embed embed2
  • One Week Baon Ideas Para Hindi Madaling Mag Sawa Ang Iyong Anak Sa Kaniyang Pagkain

    Maganang kumain ang anak kapag pinag-iisipan nang mabuti ang kakainin niya.
    by Anna G. Miranda . Published Jul 11, 2023
One Week Baon Ideas Para Hindi Madaling Mag Sawa Ang Iyong Anak Sa Kaniyang Pagkain
PHOTO BY ADOBE
  • “Anong laman ng lunch box mo noon?”

    Pagdating sa usaping baon sa school, marami tayong maikukuwento sa ating mga kaibigan tungkol sa panahong tayo pa ang mga bata. Hindi kasi maiiwasang magmarka sa isip kung sino-sino sa klase ang masasarap lagi ang baon noon. Mula sa Japanese snacks, choco mallows, choco crunchies, at foil-packed juice, hanggang sa mga popular na rice toppings sa cafeteria, masayang balik-balikan lahat ng dating paborito. Lalo na ang home-cooked meals na pinagsasaluhan minsan ng magkakaklase.  

    Naalala ko noong nasa high school pa ako, binagoongang baboy ang ulam ng kaklase ko. Mag-isa siyang kakain pero ilang minuto lang ang lumipas, may mga kutsara’t tinidor nang nakapila sa baunan niya. May ganitong kuwento rin ang isang mommy sa Smart Parenting Village, pero siya na mismo ang naghahanda ng extra lunch box para sa classmates ng kanyang anak.  

    Marami ding recipes ang makikita ngayon online para sa 1-week baon ideas na pang-recess at lunch. Pagdating sa mga bata, nangunguna madalas ang chicken recipes.

    What other parents are reading

    Narito ang iba’t ibang menu na puwedeng gawin:

    Four weeks of 7-day baon ideas

    Week 1

    Monday

    • Recess: Longganisa pasta, lemonade
    • Lunch: ½ cup plain rice, 1 cup beef and broccoli stir-fry, fresh pineapple juice

    Tuesday

    • Recess: Tuna and crackers, soymilk or chocolate milk
    • Lunch: 1 cup tapsilog, 1 stick of skewered melon balls, water

    Wednesday

    • Recess: 1 cup lemon butter pasta, baked veggie chips (potato chips), water
    • Lunch: 1 cup plain rice, salmon salpicao, fresh buko juice 

    Thursday

    • Recess: Turon with langka, lemonade
    • Lunch: 1 cup yang chow fried rice, sago’t gulaman, water

    Friday

    • Recess: Cucumber & egg sandwich, orange juice
    • Lunch: 1 cup plain rice, sinigang na hipon, choco brownie, water

    RELATED: Easy Filipino Baon Recipes: Mga Puwedeng Ipabaon Sa Elementary Students

    Week 2

    Monday

    • Recess: Cookies and cream sandwich, milk
    • Lunch: ½ cup plain rice, 1 cup beef in oyster sauce, fresh pineapple juice

    Tuesday

    • Recess: Grilled cheese sandwich, lemon water
    • Lunch: 1/2 cup plain rice, pork humba, sliced mango, water
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wednesday

    • Recess: Tofu and veggie sticks (carrots, cucumber)
    • Lunch: 1 cup brown rice, chicken teriyaki (thigh part), mango smoothie 

    Thursday

    • Recess: Egg salad wrap (with lettuce), four seasons juice
    • Lunch: 2 slices ham and cheese pizza, ½ cup carbonara, water

    Friday

    • Recess: Creamy spaghetti with meatballs, orange juice
    • Lunch: 1 cup plain rice, sweet and sour tilapia, water

    Week 3

    Monday

    • Recess: ½ cup baked mac, yogurt drink
    • Lunch: ½ cup lasagna, steamed veggies (asparagus, carrots), water

    Tuesday

    • Recess: Eggplant burger, frozen fruit pops, water
    • Lunch: 1/2 cup rice, crispy fish fillet with tartar sauce, sliced watermelon, water

    Wednesday

    • Recess: Veggie sticks (carrots, cucumber, potatoes, sweet potatoes), water
    • Lunch: 1 cup cottage pie, bread sticks, mango smoothie 

