-
Your Health How To Prepare In Case Every Family Member Including YOU Get COVID-19
-
Toddler Cases of Misdiagnosed ADHD Rising Because of Early School Enrollment, Harvard Study Finds
-
Love & Relationships I Love My Husband But I Don’t Like Having Sex. Is Something Wrong With Me
-
Love & Relationships Hiningi Muna Ni Derek Ramsay Ang ‘Blessing’ Ng Anak Bago Mag-Propose Kay Ellen Adarna
-
Mga Bagong Skills At Lumang Hobbies, Naglabasan Ngayong May Community Quarantine
Sabi nga nila, mas magandang maghanap ng mga makabuluhang gawain kaysa magmukmok sa bahay.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Valerie Plameras
Ang isa sa mga pinakamabisang paraan para makatulong tayo sa ating mga frontliners, bukod sa pagdodonate ng mga personal protective equipment o PPE, ay ang pananatili sa loob ng ating mga tahanan. Kapag kasi nasa bahay lang tayo, maiiwasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19. Siyempre, kasama ng pananatili sa bahay ang paghuhugas pa rin ng kamay at pagkakaroon ng proper hygiene.
What other parents are reading
Marami na ngang nangyari simula nang pairalin ang community quarantine noong March 15, 2020—sinuspindi ang klase ng mga bata, ipinagbawal ang social gathering at iba pa. Mas dumami pa ang nagbago nang ipatupad naman ang enhanced community quarantine. Bawal na ang mga pampublikong sasakyan sa kalsada at isang miyembro na lamang ng pamilya ang pwedeng lumabas para mamili ng grocery at gamot.
What other parents are reading
Dahil sa mga pagbabagong ito, kinailangang maging wais ang mga magulang. Natuto ang marami ng basic homeschooling techniques at napilitang maging madiskarte ni daddy pagdating sa pamimili ng grocery.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod pa sa mga iyan, nagkaroon din ng maraming panahon ang mga magulang para sa kanilang mga pamilya. Nagkaroon na rin sila ng pagkakataong gawin ang mga bagay na hindi nila magawa dati dahil sa dami ng trabaho at iba pang demands ng buhay.
Ibinahagi sa amin ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anu-ano ang mga bagong skills at hobbies na natutunan nila o nabigyang pansin nila dahil sa community quarantine.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNatuto akong magluto
Maraming mga nanay sa Village ang inaming nagkaroon na sila ng pagkakataong mag-aral magluto at sumubok ng iba pang mga recipes.
Kwento ni mommy Jhoan Cabral, nanay niya ang nagluluto kapag wala silang mag-asawa sa bahay. Pero dahil lahat sila ay nasa bahay ngayon, nagkaroon na siya ng pagkakataong magluto. "[Sumubok] akong magluto ng meryenda namin," pagbabahagi niya. "Okay naman 'yung first try ko. Gumawa ako ng crispy corned beef empanada—nagustuhan naman nila."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMukhang sarap itong meryendang ihinanda ni mommy!PHOTO BY courtesy of Jhoan CabralBack to cooking and baking naman si mommy Sugar Bacomo Arsenal. "I love to cook and bake, pero when I had a baby, nahirapan ako," paliwanag niya. Bagaman limitado ang mga nakukuhang ingredients ni mommy, masaya pa rin siya na nakakapag-bake na siyang muli.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFail man ang adobo ni mommy Mishelle Fajardo Mendoza, kuha naman niya ang timpla ng masarap at malinamnam na tinola. Habang sizzling tofu naman ang sinubukang lutuin ni mommy May Ladica Santiago.
Pickling naman ang pinagkakaabalahan ni mommy Andrae San Diego. "Hindi natin alam [kung] gaano katagal talaga ang quarantine," pagbabahagi niya. "Naisip kong useful matutong mag-preserve ng vegetables in case of a worst case scenario."
Nakapagsimula ako ng home garden
Bukod sa pagluluto, maraming mga nanay din sa Village ang nakapagsimula ng kanilang garden. Si mommy Maria Behope Almase Cando, nakapagtanim at nakapagpatubo ng mga herbs tulad ng sweet basil, tomatoes, at chili pepper. "'Yung mga pinaggayatan ko ng gulay, ginawa kong compost para pataba sa mga halaman ko," kwento niya.
Container garden naman ang sinimulan ni mommy Hanna Fernando-Pacua kasama ang kanyang mga anak. "Matagal na kaming nag-compost sa condo," sabi niya. "Now we have the time to try and grow our own veggies sa maliit na space."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPatubo na ang mga tanim ni mommy!PHOTO BY courtesy of Hanna Fernando-PacuaValerie PlamerasSi mommy Marse Fariñas-Austria naman, bago pa magkaroon ng quarantine ay nakapagsimula na ng gardening. "I'm more determined to plant more seeds, kasi nakikita ko that the seeds I planted last month are growing," sabi niya. Nagtatanim siya ng kamatis, petchay, bawang, at bellpeppers. "Nakakawala ng stress. I even watch urban gardening videos every night before I sleep. Nagiging habit na," kwento niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBulaklak naman ang mga pinapatubo ni mommy Armi Llao, pati na rin ang paboritong gulay ng anak niya.
What other parents are reading
Nakabalik ako sa pag-aaral ng ibang lenggwahe
May mga nanay naman sa Village na balik pag-aaral. Karamihan sa kanila ay nag-aaral ng ibang salita. Si mommy Ramona Enriquez, nakapag-aral nang muli ng Hangul, habang si mommy Nemi Orti Despuez naman ay nakakapag-aral na ng Spanish.
Nakapag-arts and crafts ako
Sa wakas ay nakasubok na ring makapag-ukulele si mommy Janelyn Viloria-Sy, habang si mommy Chatter Lee Capiz-Espinosa naman ay nakapag-cross stitch nang muli. Ang asawa naman ni mommy Ciara Garcia-Morales ay nakagawa pa ng lalagyan ng susi at condiments gamit ang mga tira-tirang kahoy sa bakuran nila.
Ang galing ng nabuo ni daddy!PHOTO BY courtesy of Ciara Garcia-MoralesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, gumagawa naman ng mga laruan at origami si mommy NJ Argamosa para sa kanyang anak (at kay daddy na rin). Si mommy Valerie Plameras nama'y nakakabuo na ng malalaking leather crafts, kumpara sa mga nagagawa niya noon. Ang gaganda rin ng mga ipinipinta niya.
Ang ganda ng mga paintings ni mommy!PHOTO BY courtesy of Valerie PlamerasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakapagbasa ako ulit ng mga libro
Fervent by Priscilla Shirer ang sinimulang basahin ni mommy Angela Castañares, habang isa naman sa mga libro ni Paulo Coelho ang binabasa ni mommy Ren Rodil. Balik naman sa kanyang Bible reading habit si mommy Pennelope Baria, ayon sa kanya, dati'y halos sampung chapters ang nababasa niya araw-araw dati, ngunit hindi niya na ito nagawa nang siya'y magbuntis.
Marami pang nakapila sa mga babasahin ni mommy!PHOTO BY courtesy of Ren RodilADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod pa sa mga nabanggit, ikinwento rin ng mga nanay na nagkaroon sila ng panahon para makapaglinis ng bahay o 'di naman kaya ay makabuo ng iba't-ibang DIY tulad ng lalagyan ng hikaw, succulents, at iba pa.
Maaasahan mo talaga ang mga Pilipino na humanap ng silver lining sa bawat pagsubok na dumadating. Sa ganitong panahon din naglabasan ang mga tunay na bayani, pati na rin ang iba't-ibang paraan nating mga Pilipino ng pagtulong sa isa't-isa.
Kumusta kayo ngayong may community quarantine? Ikwento niyo lang ang inyong experience sa comments section.
Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network