-
Super Dali! No-Bake 'Quarantine Cakes' Mula P40 Hanggang P300
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kalimitan, sa mga ganitong panahon, nasa beach ang mga tao—nagbabakasyon, nagrereunion o nagdiriwang ng mga okasyong tulad ng graduation at birthday. Ngunit dahil sa COVID-19, lahat ng ito'y hindi na muna matutuloy.
Noong una, labis na nalungkot ang mga magulang. Ngunit kung kabisado mo ang mga nanay at tatay, alam mong panadalian lang ang lungkot dahil hahanap at hahanap ang mga iyan ng paraan para mapasaya ang kanilang mga anak—lalong-lalo na pagdating sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata.
Sa kabila ng enhanced community quarantine (ECQ) at pahirapan sa pagkuha ng mga sangkap, nakakagawa pa rin ang mga nanay at tatay ng masasarap na cakes!
What other parents are reading
Narito ang ilan sa mga ibinahagi sa amin ng mga nanay sa Smart Parenting Village:
Fudge Ice Cream Cake
Mukhang masarap itong ice cream cake ni mommy Lely! Ang dali pang gawin.PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneTotal Cost: Less than Php100
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa na siguro sa mga may pinakamadaling hanapin na ingredients itong cake na ibinahagi ni mommy Alelly Hernane.
Mga sangkap:
- 5 pieces Fudgee Bar
- condensed milk, chilled
- all-purpose cream, chilled
Paraan ng paggawa:
- Durugin ang Fudgee Bar hanggang maging crumbs. Ihulma sa isang container. Itabi.
- Paghaluin ang chilled condensed milk at chilled all-purpose cream
- Ilagay sa gitna ng Fudgee Bar na ihinulma mo sa isang container. Takpan ng foil at palamigin overnight.
Fudgee Bar din ang ginamit ni mommy Thom Sanchez sa cake na ginawa niya para sa kanyang anak na si Nicolai.
Excited na si baby!PHOTO BY courtesy of Thom SanchezMga sangkap:
- Fudgee Bar
- butter
- powdered sugar
- food coloring
- any candy for decoration
- box na pwedeng paglagyan ng cake
Paraan ng paggawa ng frosting:
- Palambutin ang butter at i-whip.
- Idagdag ang powdered sugar at i-whip ulit.
- Ilagay ang mixture sa dalawang magkaibang bowls. Lagyan ng kulay na gusto mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowParaan ng pag-assemble ng cake:
- Gupitin ang kahon at lagyan ng malinis na paper sheet para magsilbing base.
- Ilatag ang frosting.
- Iayos ang Fudgee Bar ayon sa laki at kapal ng gusto mo.
- Lagyan ulit ng layer ng frosting.
- Lagyan ng dekorasyon depende sa iyong gusto.
Php200 lang ang nagastos ni mommy para sa cake na ito ng anak niya—sulit at tipid!
What other parents are reading
Yema Cake
Nakakatakam naman!PHOTO BY courtesy of Merry Gen Calma FerrerTotal Cost: Php200
Naalala niyo ba noong sumikat ang yema cake at pinilahan ang mga varieties nito? Alam niyo ba na pwedeng-pwede niyo itong gawin sa bahay? Pwede ninyong gayahin itong recipe ni mommy Merry Gen Calma Ferrer.
Mga sangkap:
- 1 ¼ cup cake flour or all-purpose flour (remove 2 tablespoon flour and replaced with 2 tablespoon cornstarch)
- ½ cup sugar
- 2 teaspoon baking powder
- 3 large egg yolk
- ½ cup milk or orange juice or water
- 1/3 cup oil
- 2 teaspoon vanilla
- 3 egg whites
- 1/3 cup powdered sugar
- ¼ teaspoon cream of tartar
- 5 egg yolks
- 1 can condensed milk
- ¼ cup water
- 1/2 teaspoon cornstarch
- 1 teaspoon vanilla extract
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWParaan ng pagluluto:
- Paghaluin lahat ng dry ingredients sa isang malaking bowl at haluing mabuti. Ilagay sa isang tabi.
- Paghaluin lahat ng wet ingredients sa isang malaking bowl at haluing mabuti. Ilagay sa isang tabi.
- Paghaluin ang wet at dry mixture at i-set aside.
- Para gawin ang meringue, i-beat ang egg whites hanggang magkaroon ng stiff peaks.
- Ihalo ang meringue sa cake batter. Gamitin ang tinatawag na 'cute and fold' method.
- Ilagay ang cake mixture sa baking pan o llanera. Takpan ng aluminum foil at i-steam ng 40 minuto o hanggang maluto ang cake. Itabi at hayaang lumamig.
- Para sa paggawa ng yema frosting, paghaluin ang egg yolk at condensed milk at lutuin sa mahinang apoy. Haluin hanggang lumapot.
- Ilagay ang slurry o cornstarch na tinunaw sa tubig. Lutuin ng dalawa hanggang tatlong minuto. Ilagay ang vanilla, patayin ang apoy at hayaang lumamig.
- Ibuhos ang yema frosting sa cake at lagyan ng ginayat na keso.
What other parents are reading
Birthday Pancake
Pwede niyo rin itong lagyan ng jam o fruits para sa topping.PHOTO BY courtesy of Jho Calubay SilvanoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTotal Cost: Php40
Kwento ni mommy Jho Calubay Silvano, talagang limitado ang budget nila ngayong ECQ kaya naman ito ang naisip niyang cake para sa ikalawang kaarawan ng anak niya. "Naisipan kong gumawa ng pancake—nilagyan ko na lang ng design," kwento niya. "'Yung props last year pa 'yan na DIY ko. Itinago ko lang."
Kung mapapansin ninyo, wala ring kandila ang cake dahil wala raw mahanap si daddy. Gayon pa man, masaya pa rin ang anak nila sa cake nito. "Alam ko pong napakasimple ng gawa ko, pero idea na rin [ito para] sa mga mommies na walang budget dahil na rin sa ECQ," sabi pa ni mommy.
Sangkap:
- 2 cups all-purpose flour
- 2 eggs
- white sugar
- water
Paraan ng paggawa:
- Paghaluin lahat ng mga sangkap.
- Iprito sa non-stick pan.
Kung may choclates o prutas kayo sa ref, pwede itong gawing toppings ng pancake.
Fruit Cake
Ang sarap naman!PHOTO BY courtesy of Dianarra ElaydaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTotal Cost: Php305
Kakaiba naman ang 'fruit cake' ni mommy Dianarra Elayda dahil literal na mga prutas ang ginamit nila.
Mga sangkap:
- 1 piece watermelon, large
- 1/4 kilo grapes
- 1 piece mango
- 2 pieces kiwi
- 1 piece lemon
- 1 piece ponkan
Paraan ng paggawa:
- Hugasang mabuti ang mga prutas at itabi.
- Hiwain ang parehong dulo ng pakwan. Ilipat sa plato at balatan.
- Hiwain ang ponkan, lemon, at kiwi.
- I-dice ang mangga.
- Ilagay ang kiwi paikot sa pakwan, habang sa gitna naman ang mangga. Ilagay rin sa palibot ang ponkan at lemon.
Pwede rin itong lagyan ng iba pang mga prutas, depende sa gusto ninyo at sa available sa inyong area.
Sa panahon ngayon, kailangan mas maging wais pagdating sa maraming bagay—pati na rin sa pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon sa buhay ng pamilya.
Patunay ang mga nanay at tatay na basta hindi ka mawawalan ng pag-asa, may paraan! Simpleng cake man 'yan, ang mahalaga ay buo, malusog, at ligtas ang pamilya.
What other parents are reading
Nasubukan mo na bang gawin ang mga cakes na ito? Kumusta ang iyong experience? I-share na sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments