embed embed2
  • 15 Things Sa Bahay Ninyo Na Dapat Mo Nang Itapon

    Cluttered ba ang bahay ninyo? Baka kailangan mo nang alisin ang mga gamit na ito.
    by Ana Gonzales .
15 Things Sa Bahay Ninyo Na Dapat Mo Nang Itapon
PHOTO BY iStock
  • Hirap ka bang itapon ang mga lumang gamit mo sa bahay? Madalas ka bang may mga stocks ng mga bagay na hindi mo naman ginagamit?

    Para mas maging madali ang paglilinis mo, kailangan mong bawasan ang mga gamit ninyo sa bahay. Kung hindi mo na ginagamit, mas maganda kung itapon o i-donate mo na lang ang mga ito.

    What other parents are reading

    Narito ang 15 na bagay sa bahay na pwede mo nang itapon

    1. Mga lumang cords

    Kung hindi na gumagana ang mga lumang chargers mo o nagpalit ka na ng unit, bakit mo pa itatago ang mga luma mong cords. Kalat lang sila sa bahay.

    2. Mga lumang kalendaryo

    Maraming pamilyang Pilipino ang malimit nagtatago pa ng mga lumang kalendaryo. Mas maganda kung sa tuwing magpapalit ang taon, irerecycle mo na rin ang mga lumang kalendaryo ninyo.

    What other parents are reading

    3. Mga lumang salamin sa mata

    May drawer din ba kayo sa bahay na puno ng mga lumang salamin at shades na basag o butas na? Sa halip na mag-ipon lang ito ng alikabok, i-recycle mo na lang ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Mga lumang toiletries

    Kung madalas kang makiuso sa skincare at lagi kang sumusubok ng iba't-ibang produkto, siguradong marami ka nang tubes ng mga expired na shampoos, sunscreens, at iba pa. Huwag mo nang ipunin ang mga ito. Bukod sa kalat na nga ito, delikado pa ito para sa mga bata.

    5. Mga lumang resibo

    Kung kailangan mo talaga ng kopya ng mga resibong nakukuha mo, mas maganda kung gumawa ka na lang ng digital copy. Pwede mo itong i-scan o kuhanan ng picture at i-save sa isang hard drive.

    What other parents are reading

    6. Mga medyas na walang kapares

    Pwede mong magamit sa ibang bagay ang mga medyas ninyo na walang kapares. Pwede mo itong gamiting lalagyan ng mga mothballs o 'di kaya ay gamiting lalagyan ng mga laruan ng mga anak mo. Tignan mo lang ang listahang ito ng Business Insider.

    7. Mga plastic utensils

    Sabihin mo na agad sa mga restaurants na inoorderan mo na huwag na silang magsama ng mga plastic utensils sa order ninyo. Nakatulong ka na sa kalikasan, nabawasan pa ang kalat sa bahay ninyo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    8. Mga condiment packets

    Huwag humingi o kumuha ng labis na condiment packets mula sa mga restaurants na inoorderan ninyo. Bukod kasi sa delikadong kumalat ito sa refrigerator ninyo o sa kabinet ninyo, maaari rin itong maging delikado kung mapanis at makain ng mga bata.

    What other parents are reading

    9. Mga pinaglumaang damit ng mga anak mo

    Sa panahon ngayon na tipid ang lahat ng mga nanay, mas maganda kung idodonate mo na lang ang mga lumang damit ng mga anak mo sa halip na nakatambak lang sila sa bahay. Nakatulong ka na, nalinis mo pa ang bahay ninyo.

    10. Mga hindi na ginagamit na craft supplies

    Mahilig ka bang mag-DIY? Kung oo, siguradong marami kang mga retason at tira-tira mula sa mga projects mo. Kung alam mong hindi mo na magagamit ang mga ito, mas magandang i-recycle o i-dispose mo na lang sila.

    11. Mga lumang tuwalya

    Kahit ang mga butas-butas niyo nang bedsheets—hindi na rin sila dapat nakatambak sa bahay ninyo. Pwede mong gawing basahan ang mga ito para hindi masayang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    12. Mga plastic grocery bags at eco-bags

    Kung akala mo nakakatulong ka sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-iimbak ng mga ito, nagkakamali ka. Kaya sila reusable ay para gamitin mo sila nang higit sa isang beses. Kung isang beses mo lang silang gagamitin at itatambak mo pagkatapos, hindi ka rin nakatulong kay Mother Earth.

    13. Mga containers na wala nang takip

    Pwede mong gamitin ang mga ito bilang taniman ng mga halaman o lalagyan ng mga laruan ng mga anak mo. Pwede mo na rin itong i-donate o dalhin sa recycling centers.

    14. Mga damit na pinagliitan na

    Tulad ng mga lumang baby clothes, hindi mo na rin dapat itago ang mga damit na hindi na kasya sa iyo. Ibigay mo na lang ang mga ito sa mga mas nangangailangan.

    15. Mga lumang telepono, relo, at iba pang gadgets o de-bateryang gamit na hindi na gumagana

    Kung hindi na magagawa ang mga ito, huwag mo na itong ipunin sa bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ilan pa sa mga bagay sa bahay na dapat mo nang itapon ang lumang hangers, mga bateryang hindi na gumagana, mga expired nang makeup, mga basag nang plato, mga lumang nail polish, at mga office supplies na matagal nang hindi nagamit.

    Tandaan, kung hindi mo na ginagamit ang isang bagay nang higit sa isang buwan, baka hindi mo talaga ito kailangan.

    May mga gamit ka bang nasa bahay lang at hindi na napapakinabangan? Paano mo balak na irepurpose ang mga ito? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close