embed embed2
  • Pwedeng Subukan! Bathroom At Grocery Item Cleaning Tips Ni Anne Clutz

    Sa panahon ngayon, kailangan mas maging mabusisi pagdating sa kalinisan ng ating mga gamit.
    by Ana Gonzales .
Pwedeng Subukan! Bathroom At Grocery Item Cleaning Tips Ni Anne Clutz
PHOTO BY Anne Clutz / YouTube
  • Ayon sa isang pag-aaral, maaaring manatili ang coronavirus sa mga bagay at surfaces ng hanggang siyam na araw—lalo na kung hindi mo lilinisin ang mga ito.

    Kaya naman para makasigurong mananatiling COVID-19-free ang bahay ninyo, mas maganda na tuwing matatapos kayo sa inyong grocery run ay ididisinfect ninyo, hindi lang ang mga damit na suot ninyo, kundi pati na rin ang mga pinamili ninyo.

    What other parents are reading

    Pwede ninyong gayahin ang ginawa ng mommy vlogger at makeup guru na si Anne Clutario o Anne Clutz sa kanyang mga followers.

    Paano magdisinfect ng grocery items?

    Hugasan ang mga karne at frozen items

    Bago ninyo ilagay sa refrigerator ang ano mang pinamili ninyong meats at frozen food, mas maganda kung sasabunin niyo muna ang packaging.

    Kahit ang mga frozen food na naka-pack ay kailangan ding hugasan.
    PHOTO BY Anne Clutz / YouTube
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito sa YouTube video na ito ni Dr. Jeffrey VanWingen MD nakuha ni mommy Anne ang mga tips na inapply niya sa paglilinis ng grocery items nila.

    Ilagay na sa mga lalagyan ang karne

    Kung may mga glass or plastic containers naman kayo, pwede niyo nang ilipat doon ang mga karne ng baboy, manok at isda para hindi na nakasupot.

    Mas maganda kung may designated kayong lalagyan para sa mga pinamili ninyong karne.
    PHOTO BY Anne Clutz / YouTube
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Okay lang din kung nakalagay pa sa supot mula sa grocery, pero mas madaling i-organize ang inyong freezer kung pare-pareho ang laki ng mga lalagyan.

    What other parents are reading

    Huwag kalimutang i-disinfect ang surfaces

    Sayang naman ang paglilinis mo sa grocery items na nabili ninyo kung hindi mo naman lilinis ang pinagbabaan mo ng mga ito. Lysol ang gamit ni Anne sa paglilinis ng iba pang mga pinamili nila. Ayon pa sa kanya, pwede rin kayong gumamit ng Zonrox na diluted sa tubig.

    Isa-isang pinunasan ni Anne ang bawat napamili ni daddy Kitz. "'Yung dating 30 minutes mo na pagliligpit ng grocery, ngayon aabutin ng oras," sabi niya sa kanyang pinakahuling vlog.

    Tip pa niya, dapat nakahiwalay na lalagyan o lamesa ang mga nalinisan mo na. Pagkatapos linisan lahat ng grocery items nila, isinalansan naman niya ito ng maayos sa kanilang pantry.

    Pwede mong panoorin ang kabuun ng video niya dito:

    What other parents are reading

    Paano mapadali ang paglilinis ng banyo?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Laging linisin ang glass doors

    Ayon kay Mama Anne, kung may glass door papunta sa shower ninyo, dapat lagi itong nililinis mabuti para hindi masira dahil sa mantsa ng sabon at iba pa.

    Makikita mo kung paano niya ito ginagawa sa isa sa kanyang mga pinakahuling vlog.

    Huwag gumamit ng sabong panlaba

    Mas gusto ni Anne na gumagamit ng powder na cleanser kaysa sa liquid dahil ayon sa kanyang experience, mas madali itong nakakalinis. "'Yung liquid cleanser, hindi ko siya masyadong gusto. Parang sobrang dulas niya—hindi masyadong nalilinis 'yung tiles," sabi niya.

     

    Gustong tumulong ni baby Joo!
    PHOTO BY Anne Clutz
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Dagdag pa niya, mas iwasan mong gumamit ng sabong panlaba dahil mahirap itong banlawan at madulas pa. "Kung ayaw ninyong madulas o ma-injure, huwag kayong gagamit ng sabong panlaba," sabi niya.

    What other parents are reading

    Pumili ng malalaking tiles

    Kwento ni Anne, paglilinis ng banyo ang madalas niyang trabaho noong bata pa siya kaya naman sanay na sanay na siya dito.

    "Isa pang tip—kapag magpapagawa kayo ng banyo, ang ipagawa ninyo 'yung kaunti lang 'yung grout," sabi niya. "Kasi isa ito sa mga sobrang hirap linisin. Kapag maraming grout, [pwedeng] mag stuck ang molds. Minsan nagbblack o orange."

    Ayon sa kanya, kapag malalaki ang tiles, kaunti lang ang grout, kahit punas lang, pwede na.

    Ibabad sa bleach bago isisin

    "Naglalagay ako ng Zonrox bago ako maglinis," paliwanag niya. "Ibababad ko muna siya saka ko babanlawan para hindi masyadong mabaho. Saka ko ike-cleanser."

    What other parents are reading

    Gumamit ng gloves

    Pagbabahagi ni Anne, hindi naman sensitive ang mga kamay niya kaya hindi na siya gumagamit ng gloves. Pero kung sensitive ang kamay mo, mas magandang magsuot ka ng gloves kung hahawak ka ng chemicals sa paglilinis ng banyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pumili ng hiyang mong gamit sa paglilinis

    Ipinakita rin ni Anne ang mga ginagamit niyang panlinis ng banyo. Mayroon siyang brush na may hawakan para hindi dikit na dikit ang kamay niya sa nililinisan. Mayroon din siyang squeegee at glass cleaner para sa salamin.

    Ilan lamang 'yan sa mga tips ni Mama Anne pagdating sa paglilinis ng banyo at mga napamili sa groceries. Ano man ang pamamaraan ninyo sa bahay, importante na lagi kayong may ginagawa para masigurong malinis ang bawat bahagi ng inyong bahay.

    Anu-anong mga cleaning tips ang effective sa inyong pamilya? Share mo lang iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close