embed embed2
  • Payo Ni Chef Rosebud Para Gawing Mas Exciting Ang School Baon

    Tutok si Chef Rosebud sa kanyang bunso na 5 taong gulang.
    by Jocelyn Valle .
  • Sa kanyang tatlo anak, ang bunsong si Kaeden ang pinagbabaunan ni Rosebud Benitez, isang chef at mom of three, dahil ito na lamang ang estudyante. Nasa Kinder 2 ang 5-year-old boy habang ang kanyang mga kapatid na sina Katrina, 27, at Kyle, 22, ay nagtatrabaho na. 

    Tutok si Chef Rosebud kay Kaeden. Sa umaga niya hinahanda ang baon nito na kadalasan ay sandwiches at rice meals. Simple lang daw ang mga ginagawa niya at iyon ay mga pagkain na gusto na ng kanyang anak para sigurong kakainin at uubusin ito.

    Sa panayam ng SmartParenting.com.ph kay Chef Rosebud, punto niya, “Even if I want to experiment, but he’s not gonna eat it, sayang lang. Whatever that he likes, I just experiment on that. For example, he likes chicken dishes, so lahat ng chicken dishes na puwedeng lutuin.” 

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Kung fried chicken,” dagdag niya, “iba-ibang ingredients ang nakalagay, like I use buttermilk, iba’t-ibang spices. Para hindi siya magsawa. Yeah, spices and herbs para maiba naman, hindi lang plain na fried chicken. And you add the dip para mas maging exciting lang, like cheese dip. It never fails because kids love cheese.”

    Fifteen years old lamang si Chef Rosebud nang manganak sa panganay niyang si Katrina, na isa nang abogada ngayon. Nang isilang naman niya ang middle child na si Kyle ay 20 years old siya. Sa edad niya ngayong 42, mukha lang silang magbabarkada. 



    Bagamat naroon ang takot ni Chef Rosebud noon na baka maaga din maging magulang ang kanyang mga anak ay dinaan niya ito sa dasal at pag-uusap. Aniya, “I think it’s very important that you communicate with your kids. Let them know what you went through para hindi ulitin ang pinagdaanan ko. My kids are very good children.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ngayon daw ay natutuwa siyang magkaroon ng mga anak na mula sa dalawang age groups dahil magkaiba ang paraan ng pag-aalaga at paggabay sa kanila. Halimbawa, batang-bata pa ang bunso kaya buhos ang atensyon niya dito.

    “I make sure that as early as now I teach him how to take care of himself,” sabi ni Chef Rosebud tungkol kay Kaeden. “Proper hygiene is very important also. Washing of the hands, mga ganyan, is very important. Sa YouTube channel ko, he usually joins me because he likes staying in the kitchen with me. He likes watching me and helping me. Baby talaga ng lahat.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samu’t-sari ang mga recipe na ibinabahagi ni Chef Rosebud sa kanyang YouTube channel na ChefMom Rosebud Benitez. Ilan sa mga patok rito ang mga madaling dalhin sa eskwela at opisina na tinatawag niyang “Baontology.” Step-by-step ang pagtuturo niya ng mga lutuin tulad ng Spaghetti ni Lola (Filipino Style Spaghetti), Ham and Cheese Croquettes, Bacon Truffle Mac and Cheese, at Chicken Adobo Burrito. Nagbibigay din siya ng tips at mga paalala sa pagluluto.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga ang kalusugan ng kanyang pamilya kaya hangga’t maaari ay iniiwasan nilang magkasakit. Ani Chef Rosebud, nagagawa ito sa pamamagitan ng malakas na immune system.

    “Eat mga nutritious food,” lahad ni Chef Rosebud sa Smart Parenting sa isang event. "Now is not the time to go on a diet na sobrang extreme. It’s important that we get all the food groups in our diet, lalo na ang vegetables, mga fruits, which is very important.”

    Ang payo naman niya sa pagluluto at paghahanda ng pagkain ay siguraduhing malinis ang kusina at piliing mabuti ang mga sangkap ng putahe. Mainam daw na fresh at organic ang bibilhin kahit na mas mahal dahil nakakasiguro naman sa kalidad. 

    Unang nakilala si Chef Rosebud ng madla kasama ng ilan pang kabataang chef sa cooking show na Ka-Toque, na umere sa dating cable channel na QTV mulang 2005 hanggang 2009. Nagkaroon din siya ng solong programa, ang Quickfire, sa parehong istasyon mula 2007 hanggang 2012.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles