embed embed2
  • Weekend Pasyalan: Nakapunta Ka Na Ba Sa Valenzuela Family Park?

    Magugustuhan ng mga anak mong maglaro at magrelax dito.
    by Jhem Bon .
Weekend Pasyalan: Nakapunta Ka Na Ba Sa Valenzuela Family Park?
PHOTO BY Rodrigo de Guzman courtesy of Valenzuela City PIO Facebook
  • Para sa ating mga Pinoy, wala na sigurong mas mahalaga pa sa oras na nakalaan para sa ating mga pamilya. Kaya naman karamihan sa atin ay talagang sinisigurong mayroon tayong panahong mamasyal kasama sila.

    Isa sa mga pinakapatok na pasyalan para sa pamilyang Pinoy ay ang mga parke. Bukod kasi sa madalas ay libre o maliit lang ang halaga ng entrance fee sa mga ito, sadyang relaxing ding maglibot sa parke pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo ng pag-aaral at pagtatrabaho.

    Sa mga parke ko rin madalas dalhin ang akin pamilya. Nito ngang nakaraang weekend, naglibot kami sa isang bagong bukas na park sa Valenzuela—ang Valenzuela Family Park (Facebook: @Valenzuela-Family-Park-2499893700080608).

    More from Smart Parenting

    Paano pumunta sa Valenzuela Family Park?

    Ito ay matatagpuan sa Karuhatan Road sa Valenzuela. Kung ikaw ay magmumula sa North Edsa, sumakay lamang ng bus papuntang Malanday at magpababa sa Karuhatan. Mula naman sa Monumento, sumakay ng jeep papuntang Malinta o Malanday at magpababa din sa Karuhatan. Mula sa bababaan ay maari mo na itong lakarin. Makikita mo ito pagkalagpas ng 3S (Sentro ng Sama-samang Serbisyo) Center Karuhatan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Anu-anong masayang gawin dito?

    Marso noong nakaraang taon nang buksan ito sa publiko. Ito ay kabilang sa Greenest Project ng pamahalaan ng Valenzuela.

    1. Mag-picnic

    Pagpasok pa lang ay bumungad na sa amin ang ilang tindahan ng mga pagkain at inumin. Dahil hindi kami nagbaon ng pagkain, dito na kami bumili. Pagkatapos, naghanap kami ng bakanteng picnic table para doon kumain. Sa tabi ng aming lamesa ay mayroon ding mahabang upuan kung saan pwedeng mag-relax.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Maglaro

    Pinakaaabangan talaga naming makita sa park ang playground dahil mahilig talagang maglaro ang mga anak ko. Pagdating namin, hinyaan ko lang silang makipaglaro sa ibang mga batang nasa playground. May mga upuang malapit sa mismong pinaglalaruan nila kaya hindi ako nahirapang magbantay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod dito ay pwede ring mag-bisikleta o magsama ng alagang hayop. Tandaan lang na kailangan nating maging responsible sa paglilinis ng dumi ng ating mga alaga.

    More from Smart Parenting

    3. Mag-exercise

    Matatagpuan din sa loob ng parke ang ilang fitness machines na maaring gamitin kung nais mong mag-ehersisyo. Maganda ring mag-jogging o 'di kaya ay mag-aerobics dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Magrelax

    Mag-eenjoy ka sa park na ito kung naghahanap ka ng katahimikan at gusto mong magpahangin. Sinamantala na rin namin ang view dahil nakahanap kami ng magandang pwesto sa harap ng isang malaking aviary na may lamang iba't-ibang klase ng hayop. Mayroong mga ibon, peacocks, pagong, at rabbit. Bago kami umuwi, nanood pa kami ng makukulay na ilaw sa dancing fountain.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga dapat tandaan habang nasa loob ng Valenzuela Family Park?

    Bagaman bukas ang parke sa publiko, hindi nangangahulugang hindi na natin ito aalagaan. Marapat lang na panatilihin nating maayos at malinis ito para na rin sa mga susunod pang pamilya na dadalaw. Tandaan ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Itapon ang  basura sa tamang lagayan. Ang mga basura sa park ay naka-segragate sa nabubulok at 'di-nabubulok. 
    • Ingatan ang mga gamit. Huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit gaya ng cellphone o wallet kung saan-saan.
    • Huwag manigarilyo at mag-pasok ng mga nakakalasing na inumin.
    • Bantayang maigi ang mga bata para maiwasan ang pagkawala o ano mang aksidente.
    • Maging mapagmasid. Ano mang kahina-hinalang kilos o bagay sa paligid ay agad na ipaalam sa opisinang matatagpuan din sa loob ng parke o sa mga tagapangalaga at guwardiya dito.

    Walang bayad ang pagpasok dito. May CCTV na nakakabit sa mga bahagi ng parke. Mayroon ding nangangalaga dito upang tiyakin ang kalinisan at kaayusan sa buong lugar. Pet-friendly ang park at mayroon din itong PWD-accessible features. Bike-friendly din ito kaya magandang puntahan kung mahilig kayong magbisikleta.

    Bukas ang Valenzuela Family Park sa publiko, maging sa mga hindi residente ng Valenzuela, mula alas singko ng umaga hanggang alas diyes ng gabi araw-araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapunta na ba kayo ng pamilya mo dito? Ibahagi mo na ang experience ninyo sa comments section. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles