embed embed2
  • Delikado Magluto Ng French Fries Sa Air Fryer: Consumer Group

    Ang consumer group ay galing sa Hong Kong.
    by Jocelyn Valle .
Delikado Magluto Ng French Fries Sa Air Fryer: Consumer Group
PHOTO BY Shutterstock/Sushiman
  • Kilala ang air fryer bilang healthier alternative sa pagluluto ng pagkain. Hindi kasi kailangan ng mantika (o kaunti lang) para makapagprito ng karne, isda, gulay, at frozen food items.

    Maaari pang makapag-roast at mag-bake sa air fryer dahil kumikilos ang kitchen appliance na ito bilang mini convection oven. Ibig sabihin, airflow ang nagmimintina ng init sa loob ng basket na lutuan.

    Kaya naman isa ang air fryer sa mga "hot appliances" noong 2020. Marami ang bumili lalo na bawal lumabas dahil sa quarantine.   

    Ngayon, may sinasabing panganib daw sa paggamit ng air fryer, base sa resulta ng pagsusuring ginawa ng Consumer Council sa Hong Kong (gobyerno ng bansa ang nagtatag nito). Naibalita ito ng Hong Kong International Business Channel nitong February 17, 2021.

    Sinuri ng council ang 12 brands ng air fryer na nagkakahalaga mula HK$298 (Php1,865) at HK$2,080 (Php13,000).

    Nalaman nila na ang French fries na niluto sa anim (6) sa 12 na brands na may kaunting tubig at mataas na temperatura ay nagbunga ng “excessive acrylamide.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang acrylamide ay isang chemical compound na posibleng magdulot ng cancer. Kadalasan itong ginagamit sa mga industriya ng construction, mining, plastics, cosmetics, textiles, paper, at iba pa.

    Natural ding nabubuo ang acrylamide mula sa chemical reaction sangkot ang ilang pagkain na mayaman sa starch kapag niluto sa mataas na temperatura. Kabilang dito ang French fries, potato chips, at mga pagkaing gawa sa grains (breakfast cereals, cookies, toast). 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa news report, ang French fries na niluto sa isang brand ng air fryer ay mayroong 7,038 mg/kg ng acrylamide. Lampas ito nang 13 times sa itinakdang limitasyon sa Europe. 

    Bukod sa health risk, lumabas din sa pagsusuri na may safety risk sa paggamit ng air fryer. Ang tatlo (3) sa 12 na brands ay may “insufficient insulation distance,” na maaaring maging dahilan ng short circuit, leakage, at overheating. 

    May mga parte kasi sa air fryer ng brands na iyon ang masyadong tumataas ang temperatura at grabe kung uminit. Kulang daw sa earthing terminal ang isang brand para magbigay ng proteksyon laban sa pagkakakuryente (ground protection).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay ng ilang paalala ang kinatawan ng Consumer Council na si Nora Tam, ang chairwoman ng Research and Testing Committee.

    • Huwag masyadong kumain ng pagkaing niluto sa air fryer na may mataas na temperatura at may katagalan ang pagluluto.
    • I-adjust ang cooking time at temperature alinsunod sa ingredients, tulad ng patatas at iba pang starchy food upang mabawasan ang mabubuong acrylamide.
    • Hintayin munang lumamig ang air fryer bago ito linisin. 
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles