-
Paano Sulitin Ang Isang Kilong Karne (Matipid Sa Pera At Effort!)
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Mahirap nang lumabas ng bahay ngayon. Hanggat maaari kasi, gusto nating limitahan ang exposure natin sa labas para tuluyang nang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.
Ipinatupad na rin ng pamahalaan ang "enhanced community quarantine." "It will be an enhanced quarantine during which the movement of everyone will be significantly limited," sabi ni presidente Rodrigo Duterte sa isang pre-recorder press conference.
Lahat ay inanyayahan ng pangulo na manatili sa bahay. Isang miyembro lang ng pamilya ang hinihikayat na lumabas para bumili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot. Ayon pa sa presidente, mananatiling bukas ang mga establisyimento o provider ng mga pangunahing pangangailangan.
What other parents are reading
Ngunit para na rin hindi na kailangan pang lumabas-labas kayo ng bahay, inilista namin ang ilang recipes at cooking hacks na pwede ninyong magamit ngayon para makatipid sa ingredients at masulit ninyo ang kung ano mang nabili ninyong supplies.
Ibinahagi sa amin ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anong ginagawa nila sa isang kilong karne para masulit ito.
Ayon kay mommy Jai Bernardino, ang isang kilong manok ay pwedeng-pwede na para sa tatlo hanggang apat na putahe. "'Yung main na gagawin ko tinola, tapos 'yung iba adobo," kwento ni mommy. Dagdag pa niya, pinapaalis na niya ang buto sa chicken breast para pwede niya rin itong gamitin para gumawa ng chicken fingers. "I-marinate muna [bago] lutuin kinabukasan with breadcrumbs, egg, at harina," pagbabahagi ni mommy. "'Yung natirang bones pwedeng isahog sa sopas o sa pansit pang meryenda."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Sikreto naman ni mommy Queen Alejo Mendoza, na natutunan pa niya sa sarili niyang ina, ay ang pagpapakulo sa asin ng mga karneng nabili niya. Sa ganitong paraan, hindi madaling masira ang karne at madali na rin itong palambutan. Saka niya ito hahati-hatiin, depende sa bilang ng putahe na lulutuin niya. Halimbawa, sa isang kilong baboy, kalahati ay sinisigang niya habang 1/4 ay para sa adobo at 1/4 ay panahog naman sa munggo, pinakbet, at iba pang gulay.
Para naman kay mommy Mamay Jane Bodiola, lima hanggang anim na putahe ang inaabot ng isang kilong karne sa kanila dahil dalawa lang silang mag-ina na magkasama sa ngayon. "Pagkabili, linising mabuti ang karne at saka ihiwa-hiwalay na depende sa putahe," payo niya. Mas madali nga naman ito, para kada magluluto ka, hindi ka na maghihiwalay at maghihiwa ng karne. Kukuha lang ng container, palalambutin ito, at ready nang iluto.
What other parents are reading
Lima naman sa pamilya sina mommy Lea Lobel Pimentel Mendigoria. Inaabot ng dalawa hanggang apat na putahe ang isang kilong manok sa kanila. Dalawa kapag ang iniluluto niya ay adobo, ginataan, o tinola, at apat naman kapag ang niluluto niya ay mga putaheng ginisa at maraming gulay.
Mas pinipili naman ni mommy Camille Edrosolo-del Rosario na bumili ng isang kilong manok dahil mas mura ito. "Hahatiin ko ito sa dalawa—pang tinola at pang adobo," kwento niya. Sa baboy naman, inaadobo niya ang kalahating kilo habang panahog sa gulat ang isang 1/4 kilo at ipinapagiling naman niya ang natitira pang 1/4 kilo. Pagdating naman sa isda, kalahating kilo lang ang binibili ni mommy dahil marami na ito. "One a week ang pagbili ng isda o karne, good for the week na 'yun, minsan sobra pa," kwento ni mommy.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Giniling naman ang sikreto ni mommy Roux Gonz para mas marami silang magawang putahe na tatagal para sa isang linggo. Dalawang adults at tatlong kids ang kanilang household. Kalimitan niyang ginagawa ang lumpiang shanghai, bola-bolang may miswa, tortang talong na may giniling, at ginataang kalabasa na may sitaw. Good for one week na para sa kanyang pamilya ang mga low-budget na ulam na ito.
Mas maraming gulay naman ang ihinahanda nina mommy Tiffany Joy Riosa Romero. "Usually, pampalasa lang [ang] meat," kwento niya. Kalimitan ay chopsuey at iba pang ginisang gulay.
What other parents are reading
Kanya-kanya nga ng paraan ang bawat pamilya para mas patagaling ang kanilang mga supplies lalo na sa panahon ngayon na limitado lang ang mabibili sa mga pamilihan at delikado ang matagal na paglalagi sa labas.
Kayo? Magkano ang budget ninyo sa grocery ngayong may "enhanced community quarantine"? Paano ninyo hinahati o nirarasyon ang mga supplies na napapamili ninyo? I-share ang inyong experience sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments