embed embed2
Are You Ready For The New Manila Zoo? Here's How Much The Entrance Fee Will Be
PHOTO BY COURTESY OF JANELA TESORO
  • Inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na muling bubuksan sa publiko ang New Manila Zoo sa November 15, 2022 bilang paghahanda sa Christmas season.

    The new Manila Zoo
    PHOTO BY COURTESY OF JANELA TESORO

    Hindi na libre ang entrance fee, pero may discount ang mga residente ng Maynila, senior citizens, at persons with disability (PWDs).

    Ayon kay Lacuna, maglalabas ang Manila City Council ng city ordinance na magsisilbing panuntunan para sa mga itatakdang regulasyon sa muling pagbubukas ng Manila Zoo.

    Batay naman sa ipinanukalang rates ni Parks and Recreations Bureau at Zoo director Pio Morabe, ang entrance fee para sa mga taga-Maynila ay PHP150. Para sa mga hindi tagalungsod: PHP250.

    PHOTO BY COURTESY OF JANELA TESORO
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pag-aaralan naman kung magkano ang magiging discount para sa senior citizens at PWDs.

    Plano ring magpatupad ng “one-day free pass” para sa mga senior citizens gaya nang ipinatutupad na free movie passes sa mga sinehan sa lungsod.

    Sinabi naman ni Morabe na ang mga mamamasyal sa Manila Zoo ay maaaring magpa-register at magbayad via online para maiwasan ang siksikan sa payment booth.

    Matatandaang ipinaayos ang Manila Zoo nitong nakalipas na buwan.

    READ ALSO: Pasyal Na! Zoos, Farms, And Ocean Parks Around The Metro For Kids Who Are Animal Lovers

    PHOTO BY COURTESY OF JANELA TESORO

    Sa muling pagbubukas nito ay tampok ang iba’t ibang hayop, ang renovated playgrounds, at ang first-class glass enclosures para mas maayos na makita ng mga bisita ang mga hayop.

    Kasalukuyan ding nasa proseso ang pamunuan ng zoo sa pag-import ng iba pang hayop.

    Tinatayang aabutin ng mahigit 10,000 katao ang magiging bisita ng zoo kada araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Heto ang iba pang pwedeng pasyalan na malapit sa New Manila Zoo: GooTopia sa SM Mall of Asia, Pasay City. Panoorin ang video:

    This story originally appeared on PEP.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles