embed embed2
  • 'Itinerary' Handa Ni Mommy: Tara Na Sa Gar-Denmark, Kwar-Tokyo, Banyo City, At Kulambodia

    Narito ang mga witty "itinerary" na hinanda ng mga nanay!
    by Ana Gonzales .
'Itinerary' Handa Ni Mommy: Tara Na Sa Gar-Denmark, Kwar-Tokyo, Banyo City, At Kulambodia
PHOTO BY iStock
  • Sa kabila ng lahat ng nangyayari bunsod ng COVID-19, maaasahan mo talaga ang mga Pilipino para hanapin at tignan ang silver lining. Naglabasan na nga ang iba't-ibang klaseng memes na hango sa iba't-ibang experiences ng ating mga kababayan simula nang makapasok ang coronavirus dito sa ating bansa at malagay ang buong Luzon sa enhanced community quarantine.

    Isa nga sa mga memes na trending ngayon ay ang mga 'itinerary' na ihinanda ng mga Pinoy para magamit sa 'paglilibot' sa kanilang mga bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siyempre, hindi pahuhuli ang mga nanay sa meme na 'yan! Gumawa rin ang mga nanay ng sarili nilang mga 'itinerary' para aliwin ang kanilang mga anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa itinerary na ginawa ni mommy Ella MaraMelanie Dator Perez-Donaire, hindi talaga maiinip ang anak nila dahil sa dami ng gagawin nito sa kanilang 'tour'.

    What other parents are reading

    Kwento ni mommy, pagkagising nila sa kanilang Antarcti-Kama, magpapasalamat sila sa Diyos para sa isa nanamang espesyal na araw. Pagkatapos nito ay mag-aagahan naman si baby sa kanyang Hawaii chair. Ipaghahanda siya ni mommy ng isang bonggang breakfast buffet na puno ng mga organic baby food. Sabi pa ni mommy, hindi galing sa Switzerland ang milk ni baby kundi sa Buda-Breast, Hungary—talaga namang bongga!

    Pagkatapos ng masarap na agahan, cruise naman papuntang Van-Crib-er, Canada sina mommy! Balak din nilang gumulong-gulong sa comfor-Turkey. Kapag napagod si baby, umuupo muna sila ni mommy at kumakanta ng nursery rhymes sa YouTube-S.A o 'di kaya ay nagbabasa ng mga libro sa Shelf-zerland.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nainitan naman, swimming muna si baby sa Banyo-York at kakain ulit sa Hawaii chair. Siyempre hindi pwedeng maiwan si daddy! Sasalubungin siya ni baby sa Parking-Latvia at saka sila maglalaro ng taguan sa Italy-ving Room. Kung hindi pa pagod si daddy, magpapractice pa sila ng paglalakad sa Gar-Denmark o 'di kaya ay mag-eexercise sa Floor-ida.

    Bago sila bumalik sa kanilang "hotel room" at matulog muli sa kanilang Antarcti-Kama, magdadasal muna sila sa Altar-Gentina.

    Cute na cute ang 'souvenir' ni baby mula sa kanyang 'travel'.
    PHOTO BY courtesy of Ella MaraMelanie Dator Perez Donaire

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kung titignan, parang aksaya sa oras mag-isip ng "itinerary," pero sa kabilang banda, hindi mo rin masisisi ang mga magulang kung maghahanap sila ng mga creative na paraan para ipaliwanag sa mga anak nila kung anong nangyayari.

    Hindi lang ganitong itinerary ang mayroon ang mga nanay. Mayroon din silang daily schedule kung saan nila idinetalye ang mga gagawin ng mga anak nila, para hindi mawalan ng structure ang mga ito.

    Isang magandang halimbawa diyan ang schedule na ginawa ni mommy Joy Marie Arce.

    Makikita mo sa kanyang sheet na kumpleto ito ng mga enriching activities, mula sa pag-eehersisyo, hanggang sa paglalaro, panonood ng kaunting T.V., at pati na rin ang pag-nanap.

    Balanse ang study at play sa schedule na ginawa ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Joy Marie Arce‎

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa panahon ngayon na walang katiyakan ang mga bagay at talagang mararamdaman mo ang takot at pagkabahala ng ating mga kababayan, hindi masama na hanapin natin ang silver lining.

    Kayo? Paano ninyo inaaliw ang mga anak ninyo sa bahay? Paano ninyo sinisiguro na hindi sila natatakot sa mga nangyayari? I-share niyo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles