embed embed2
  • 'Di Alam Ang Uunahin? 3 Routines Na Magpapadali Ng Buhay Ng 'Di Magkandaugagang Nanay

    Madalas ka bang nalilito kung anong uunahin mo?
    by Ana Gonzales .
'Di Alam Ang Uunahin? 3 Routines Na Magpapadali Ng Buhay Ng 'Di Magkandaugagang Nanay
PHOTO BY Shutterstock/TORWAISTUDIO
  • Relate ang halos lahat ng mga nanay kapag sinabi mong kulang ang 24 hours para magawa nila ang lahat ng kanilang mga dapat matapos.

    Kung kailangan mo ng tulong para i-organize ang iyong pang-araw-araw na schedule, narito ang ilang mga nanay-approved daily routines mula sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Mom-approved daily routines

    Routine #1: Para sa mga freelancing nanay

    • 6AM-6:30AM: Breakfast at feeding time
    • 7AM: Bath time
    • 7:30AM-8:30AM: Playtime at nap time

    Dito sa bahaging ito pwedeng makasingit ng freelance work si mommy. Kung dalawang oras ang nap ni baby, may dalawang oras ka para makapagtrabaho o makagawa ng ilang mga chores.

    • 10AM-11:30AM: Wake up, feeding time/snack, playtime
    • 11:30AM-1:30PM: Lunch, cleanup
    • 1:30PM-2:30PM: Baby's nap time, Mommy's work time or me-time
    • 2:30PM- 4PM: Wake up, feeding time, outdoor time, snack
    • 4PM-6PM: Dinner, cleanup, baby bath time
    • 7PM: Baby bed time
    • 7PM onwards: Mommy chores, work, me-time
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Routine #2: Para sa mga nanay na hindi specific ang oras

    Morning Routine

    • wake up
    • fix bed
    • breakfast
    • toothbrush
    • playtime
    • bathtime

    Afternoon Routine

    • lunch
    • nap
    • mommy work/me-time
    • snack time
    • playtime

    Evening Routine

    • dinner
    • toothbrush
    • bathtime
    • bedtime
    • mommy work/me-time

    Ayon sa mga nanay na ganito ang ginagawa, depende ito kung maraming kailangang gawing chores o kung maraming deliverables sa trabaho.

    Ito rin daw ang paborito nilang routine dahil walang pressure ng oras na dapat sundin. Malimit freelance ang mga nanay na ganito ang schedule. May ilang mga nanay na hindi nagtatrabaho ang ganito rin ang schedule ngunit mas specific sa uri ng laro na gagawin tuwing playtime.

    Routine #3: Para sa mga nanay na may 9-5 trabaho sa bahay

    • 6AM - 8:30AM: Wake up, breakfast, bathtime for baby
    • 8:30AM - 9AM: Mommy bathtime, prep for work-from-home job
    • 9AM - 11:30AM: Work
    • 11:30AM: Prep lunch

    Sabi ng mga nanay, magiging matagumpay ka lang sa bahaging ito kung naka-prep na ang mga iluluto bago pa man ang panibagong work week.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pwede mong gamitin ang freezer meals technique ng isang nanay, kung saan nakahanda na ang mga lulutuin sa weekend at iluluto na lang sa weekdays.

    • 11:30AM - 1:30PM: Lunch, cleanup
    • 1:30PM: Kids nap time, mommy work time

    Kwento ng mga nanay, sa bahagi na ito ay depende rin sa demands ng trabaho nila at sa haba ng nap time ng mga bata.

    Minsan, kapag nagigising agad si baby o si toddler, isinisingit ni mommy ang playtime ni baby para makapagtrabaho siya.

    • 5PM: End of shift for mommy, outdoor time for mommy and baby
    • 6:30PM: Prep for dinner
    • 6:30PM - 7PM: Dinner
    • 7PM - 8:30PM: Clean up, baby / toddler bathtime, baby / toddler bedtime
    • 8:30PM onwards: Mom time

    Sabi ng mga nanay, mahalagang huwag kang ma-pressure na isiksik lahat sa isang araw ang mga kailangan mong gawin. Sa ganitong gawain ka kasi mao-overwhelm. Hindi rin masamang humingi ng tulong lalo na kung isa kang working mom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    ***

    Kayo, anong routine ninyo? I-share mo iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makita ang iba pang routines na inilista ng mga nanay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close