Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kakain Na Si Baby! Narito Ang Ilan Sa Mga Dapat Mong Tandaan

    Hindi mo ba alam kung saan magsisimula?
    by Ana Gonzales .
Kakain Na Si Baby! Narito Ang Ilan Sa Mga Dapat Mong Tandaan
PHOTO BY Jhen Cruzat-Flores/Angge Wagan
  • Siguradong isa sa mga pinaka aabangan mo bilang isang magulang ay ang unang beses na pakakainin mo ang inyong anak. Bukod kasi sa kanilang mga unang hakbang at mga unang salita, nakakatuwang experience din kapag nakakatikim na sila ng iba’t-ibang pagkain. Mula sa maliliit na achievements nila tulad ng pag gapang at pag-upo, mas magiging proud ka pa ngayong handa nang kumain ng solid food ang anak mo. 

    Kung hindi mo pa alam kung paano at saan magsisimula, maaari mong gawing basehan ang aming baby food guidebook. Kasama dito ang sinabi ng Wolrd Health Organization na recommended age kung kailan mo dapat pakainin ang anak mo. Ayon sa WHO, six months ang ideal na edad bago mo pakainin ng solid food si baby.

    PHOTO BY Pennelope Baria
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan mo ring tignan kung nagpapakita na ng kahandaan ang iyong anak para kumain. Kabilang dito ang kanyang kakayahang itaas ang kanyang ulo.

    Pumpkin Puree
    PHOTO BY Mj Mendoza Mislang

    Kung kaya na rin niyang lumunok ng pagkaing io-offer mo sa kanya, maaaring ibig sabihin nito ay handa na siyang kumain. Para makasiguro, mas makabubuting kumonsulta ka sa pedia ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa mga pwede at hindi pwedeng ipakain sa iyong baby, sa isang nakaraang article, inirerekomenda ni Rene Rose Rodrigo, isang US-certified holistic nutrition coach, na magsimula ka sa grains. Maaaring brown rice, red rice, quinoa, o di kaya ay oats.

    Mashed potato with breastmilk
    PHOTO BY Jhen Cruzat-Flores
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda rin sa katawan ng mga bata ang mga prutas at gulay tulad ng broccoli, mansanas, saging, at avocado.

    Mashed avocado
    PHOTO BY Koeschnake Maceda

    Para sa mga nanay na kasali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, kalimitan na nilang hinahanda ang mga prutas at gulay na ito. Madalas pa nga ay hinahaluan pa nila ito ng breastmilk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pureed spinach with breastmilk
    PHOTO BY Jopak Dela Cruz Celario

    Sa umpisa, dapat ay smooth o pinong-pino ang puree na gagawin mo para sa iyong anak. Ito'y para mabigyan ng karampatang panahon si baby para mag-adjust.

    Steam-roasted bell pepper with olive oil, cumin, and turmeric
    PHOTO BY Khaila Ramos-Punay
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang tumatagal, pwede mo nang lagyan ng maliliit na chunks ang pagkain niya, para masanay rin siya sa texture.

    Broccoli, egg, and banana
    PHOTO BY Lea Taal

    Magandang ideya rin na ipasubok kay baby ang mga malalambot na finger food katulad ng diced pasta at maliliit na piraso ng carrots o peas. Pwede mo ring ipasubok ang maliliit na piraso ng manok o cooked meat. Basta lagi ka lang nakabantay habang kumakain si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mashed avocado from lola's garden
    PHOTO BY Mitch Umali

    Pwede mo rin silang bigyan ng maliliit at unsweetened round cereals o cereal puffs ang iyong anak.

    Ampalaya!
    PHOTO BY Alelly Cablao-Hernane
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa routine at sa dami ng dapat kainin, ikonsulta muna ito sa pedia ni baby para makasigurado. Bukod pa sa payo ng doktor, ang mismong anak mo na rin ang magbibigay sa iyo ng cues kung gusto pa niyang kumain. Kung ayaw na niya, huwag pilitin, para hindi siya magkaroon ng negatibong eating experience. Kapag kasi maganda ang experience ni baby sa kanyang mga unang pagkain, mas malaki ang chance na hindi siya umayaw sa mga gulay tulad ng ampalaya.

    Mashed kalabasa with beastmilk
    PHOTO BY Angel Garcia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante rin na mayroon kang mga reliable kitchen helpers o gamit sa pagkain para maging mas madali ang pagpapakain mo kay baby.

    Steamed squash
    PHOTO BY Angge Wagan

    Kung hindi ka pa nakakabili ng iyong baby food processor, mas magandang choice iyong mga klase na may additional features—bukod sa sulit na, mas marami ka pang maihahanda na iba't-ibang klase ng pagkain para kay baby. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Masked okra and bananas with breastmilk
    PHOTO BY Cristina Tandoy-Rantael

    May mga food processors din na maaaring dumoble bilang steamers. Malaking tulong ito sa iyo lalo na kung mag-sa mo lang na inaalagaan si baby.

    Kung nahihirapan ka namang pakainin si baby, huwag ka agad sumuko at magpadala sa stress. Importanteng malaman mo ang cues ng iyong anak dahil baka pinapakain mo naman siya kahit hindi siya gutom. Kumonsulta agad sa doktor ni baby kung may napapansin kang kakaiba sa kanyang eating habits o kung talagang hindi mo siya mapakain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa mga bawal ipakain kay baby, tandaan na importanteng huwag munang lagyan ng asin ang pagkain ni baby. Hindi pa kasi lubusang developed ang kidney ng mga bata para i-process ang asin. Huwag mo rin silang bibigyan ng honey, dahil maaari itong magdulot ng infant botulism, constipation, poor appetite, at sa mga malalang kaso, pneumonia at dehydration. Ito'y dahil sa bacteria na Clostridium botulinum na mayroon sa honey.

    Iwasan mo ring magbigay ng mga pagkaing tulad ng popcorn, buong ubas, at kung ano pa mang jelly snacks, o iyong mga pagkaing madikit. Mas malaki ang chance na mabilaukan ang anak mo sa mga ganitong pagkain.

    Tandaan, kung hindi ka sigurado kung pwede ang isang pagkain sa anak mo, mas makakabuti kung magtatanong ka sa medical experts.

     

    Mayroon ka bang mga baby food recipes na gusto mong i-share? Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makapagbahagi ka ng experiences mo tungkol sa baby food. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles