embed embed2
  • Babyproofed Ba Ang Bahay Ninyo? 10 Pinaka Delikadong Bagay Sa Mga Bata

    Anu-ano nga ba ang mga dapat ligpitin kapag may bata sa bahay?
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Babyproofed Ba Ang Bahay Ninyo? 10 Pinaka Delikadong Bagay Sa Mga Bata
PHOTO BY iStock
  • Malaking bahagi ng pagiging magulang ang mga hindi inaasahang bagay. Ang mga aksidente, halimbawa, ay pwedeng mangyari sa isang iglap lang.

    Bilang nanay, marami na akong naranasang muntik nang ikapahamak ng aking anak, lalo na nang magsimula siyang maglakad at naging mapanuri sa mga bagay-bagay sa bahay.

    Likas sa bata na kung anu-ano ang hinahawakan, pinaglalaruan, pinupuntahan at sinisiksikan, kaya naman nakakatakot talaga silang iwanan kahit saglit lang.

    Base sa aking obserbasyon at karanasan, narito ang 10 pinakadelikadong mga bagay sa bata:

    Electronic gadgets at mga chargers

    Ang mga electronic gadgets natin tulad ng mobile phones, electric fans at iba pang kagamitang nakasaksak sa mga electrical outlets sa bahay ay isa sa mga paboritong galawin at paglaruan ng mga bata. Tiyaking hindi nila ito maabot lalo na kung nakasaksak ang mga gamit ninyo sa bahay tulad ng electric fan.

    May mga nabibiling net at takip ng electric fan na pwede ninyong ikabit para hindi maipasok ng mga anak mo ang mga daliri nila sa loob. Pwede ka na ring bumili ngayon ng mga pantakip sa saksakan para hindi makuryente ang mga anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Furniture at hagdan

    Mahirap naman kung aalisin mo lahat ng mga furniture ninyo sa bahay at ipapatibag mo ang inyong hagdan. Para hindi madisgrasya si baby, takpan ng mga bumpers ang gilid ng mga furniture at lagyan ng baby gate ang inyong mga hagdan.

    Barya, pushpins, paperclips

    At iba pang mga choking hazards. Likas kasi sa mga bata na isubo ang lahat ng kanilang mahahawakan. Kaya naman mabuting siguraduhin na walang kahit anong mga ganitong maliliit na bagay na pwede nilang isubo at lunukin.

    More from Smart Parenting

    Panlinis ng bahay

    Nariyan din ang mga toiletries ninyong mag-asawa katulad ng shampoo, dishwashing liquid at iba pa. Siguraduhing walang bleach, laundry essentials at iba pang mga harmful chemicals na pakalat-kalat sa bahay ninyo.

    Pwede kang bumili ng mga child locks na maaari mong ikabit sa mga cabinets at drawers ninyo sa kusina, banyo, at kwarto. 

    Pet supplies

    Kung may mga alagang hayop sa bahay, hindi maiiwasan na mailapag kung saan-saan ang kanilang mga kagamitan tulad ng kanilang mga food bowls, litter boxes at pati na rin ang kanilang mga pagkain. Kaya naman tulad ng mga toiletries at panlinis ninyo ng bahay, kailangang tiyakin na nakatago lagi ang mga ito sa lalagyan na hindi mabubuksan ng mga bata

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Basurahan

    Huwag hayaang nakabukas at madaling maabot ng mga bata ang mga basurahan sa bahay. Hindi nila alam na marumi ito kaya naman mas magandang nakatago ang mga ito para hindi na nila mahawakan, makalkal at mapaglaruan.

    Gamot at first-aid kit

    Madalas natin makaligtaan ang mga gamot at first-aid kits kung saan-saan sa bahay, ngunit sa pagkakataong ito, tiyaking hindi ito nakakalat o kaya naman ay naaabot ng inyong anak upang maiwasan ang aksidenteng pag-inom ng bata ng mga gamot.

    More from Smart Parenting

    Matutulis na bagay

    Hindi dapat pakalat-kalat sa bahay ninyo ang mga gunting, pusher, kutsilyo, cutter, at iba pang matutulis na bagay. Hindi alam ng mga bata na delikado ang mga ito kaya dapat silang alisin sa lugar kung saan makikita at maaabot sila ng mga anak mo. 

    Flammable items

    Itago ang mga pospora, gasolina, at iba pang mga bagay na pwedeng mag-apoy. Maging ang mga lighters, kandila, at kahit anong madaling magliyab.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Babasaging gamit

    Makakabuting alisin muna ang mga tablecloths sa inyong mga lamesa para hindi mahila ng mga bata. Itago rin ang mga plato, baso, at iba pang mga maaaring bumagsak at mabasag sa mga anak mo. 

    Alisin na rin at itago ang mga vases, figurines, at iba pang pangdisenyo sa bahay na pwedeng bumagsak at mabasag. Kung mayroon kayong mga picture frames, mas magandang isabit sila sa pader kaysa ipatong sa mga lamesa o dividers.

    More from Smart Parenting

    Tandaan na ang mga unang buwan sa buhay ng anak mo ang ilan sa mga pinakamahahalaga. Ito kasi ang formative years nila kaya naman madalas ang gawin nila ay maglaro, magexplore at makialam ng mga bagay-bagay. Ito rin ang panahon kung kailan tinitignan nila kung hanggang saan ang kanilang boundaries. Likas din silang curious sa edad na ito kaya naman lahat ay gusto nilang tignan at hawakan.

    Bilang isang magulang, masarap sa pakiramdam at nakakapanatag sa kalooban kung alam nating babyproofed ang ating tahanan. Sa ganitong paraan hindi natin mali-limitahan ang kilos ng ating mga anak, magagawa nilang tuklasin ang mga bagay-bagay sa loob ng bahay nang hindi maaaksidente at hindi tayo nag-aalala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles