parenting Mom Network na ipakitang mas masaya kapag malinis ang kamay.
Paano ninyo itinuturo sa mga anak ninyo ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay? I-share niyo na ang inyong techniques at games sa comments section.
Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click lang ang link na ito.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.