    Thursday

    • Recess: Tuna sushi rolls (with lettuce), four seasons juice
    • Lunch: 1 cup rice, spam, grilled eggplant, water

    Friday

    • Recess: Sweet corn with margarine, water
    • Lunch: 1 cup rice, pork giniling with alugbati, water

    RELATED: Paano Magplano Ng Baon Para Sa Anak? 12 Tips Na Kayang Sundin Ng Busy Parents

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Week 4

    Monday

    • Recess: Banana or kamote cue, water
    • Lunch: 1/2 cup rice, burger steak, water

    Tuesday

    • Recess: Nutella/peanut butter sandwich, banana smoothie
    • Lunch: ½ cup rice, lumpiang sariwa, chicken lollipop, dalandan juice

    Wednesday

    • Recess: Waffles with oats and yogurt, water
    • Lunch: ½ cup plain rice, katsudon, buko pandan salad, water 

    Thursday

    • Recess: Banana pancakes with honey and butter, vanilla milkshake
    • Lunch: 1 cup beef stroganoff, garlic bread, lemon water

    Friday

    • Recess: Ensaymada with choco dip, milk
    • Lunch: ½ cup plain rice, ginisang sayote, fried galunggong, water

    RELATED: Listahan Ng Healthy Baon Para Sa Mga Elementary Students

    Paalala para healthy ang baon ng anak

    Narito din ang tatlong dapat tandaan habang naghahanda ng 1-week baon para sa iyong anak:

    Nutritional Value

    Makatutulong kapag laging may gulay na kasama ang baon o meal-planning ng pamilya dahil nakabubuti ito sa katawan. Mayaman kasi ang mga gulay sa bitamina, mineral, fiber, at phytochemicals. Kaunti lang din ang calories at carbohydrates nito kaya puwedeng kumain ng maraming gulay. Ideal ang 4-5 servings ng gulay sa isang araw

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Panlasa ng iyong anak

    Mainam kung isasaalang-alang din ang mga gusto o paboritong pagkain ng iyong anak, lalo kung ang mga ito ay minsan lang naman niya kakainin. Halimbawa, mahilig siya sa donuts ngunit dahil matatamis ito, maaaring once a week lang ito o twice a month na baon. Puwedeng gawing prutas na lang imbes na pastries. 

    Variety ng baon

    Hindi rin magsasawa at mas excited pa ang iyong anak sa kanyang baon kapag paiba-iba ito. Nauuso na rin ngayon ang bento-style na baon. Kapag pinag-iisipan nang mabuti ang kanyang kakainin sa eskuwelahan, siguradong magiging magana siyang kumain at handa palagi sa mga gawain sa school araw-araw. 

    Iba Pang Ulam Ideas:

    • BistekBeef
    • Pork Chao Fan
    • Pan-fried salmon
    • Garlic buttered shrimp
    • Lumpiang shanghai 
    • Pocherong baboy 
    • Vegetable Kare-kare
    • Easy Chicken Cordon Bleu

    Basahin dito kung ang iyong anak ay ayaw kumain ng gulay. 

    Para sa meryenda, tandaang puwede ring baon ang lahat ng uri ng pancit! Pinakapaborito ng mga bata ang pancit bihon at pancit canton. Sa pasta, spaghetti at carbonara ang bida. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makatutulong din kung tatanungin mo ang iyong anak kung ano-ano pang pagkain ang gusto niyang masubukan at kung ano ang gusto niyang kainin sa eskuwelahan. Mahaba pa ang listahan ng 1-week baon ideas. Tiyak na hindi ka mauubusan ng ideya dahil maraming mahahanap online at may mairerekomenda ang mga kapamilya at kaibigan. 

    Tandaan ding dapat na manatiling malamig ang malamig at mainit naman ang mainit. Maaaring gumamit ng insulated lunch boxes at ice packs para dito. Maaari ding gumamit ng thermos para sa maiinit na sabaw. 

    Noon at ngayon, hindi pa rin nagbabagong mahalagang bahagi ng buhay-eskuwela ng mga bata ang baon sa school. Mas mainam kung napag-iisipan nang mabuti ang kinakain ng iyong anak. 

    Basahin din dito ang lunch baon ideas at dito para sa ilan pang useful tips mula sa iba pang Pinoy moms!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close