embed embed2
  • Look! Ito Ang Mga Pinakamurang Noche Buena Products Ayon Sa DTI

    by Ana Gonzales .
Look! Ito Ang Mga Pinakamurang Noche Buena Products Ayon Sa DTI
PHOTO BY Jerome Ascano
  • Ilang linggo na nga lang ay Pasko at Bagong Taon na. Naging tradisyon na nating mga Pinoy ang magkaroon ng engrandeng salu-salo kasama ang ating pamilya.

    Ngunit dahil na rin sa COVID-19 pandemic, mas magiging matipid na ang mga pagtitipon ngayon.

    Kaya naman para hindi mabutas ang bulsa ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng holiday season, inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bago nilang online service na e-Presyo.

    Masusing minomonitor ng DTI ang presyo ng mga Noche Buena items.
    PHOTO BY Jerome Ascano
    Kailangan ng maayos na pagbabantay sa presyo ng mga bilihin para kahit papaano ay maayos na makapamili ang mga consumers.
    PHOTO BY Jerome Ascano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Sa hirap ng panahon ngayon, kailangang maging wais sa pamimili.
    PHOTO BY Jerome Ascano

    Dito mo makikita ang listahan ng presyo ng mga pangunahing bilihin, maging ang mga basic necessities at commodities. Minomonitor ito ng DTI para masigurong ang mga mabibili mong produkto ay pasok sa iyong budget.

    Noche Buena food in a budget

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Madali lang gamitin ang website. Puntahan mo lang ang link na ito: https://opms.dti.gov.ph/consumer/weekly-prevailing

    Pagkatapos ay pipiliin mo ang Commodity Type at Location mula sa listahan.

    Lalabas na ang pangalan ng produkto, kung ilang piraso ito per pack, kung magkano ang suggested retail price, at kung saan ito mabibili nang mura.

    Narito ang isang sample ng maaari mong makita sa e-Presyo.
    PHOTO BY Ana Gonzales

    Kabilang sa listahan ng DTI ang mga Noche Buena food tulad ng tinapay, ham, canned meats at marami pang iba.

    Anu-ano pang nakalista sa e-Presyo?

    Noche Buena Ham

    Ayon sa DTI, ang pinakamurang pang Noche Buena Ham na pwede mong bilhin ay nagkakahalaga ng Php160. Mabibili mo ito sa Robinsons Supermarket sa Bluewave Sto. Nino at sa Robinsons Supermarket sa 168 Mall.

    Php160 rin ang presyo ng Purefoods Brick Ham, Php225 naman ang halaga ng CD Pear Shaped Ham.

    Cheese

    Kung hindi pasok sa budget ninyo ang queso de bola ngayong taon, maraming alternatibo sa listahan ng DTI. Php81 lang ang Eden Meltsarap, habang Php195 naman ang Kraft Cheddar Cheese.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Spaghetti

    Kung spaghetti naman ang handa ninyo, pumapatak sa Php32.50 ang 300 grams ng pinakamurang pasta. Aabot ito sa Php92.75 kung isang kilo ang bibilhin mo.

    Nagkakahalaga naman ng Php40.25 hanggang Php87.65 ang spaghetti sauce.

    Fruit cocktail

    Masarap na panghimagas ang fruit cocktail kaya naman hindi ito nawawala sa Noche Buena. Makakabili ka ng Today's Mixed Fruits sa halagang Php52.75 habang Php78.50 naman ang Del Monte Fiesta In Extra Light Sauce.

    Samantala, nasa Php41 naman ang 300ml ng Alaska Condensada. Habang Php54.50 naman ang Carnation Condensada. Php41 lang din ang Angel Condensada.

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga Noche Buena food items na nakalista ang presyo sa e-Presyo.

    Dito pa lang ay pwede ka nang gumawa ng listahan ng mga iluluto mo para sa Noche Buena. Makikita mo sa website kung magkano ang maaaring kabuuang budget na kakailanganin mo.

    Malaki ang maitutulong nito dahil maihahanda mong mabuti ang sarili mo at hindi pa kayo lalabis sa kung ano lang ang kaya ninyong gastusin.

    Nakapagdesisyon ka na ba kung anong handa ninyo para sa Noche Buena ngayong taon? I-share mo na sa comments section kung anu-ano ang mga lulutuin mo sa bisperas ng Pasko.

    Ibahagi mo na rin ang grocery list mo at kung magkano ang budget mo para makatulong sa mga nanay na wala pang idea kung anong gagawin nila.

    Huwag kalimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close