embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 5 Sikat Na Bakeries At Cafes Na May Closing-Time Discounts Sa Tinapay

    Sino ang mahilig sa tinapay?
    by Jocelyn Valle .
5 Sikat Na Bakeries At Cafes Na May Closing-Time Discounts Sa Tinapay
PHOTO BY iStock
  • Tinapay ang pinakamadaling gawin na baon para sa anak na estudyante at maging sa magulang na pumapasok sa trabaho. Maraming klase ng tinapay na angkop sa panlasa at presyo. Kung ang hanap ay tinapay na higit pa sa karaniwang nabibili ngunit ayaw gumastos nang malaki, maaaring subukan ang mga sumusunod na bakeries at cafes.

    The French Baker

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lamang mga French bread tulad ng baguette o croissant ang mabibili sa The French Baker, na isa ring restaurant. Subalit halos lahat na yata ng tinapay, maging ang Pinoy favorites na pan de sal at hopia, ay available dito.

    Kilala na ito sa pagbibigay ng 50% discount, kaya huwag nang magtaka kung mahaba ang pila sa bakery section pag pasara na. Mayroon itong branches na karaniwang makikita sa mga mall, maging sa loob o labas man ng Metro Manila.

    Lartizan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kinikilalang healthy bread ang sourdough, na siyang specialty ng Lartizan Boulangerie Francaise, dahil madali daw itong ma-digest at hindi nakakataas ng blood sugar. May 50% discount dito hindi lamang sa sourdough ngunit pati na rin sa iba pang klase ng tinapay at pastries.

    May bakery-café branches ito sa Serendra Piazza, Century City Mall, at Ayala Malls The 30th, habang bakery lamang sa Rustans supermarket sa Uptown Mall, Shangri-La Plaza, at Eastwood City.  

    Boulangerie 22

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang bakery café ang Boulangerie 22, ngunit mas lamang ang baked goodies sa menu nito. May cakes na kakaiba ang design at specialty cakes din. Nahahati naman sa savory at sweet varieties ang mga tinapay na pawang individually packed. Meron ding sourdough, pastries, at cookies.

    Bukod sa pagbibigay ng 50% discount sa mga piling tinapay araw-araw kapag malapit na magsara, nagkakaroon din ng promo depende sa season at occasion. Para sa buwan ng Enero, halimbawa, may isang dagdag na croissant kapag bumili ng dalawang piraso (madalas promo ito hindi lamang sa closing time). 

    Mahahanap ang Boulangerie 22 sa Makati, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Pasay, Quezon City, Taguig, at Sta. Rosa, Laguna. 

    More from Smart Parenting

    Formosa

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alam nyo ba ang pangalan noon ng bansang Taiwan ay Formosa? At ang mga tinapay dito ay nagmula sa bansang na iyon. Dagdag rito ay ang mga classic breads at Pinoy na tinapay. 

    Nagkakaroon ng 30% discount sa piling mga tinapay sa pagtatapos ng araw. Mayroon itong main bakeshop sa Banawe Street, Quezon City at may branch naman sa Ongpin Street, Manila at ilang mall sa Metro Manila at Clark sa Pampanga.

    Tous les Jours

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    French-Asian ang tema ng Tous les Jours, na isang bakery cafe franchise galing sa South Korea at matatagpuan din sa iba pang mga bansa. Kilala ito sa fresh cream cake at buttercream cake na may cute na design. May wide selection ito ng tinapay, mula sa plain (baguette, bagel, pan bread) hanggang sa mayroong filling (sweet red bean, black rice with sesame cream cheese, sweet potato cream). 

    Nagbibigay ang Tous les Jours ng 30% discount sa mga piling mga tinapay. Mahahanap ito sa mga mall sa Metro Manila, Cavite, at Laguna. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles