-
7 Ulam Recipe na Kayang Gawin Gamit ang 5 Sangkap Lang
Hindi ka pa nakapag-grocery? Huwag mag-alala. Kaya pang lutuin ang mga ito.by Rick Jay Cabillo and Jillianne E. Castillo .
- Shares
- Comments

Ramdam natin ang lungkot kapag binuksan ang ref at walang kahit na anong matinong panghapunan para sa mga bata. Sa mga araw na ganito, bumaling lang sa listahang ito ng mga ulam na maaari mong lutuin gamit lamang ang limang sangkap (hindi kabilang ang asin, paminta, at mantika):
1. Pork Steak a la Pobre
PHOTO BY Dan Rivera/Yummy.phMakakatanggi ka ba sa pork chop na may malulutong na piraso ng bawang sa ibabaw? Tiyak na magugustuhan ito ng buong pamilya lalo na’t mayroon itong gravy. Siguraduhing marami kang inihanda dahil pihadong manghihingi pa ulit ang mga bata.
Kaya ang 2 serving
- 4 na piraso ng pork steak
- 16 na ulo ng bawang, tinadtad
- 2 kutsarang mantikilya
- 2 kutsarang all-purpose na harina
- 1 tasang sabaw ng pinakuluang baboy
Basahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
2. Prawns (Sugpo) sa Orange Sauce
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Aldwin Aspillera/Yummy.phHindi ka magkakamali sa ulam na ito kung ang hanap mo ay mabilis at madaling seafood recipe. Kung mayroon ka nang orange, iyon na ang pinakamahirap na step! Manunuot sigurado ang lasa ng orange sauce sa mainit na kanin!
Kaya ang 4 na serving
- 2 kutsarang unsalted butter
- 2 ulo ng bawang
- 1 kilong prawns (sugpo), back slit at deveined (binalatan)
- kinadkad na juice mula sa 2 navel orange
- tinadtad na parsley, para sa garnish
Basahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
What other parents are reading
3. Roast Tamarind Chicken
PHOTO BY Patrick Martires/Yummy.phTamang-tama ang recipe na ito para sa mga gabing marami kang oras pero ayaw mong gugulin sa pagluluto. Kakailanganin mo ng turbo broiler para sa recipesimulant na ito.
Kaya ang 4 na serving
- 2 kutsarang toyo
- 3 tangkay ng lemongrass (tanglad)
- 5 ulo ng bawang, tinadtad
- 1 kilong mga binti ng manok
- 1 22-gram pack ng orihinal na sinigang sa sampalok mix, Knorr ang ginamit ng Yummy.ph
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBasahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
4. Teriyaki Chicken
PHOTO BY Dan Eric Rivera/Yummy.phMay swak na timpla ng tamis at alat ang chicken recipe na ito kaya patok ito sa mga bata at maging sa matatanda. Buti na lang at madali lang din itong gawin! Budburan ito ng mga hiwa ng spring onion kung gugustuhin.
Kaya ang 4 na serving
- 1/4 tasang toyo
- 1/4 tasang mirin
- 4 na kutsarang asukal
- 1/2 kutsarang cornstarch
- 1 kilong chicken breast, ginawang fillet
Basahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
What other parents are reading
5. Beef Tapa
Bakit ka pa bibili kung kaya mo namang gawin? Kung hindi mo pa naranasang magluto nitong Pinoy favorite na ito, subukan mo ang recipe na ito. Bagay itong samahan ng pritong itlog, kanin, at suka.
- 1/2 kilong beef sirloin, hiniwa nang maninipis
- 1/2 tasang toyo
- 3 kutsarang suka
- 5-6 na ulo ng bawang, dinurog
- 2 kutsarang asukal
Basahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW6. Tortang Talong
Magaan sa bulsa at di-mabusising gawin, ang recipe na ito ng Pinoy eggplant omelette ay panalo kapag weeknights. Ayaw man ng mga bata ng talong, maaaring magustuhan nila ito kapag natikman nila ang ganitong luto. Basta huwag kalimutang i-serve na may kasamang ketchup at mga kamatis.
- 2 pirasong Chinese eggplant
- 1/2 kilong giniling na baboy
- 2 ulo ng bawang, tinadtad
- 1 malaking red onion, tinadtad
- 2 itlog
Basahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
7. Pan-seared Pork Chops
PHOTO BY Patrick Martires/Yummy.phAno ang sikretong sangkap sa masarap na pork recipe na ito? Walang iba kundi orange marmalade! Kasama ang oras ng paghahanda at pagluluto, maaari mo nang i-serve ang ulam na ito sa loob lamang ng 30 minuto. Budburan ng tinadtad na green onions kung gugustuhin.
Kaya ang 4 serving
- 5 kutsarang orange marmalade
- 2 kutsarang toyo
- 4 bone-in pork chops, mga 500 hanggang 600 grams lahat-lahat
- green onions, tinadtad pang-garnish
- 2 kutsarang toyo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin ang paraan ng pagluluto sa Yummy.ph.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 7 Ulam Recipes You Can Do With 5 Ingredients or Less
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments