;
embed embed2
  • Bahay Sa Halagang P50,000? Ganito Ang Diskarte Ng Isang Tatay

    Naipatayo ang family home, na may sukat na 14x16 feet at may aircon, sa loob ng 25 araw.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
Bahay Sa Halagang P50,000? Ganito Ang Diskarte Ng Isang Tatay
PHOTO BY Facebook/Russel Simorio
  • Maraming netizens ang humanga sa isang ama na naitayo ang bahay sa halagang PHP50,000.

    Kinilala ang lalaki bilang si Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot, at mayroon silang dalawang anak.

    Na-post sa Facebook ang mga larawan ng bahay na itinayo ni Henry: mula sa hollow blocks, semento, at plywood.

    Ang PHP50,000 na ipon ni Henry ay galing sa mga pa-extra-extra niyang trabaho, ayon sa post ng news reporter na si Russel Simorio.

    Ang nakamamangha pa kay Henry, nagawa niyang itayo ang simpleng tirahan sa loob ng dalawampu’t limang araw.

    PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio
    PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabuuang sukat na 14x16 feet, ang bahay ay may isang kuwarto, living room, kusina, at terrace.

    Base sa photos ay nakabitan pa ng air-con ang bahay.

    Maliit man ang sukat ng bahay ay walang dudang na-maximize ni Henry ang kanyang espasyo.

    Sa mga nai-post na larawan, makikita ang before and after photos ng small house: mula sa balangkas nito hanggang sa pagpipintura hanggang sa finished product.

    Ang paggamit ng pintura at makulay na wallpaper ay nagpaganda sa itsura ng loob at labas ng bahay.

    Sa labas ay pinuno pa ito ng mga halamang nakapaso para dagdag dekorasyon. Ang cute!

    PHOTO BY Courtesy of Russel Simorio

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles