embed embed2
  • DIY Leave-In Conditioner Para Sa Buhaghag, Matigas, At Hindi Mapasunod Na Buhok

    Gawa ito sa coconut oil kaya ligtas ito para sa iyo at sa iyong mga anak.
    by Ana Gonzales .
DIY Leave-In Conditioner Para Sa Buhaghag, Matigas, At Hindi Mapasunod Na Buhok
PHOTO BY Pexels
  • Tunay ngang miracle fruit ang coconut dahil sa dami ng mga magagawa mo gamit ito. Pwede itong maging deodorant, lotion, at maging tooth whitener.

    More from Smart Parenting

    Bukod sa mga nabanggit, kilala rin itong mabisang pampaganda ng buhok. Kaya naman maraming gumagamit dito bilang shampoo. Ngunit alam mo bang pwedeng-pwede rin itong gamiting leave-in conditioner?

    Kaya kasing palambutin ng coconut milk ang buhok mo nang hindi ito nagiging mabigat—may mga conditioners kasi na sadyang mabigat at malagkit sa buhok kaya hindi ito presko sa pakiramdam.

    Simple lang ang kailangan mo para makagawa ng DIY leave-in conditioner.

    Ingredients:

    • ¼ tasa ng tubig
    • 1 kutsara ng full fat coconut milk (pwedeng homemade, pwedeng naka-lata)
    • Essential oil

    Paraan ng paggawa kung gagamit ka ng canned coconut milk

    • Ilagay ang dalawa hanggang sampung patak ng essential oil sa coconut milk, depende sa bango na gusto mo. Haluin itong mabuti gamit ang whisk.
    • Lagyan ng tubig at haluing muli.
    • Isalin ang mixture sa isang spray bottle at ilagay sa refrigerator.

    Dahil wala itong halong preservatives, maaari itong masira. Gumawa ka lang ng maliliit na batches para hindi masayang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paraan ng paggawa kung gagamit ka ng homemade coconut milk

    • Kung ikaw mismo ang gagawa ng iyong gata, kailangan mong salaing mabuti ang gata para makasiguro kang walang niyog na maiiwan. Pwede kang gumamit ng cheese cloth para talagang walang makakalusot.
    • Pagkatapos salain, patakan ito ng essential oil na gusto mo, depende sa bango na kailangan mo. Haluin itong mabuti gamit ang whisk.
    • Dagdagan ng tubig at saka haluing mabuti.
    • Ilagay ang mixture sa refrigerator at hayaan ng hanggang tatlong oras. Kapag lumamig na ito, makikita mong magkakaroon ito ng matigas na layer ng cream sa taas.
    • Ito na ang tanda mo na pwede mo na itong ilagay sa blender para mas pinuhin pa.
    • Ilipat ito sa isang spray bottle at saka ilagay sa refrigerator para hindi agad masira.
    More from Smart Parenting

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para gamitin ang iyong DIY leave-in conditioner, siguraduhin mo lang na aalugin mo ito ng mabuti bago i-spray sa iyong buhok. Gumamit ka ng suklay o brush para maikalat nang maayos ang leave-in conditioner mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa pagpapalambot ng frizzy na buhok mo o ng iyong anak, mainam ding gamitin ang DIY leave-in conditioner na ito para pantanggal ng buhol. Kung malimit na buhol-buhol ang buhok ng anak mo, makakatulong ito para mas mapadali ang pagsusuklay.

    Pagdating sa essential oil na gagamitin mo, maganda ang lavender dahil nakakapagpalambot din ito ng dry hair.

    More from Smart Parenting

    Tandaan lang na kung oily ang buhok ninyong mag-ina, mas maganda kung gagamitin mo ang conditioner na ito sa dulong bahagi lang ng buhok. Ngunit kung tuyo ang buhok ninyo at talagang dry ang anit ninyo, pwede itong gamitin nang mas madalas.

    Kung sakaling hindi gumana sa buhok mo o ng iyong anak ang leave-in conditioner na ito, maaaring hindi niyo hiyang ang coconut oil. Pwede kang gumamit ng argan oil bilang pamalit.

    Mayroon ka bang tips at DIY na gamit sa katawan tulad nito? I-share mo na ang iyong recipe sa comments section. Pwede mo rin itong ibahagi sa mga kapwa mo DIY nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles