embed embed2
  • 7 Mabilis At Effective Bathroom Cleaning Hacks

    Huwag pahirapan ang sarili sa paglilinis ng banyo. Narito ang ilang cleaning hacks na pwede mong subukan.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
7 Mabilis At Effective Bathroom Cleaning Hacks
PHOTO BY iStock
  • Payo ng mga microbiologists, isang beses sa isang linggo dapat at kailangang nalilinisan ang mga banyo para hindi ito pagbahayan ng mga mikrobyo na maaring magdala ng sakit sa pamilya.

    Marami ang intimidated sa paglilinis ng banyo, pero kung iyong iisipin, magiging mas madali ang trabahong ito kung mas madalas mo itong gagawin. Hindi mo na kailangan pang magbanat ng buto para matiyak na malinis ang banyo ninyo. Hindi mo rin kailangan pang gumastis ng malaki para sa mga mamahalin at delikadong kemikal na panlinis.

    What other parents are reading

    Maraming bathroom cleaning hacks na akong nasubukan para masiguradong malinis ang banyo namin. Mabilis lang din ang mga techniques ko na ito dahil mayroon akong anak na kailangang bantayan at alagaan. Narito ang siyam na mabibilis at effective bathroom cleaning hacks na pwede mong subukan:

    Suka para sa showehead

    Umpisahan mo sa pamamagitan ng pag-alis nito at pagbabad sa suka at tubig na nakalagay sa isang plastic bag. Hayaan mo lang itong nakababad ng isa hanggang dalawang oras habang nililinis mo pa ang ibang mga bahagi ng inyong banyo. Pagkatapos ng ilang oras, alisin ang showerhead, ikabit, at padaluyan ng tubig nang ilang minuto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Laundry detergent at dishwashing liquid para sa lababo

    Kung may mga mantsa na mahirap tanggalin sa inyong lababo, kailangan lang gawin ay magspray ng liquid dishwashing soap na may halong laundry detergent. Pagkatapos mababaran ang mantsa, magspray naman ng bleach at hayaan muna ito ng sampu hanggang labinlimang minuto. Kapag babanlawan mo na, huwag kalimutang isama ang faucet at handle nito lalo na kung may mga talsik ng toothpaste at sabon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tea bags para sa makintab na bathroom mirror

    Pakuluan ang tatlo hanggang apat na tea bags at hayaang lumamig ito at saka ilagay sa isang spray bottle. Maaring gamitin ang water solution na ito sa paglilinis sa mga salamit at glass divider. Nakakatulong ang tea sa pagpapalinaw ng mga salamin at natural na nadidisinfect na din ang mga ito.

    What other parents are reading

    Baking soda at suka para sa toilet bowl

    Isa ito sa importanteng bahagi ng banyo na dapat malinisan. Gamit ang baking soda at suka, ibabad ang toilet bowl sa loob ng labilimang minuto, ipagpatuloy lang ang paglilinis ng mga salamin habang binababad ang toilet bowl. Pagkatapos ng labinlimang minuto, isising mabuti ang palibot ng bowl bago pindutin ang flush.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para mawala ang amoy ng suka, maaring gumamit ng laundry detergent pagkatapos i-flush ang suka at baking soda. I-brush lang itong muli sa palibot ng toilet bowl at saka banlawan ng tubig. Maari ding gumamit ng bleach kung walang baking soda. Ang mahalaga ay mapa-puti ang toilet bowl at maalis ang paninilaw nito sa palibot.

    What other parents are reading

    Lemon para sa tiles

    Madalas na sinisiksikan ng mga dumi at tirang sabon ang mga linya sa pagitang ng mga tiles sa banyo. Lemon ang pinakamabisang gamitin para matanggal ang mga ito. Mabisa ring gamitin ang lemon para natural na madisinfect ang sahig at dingding ng banyo ninyo. 

    Kuskusin lang ng lemon ang mga maruruming bahagi at ibabad ng lima hanggang sampung minuto bago banlawan. Habang nililinis mo ito, pwede mong bigyang atensyon ang iba pang mga bahagi ng inyong banyo.

    What other parents are reading

    Suka at mainit na tubig para sa baradong drainage

    Madalas na nakakabara sa mga drainage sa banyo ang mga nalalagas na buhok. Kung hindi naman malala ang bara, hindi niyo na kailangan pang tumawag ng tubero o gumamit ng mga matatapang na kemikal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa mga pinakaepektibong home remedies ay ang paggamit ng suka at mainit na tubig. Ibuhos ang isang tasa ng suka sa baradong drainage at pagkatapos ng sampung minuto ay buhusan ito ng kumukulong tubig. Sa ganitong paraan ay matutunaw ang mga namuong sabon at iba pa na nakabara sa inyong drainage.

    What other parents are reading

    Mainit na tubig para sa bathroom racks

    Linisan din ang lagayan ng sabon sa pamamagitan ng pagbanli ng maiinit na tubig, sa ganitong paraan matutunaw ang mga tirang sabon na kumapit dito. Ito na rin ang pwede mong gamitin para ipanlinis sa lalagyan ninyo ng sabon. Sa lagayan naman ng tissue, punasan ito at alisin ang alikabok at patuyuin ito para paglagay ng roll ng tissue ay hindi ito mababasa.

    What other parents are reading

    Huwag din kalimutang alisin ang naipong mga alikabok sa exhaust fan sa inyong banyo. Siguraduhin lang na gagawin ang paglilinis ng exhaust fan bago pa maglinis ng sahig upang hindi ma-doble ang gawain dahil tiyak na maglalaglagan ang mga alikabok dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi kumpleto ang paglilinis ng banyo kung hindi mo mapapalitan ang plastic sa loob ng basuran, bukod sa pinanggalingan ito ng di kanais-nais na amoy, kailangan din itong mahugasan para hindi maipon ang dumi ang mikrobyo dito. Tiyaking tuyo ang loob nito bago lagyan ng bagong plastic para hindi bahayan ng lamok kung may matitirang naipon na tubig.

    Kung linggo-linggo mo itong gagawin, mas bibilis pa ang paglilinis dahil hindi mo na kailangan pang babaran ng matagal ang bahagi ng banyo dahil konti lang ang mga dumi nito. Kailangan lang talagang paglaanan ng konting oras sa umpisa dahil may mga bahaging kailangang linisan ng mabuti at mga mantsa na kailangan alisin, ngunit hindi mo kailangan magpagod ng husto, sa katunayan maari ka pang manood ng paborito mong korean novela pagkatapos ng gawaing ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles