Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Peanut Butter Recipes Na Siguradong Patok Sa Mga Bata
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga stuggles nating mga nanay ay ang pag-isip ng baon o meryenda ng mga bata sa araw-araw. Lalo na at marami tayong isinasaalang-alang tuwing naghahanda tayo nito. Nangunguna rito ang sustansya ng pagkain. Pumapangalawa ang itsura, lasa, at kung hindi ba ito nakakasawa para naman sigurado kang aabangan ito ng mga anak mo araw-araw.

    Paano gawin ang peanut butter?

    Ang peanut butter ay isa sa mga patok sa panlasa ng mga bata. Maraming paraan para mapasarap ang isang pagkain gamit ang peanut butter. Tatlong sangkap lang ang kailangan mo para makagawa ka ng masarap at malinamnam na peanut butter spread:

    Sangkap:

    • 1 cup ng mani
    • ½ cup ng butter
    • ¼ cup ng honey o pulang asukal

    Paraan ng paggawa:

    1. Isangang ang mani sa kawaling nakasalang sa medium heat. Maaari kang gumamit ng kaunting mantika, pero maaari rin namang hindi.

    2. Pagkatapos isangag ang mani, gumamit ng blender o food processor para pinuhin ang mani hanggang maging malapot ito. Maaari mo itong lagyan ng honey o di naman kaya ay pulang asukal, depende sa iyong panlasa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    TIP! Kung gagamit ng pulang asukal, mas tagalan ng bahagya ang pagpapalapot nito sa blender para sigurado kang malulusaw ang asukal. Para maging mas masarap ang iyong homemade peanut butter, maaari kang gumamit ng mani na kulay pula. At dahil walang halong preservatives ang recipe na ito, kailangan mo itong ilagay sa refigerator para hindi agad masira. Maaari rin itong ihalo sa ulam tulad ng kare-kare.

    Hindi naman lahat ay kayang gumawa o may oras gumawa ng peanut butter spread, kaya naman, kung hindi talaga maharap o masundan ng tama ang paraan ng paggawa nito, napakadali lang din naman mahanap ito sa mga bilihan kaya naman hindi mahihirapan kung ito ang gagamitin sa ihahandang baon para sa mga bata.

    More from Smart Parenting

    Narito ang 5 peanut recipe na tiyak na kahihiligan ng mga anak mo:

    Peanut Butter Brownies

    Maaari kang gumawa ng marami nitong recipe na ito. Ilagay mo lang sa freezer at maaari na itong magtagal ng hanggang tatlong buwan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sangkap:

    • ½ cup ng butter
    • ¾ cup ng cruncy peanut butter
    • 1 cup ng brown sugar
    • 2 piraso ng itlog
    • 1 ½ kutsarita ng vanilla
    • 1 kutsarita ng asin
    • ½ kutsarita ng baking soda
    • 1 ½ cup ng all-purpose flour
    • 1 ½ cup ng chocolate chips

    Paraan ng Pagluto:

    1. Painitin ang oven hanggang sa 350 degrees F (180 degrees C).
    2. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang butter, crunchy peanut butter at brown sugar. Sa ibang lalagyan naman, paghanuin ang vanilla at dalawang piraso ng itlog saka idagdag ang asin, baking soda, at all-purpose flour.
    3. Pagsamahin ang laman ng dalawang lalagyan at haluing mabuti hanggang mawala ang buo-buo bago ilagay sa isang baking pan.
    4. Isalang ito sa oven ng 25 minuto at hayaang maluto. Sandaling ilabas ang pan sa oven at ibudbod ang mga chocolate chips at ibalik din hanggang sa matunaw ang mga chocolate chips. Pagkatapos, ilabas sa oven at palamigin muna ang nalutong brownies bago hatiin ng naayon sa gustong laki.
    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Banana Peanut Butter Bites

    Bukod sa napakadali lang nitong gawin, ang saging ay mainam na sangkap para sa mga bata dahil isa itong masustansyang paraan ng pagpapatamis ng kahit anong pagkain na hindi gumagamit ng refined sugar.

    Sangkap:

    • 1 pirasong saging
    • 2 kutsarang peanut butter

    Paghahanda:

    Balatan ang saging at hiwain ng hanggang sa 1cm ang kapal. Ipahid ang peanut butter sa isang bahagi ng nahiwang saging, saka ilagay ang isa pang hiwa ng saging para makagawa ng mini sadwiches. Ilagay sa freezer ang nagawang mini sandwiches, hayaan munang lumamig ito sa loob ng sampu hanggang labinlimang minuto. Masarap ihain ito sa mga bata ng malamig.

    More from Smart Parenting

    Apple Peanut Butter Salad

    Isang masustansyang meryenda ang salad na ito, bukod sa kakaiba sa nakasanayan na ng mga bata na salad, mas nakakasigurado ang mga nanay na hindi magsasawa ang mga bata sa inihahanda nilang baon o meryenda. Napakadali pang ihanda.

    Sangkap ng dressing:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • ½ cup na peanut butter
    • 1 kutsarita ng vanilla
    • 3 kutsarita ng maple syrup

    Sangkap ng salad:

    • 1 pirasong apple (hiwain na ng maliliit)
    • 5 pirasong grapes (hatiin bawat isa)
    • ¼ cup na salted peanut
    • 1 pirasong saging (hiwain na ng maliliit)

    Paghahanda:

    1. Sa isang maliit na mangkok, paghaluin ang peanut butter, vanilla at maple syrup. Kung masyado pa ring malapot maaring dagdagan ng kaunting fresh milk.
    2. Sa isa namang malaking mangkok, pagsamasamahin ang nahiwang apple, grapes at saging. Paghaluin ang dressing at salad saka ibudbod ang salted peanut sa ibabaw.
    More from Smart Parenting

    Peanut Butter Popcorn

    Mainam na meryenda ito, habang gumagawa ng mga homework ang mga bata o kaya naman ay nanunuod ng kanilang paboritong programa. Maganda rin itong baon sa mga road trips. Bigyan ng kakaibang twist ang nakasanayan ng mga bata na popcorn. Tiyak na babalik-balikan nila ito.

    Sangkap:

    • 1/2 cup ng tubig
    • 1 kutsara ng brown sugar
    • 1 kutsara ng honey
    • 1/2 cup ng peanut butter
    • 5 cups ng lutong popcorn

    Paraan ng pagluluto:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Ilagay ang brown sugar, tubig at honey sa isang maliit na saucepan, haluin at hayaang kumulo ng hanggang sa dalawang minuto saka patayin ang apoy.
    2. Ilagay ang peanut butter, haluin ito ng mabuti hanggang sa malusaw silang pareho.
    3. Sa isang malaking lalagyan, ilagay ang lutong popcorn, dahan-dahang ibuhos ang inihandang peanut butter mixture. Paghaluin ang dalawa hanggang sa tuluyang malagyan lahat ng peanut butter mixture ang mga popcorn. Maari ding budburan ng kaunting asin bago ihanda sa mga bata.
    More from Smart Parenting

    Peanut Butter Banana Smoothie

    Ang isang masustansyang smoothie recipe ay nabibigay ng balance nutrients na maari ding makuha sa isang kumpletong pagkain, ang pagkakaiba lang ay nasa isang inumin na lahat ng nutrients na ito.

    Sangkap:

    • 1 pirasong saging (Hati-hatiin na ito)
    • 2 cups ng gatas
    • ½ cup ng peanut butter
    • 2 kutsarita ng honey
    • 2 cups ng ice cubes

    Paghahanda:

    1. Paghaluin sa blender ang gatas, peanut butter, honey at saging. I-blend ng hanggang isang minuto.
    2. Ilagay ang ice cubes at i-blender muli ng isang minuto o higit pa hanggang maging pino ang lahat ng mga ingredients.
    More from Smart Parenting

    Mayroon ka bang mga peanut butter recipes na bentang-benta sa mga anak mo? Maaari mong ibahagi ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Marami ka ring ibang recipes na makikita sa aming website.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles