Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Dahil Mura ang Mangga: 5 No-cook Mango Dessert Recipes Para sa Pamilya

    Heto ang mga panghimagas at pampalamig na gawa sa mangga na pasok sa budget
    by Lei Dimarucut-Sison .
Dahil Mura ang Mangga: 5 No-cook Mango Dessert Recipes Para sa Pamilya
PHOTO BY @bugking88/iStock
  • Kung kayo ay madalas mamili sa palengke, maaring napansin na ninyo kung gaano kadami ang supply ng mangga nitong panahong ito. Ito ay dahil sa tinatayang mahigit 2 milyong kilo ng mangga na sobrang supply ngayong buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA). Maaring mabulok at masira ang mga ito kung hindi ito maibenta. 

    Dahil dito, inilunsad ng DA ang Metro Mango campaign kung saan ang isang kilo ng mangga ay mabibili sa halagang Php 20 hanggang Php 50 lamang — malaking bawas mula sa regular nitong presyo. Gayunpaman, ito ay para lamang sa mga bibili ng mangga ng bulto.

    Ang mga discounted na kilo ng mangga ay mabibili sa Department of Agriculture Central Office sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City at sa Bureau of Plant and Industry sa Malate, Manila. Available din ang mga ito sa Muntinlupa City Hall, Paranaque City Hall, at ilang piling Waltermart branches.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa murang halaga ng mangga ngayon, bakit hindi samantalahin at gumawa ng panghimagas para sa buong pamilya? Heto ang ilang no-cook recipes mula sa Yummy.ph na madali lamang gawin.

    No-cook mango desserts

    Easy Mango Strawberry Popsicle

     

    PHOTO BY Patrick Martires

     

    Dalawang ingredients lang ang kailangan para dito: mangga at strawberry, at 10 minuto lamang ang paghahanda! Kunin ang recipe dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    No-Bake Mango Cream Pie

     

    PHOTO BY Yummy.ph

     

    Siguradong magugustuhan ng buong pamilya ang recipe na ito kung saan magsasama ang tamis ng mangga at linamnam ng cream! Kunin ang recipe dito.

    More from Smart Parenting

    3-Ingredient Mango Ice Cream

     

    PHOTO BY Yummy.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ice cream ba ang hanap? Imbes na bumili, sundin na lang ang recipe na ito na gumagamit ng 3 ingredients lamang. Kunin ang recipe dito.

    Easy Mango Parfait

     

    PHOTO BY Yummy.ph

     

    Ang parfait ay isang frozen dessert na gawa sa prutas, cream, at broas. Narito ang isang madaling recipe na kayang gawin sa 15 minuto! Kunin ang recipe dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    No-Bake White Chocolate Mango Cheesecake

     

    PHOTO BY Yummy.ph

     

    Cheesy at creamy na may tamis ng mangga — talagang panalo ang no-cook recipe na ito! Kunin ang recipe dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles