-
Saan Makakabili ng mga Halaman? 9 Go-To Places ng Mga Plant Moms
Makakatulong ang guide na ito para sa mga nanay na gustong magsimula ng koleksyong halaman.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Ang house plants o mga halaman sa loob ng bahay ay kilala sa pagpapagaan sa pakiramdam ng mga taong nakatira dito. Ayon sa mga pag-aaral, nakabubuti ang mga halaman sa ating kalusugan. Maliban sa napagaganda nila ang ating mga espasyo, makikita rin sa mga pag-aaral na binabawasan ng mga halaman ang ating stress levels at maaari pang makapagpataas ng ating productivity, focus, at mood.
Kung isa ka sa mga nanay na mahilig magtanim at mangolekta ng mga halaman, narito ang listahan ng mga lugar na maaaring bilhan ng susunod mong idaragdag sa iyong koleksyon:
What other parents are reading
Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakikita sa mga rebyu online na itinuturing ng nakararami na maganda ang tanawin at maayos ang facilities ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Tinatawag ding “hidden gem” o tagong yaman ng Maynila ang nasabing pasyalan. Isang man-made lagoon, biodiversity museum, at wildlife and research center ang matatagpuan dito.
Dito rin isinasagawa ang Grow and Show, isang plant bazaar na kada buwang inoorganisa ng Philippine Horticultural Society Inc. (PHSI). Bisitahin ang kanilang Facebook page para sa mga detalye.
Naaalala ko rin ang aktres na si Jennica Garcia-Uytingco na nag-imbita sa kaniyang social media followers na bisitahin ang kaniyang shop, Duwende in a Pot, na isa sa mga exhibitor noong Philippine Plant Festival nitong nakaraang Pebrero 2019.
Makakikita rin ng indigenous na mga halaman at hayop sa Wildlife Center. Makabuluhang bisitahin ito kasama ang iyong mga anak upang matutuhan din nilang pahalagahan ang kalikasan.
Ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center ay matatagpuan sa Elliptical Road, Quezon Ave. Corner North Avenue, Quezon City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (02) 924-6031 local 236 o sa PHSI sa +63 917-131-7474 o bumisita sa kanilang Facebook page.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Quezon Memorial Circle
Malawak ang mapagpipilian mula sa mga garden centers sa loob ng Quezon Memorial Circle (QMC). Tiyak na maaasahan para sa espesyal na mga okasyon tulad ng mga kasal.
King Louis Flowers and Plants ang isa sa paboritong mga supplier ng bulaklak sa Maynila. Marami silang poinsettias, gerberas, at samot-saring klase ng makukulay na orchids.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa rin sa mga okasyong idinaraos sa QMC ang Hortikultura Filipina . Taon-taong isinasagawa ang event na ito na pinakahihintay ng plant sellers, collectors, at lahat ng mahihilig sa mga halaman. Ngayong taon, binuksan nila ito sa publiko noong Pebrero 1-10. Magkakaroon din sila ng midyear show ngayong Oktobre 11-20, 2019.
Ang Garden Center QMC ay matatagpuan sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City.
What other parents are reading
Baguio City Orchidarium
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNananatiling paboritong destinasyon ang Baguio, lalo na ng mga turista, Pilipino man o dayuhan. Para sa mga first-timer, hindi kumpleto ang tour sa Baguio kung hindi kasama ang Botanical Garden, Mines View Park, at Camp John Hay sa itinerary. Marami sa atin ang nakapunta na sa City of Pines nang ilang beses nang hindi nalalaman ang tungkol sa Orchidarium nito. Noong Pebrero 2019 ko lamang din natuklasan ang nakabibighaning hardin sa loob ng Burnham Park.
Tunay ngang napakaganda ng Baguio at labis na galak ang dala ng mga lemon pine, herbs, at makukulay na mga bulaklak na iyong maiuuwi sa iyong tahanan.
Ang Baguio City Orchidarium ay matatagpuan sa Burnham Park, Shanum St., Baguio City.
La Trinidad Orchidarium and Ornamental Plants
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakapunta ka na rin ba sa strawberry farms sa La Trinidad? Nasa tapat lamang nito ang La Trinidad Orchidarium (Multi-Purpose Cooperative). Binuksan ito noong Agosto 2018. Layunin nilang higit pang ipakilala ang bagong mga variety ng mga halamang sariling atin talaga. Nakamamangha ang dami ng mga halaman, lalo na ng ornamentals, na mapagpipilian. Kung kaya ko lang sanang dalhin pauwi ang lahat ng naroon!
Pinakamagandang pumunta roon kapag strawberry-picking season, mula Nobyembre hanggang Mayo, upang kasabay ng iyong pamimili ng halaman ang pamimitas na rin ng strawberries!
Ang La Trinidad Orchidarium and Ornamental Plants ay matatagpuan sa La Trinidad Valley, Benguet.
What other parents are reading
Cubao Farmers Garden
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNaaalala kong sa Farmers Garden ako dumidiretso kapag mahirap sumakay mula Katipunan pauwing Antipolo. Ilang oras akong titingin lamang ng mga halaman upang magpalipas ng oras sa paghihintay na maibsan na ang traffic sa Marcos Highway. Maliban sa Baguio, happy place ko rin ang Farmers Cubao. Doon ko nabili ang una kong mga halaman, isang pot ng Bacularis sansevieria at isang paso ng ZZ plant (welcome plant).
Siguradong mayroon ka ring magugustuhan mula sa mga koleksyon ng gardeners at sellers dito. Mula sa mga cactus at succulents mula sa Benguet, mga fruit trees, orchids, at iba pang ornamentals hanggang sa assorted cut flowers ang maaaaring mapagpilian.
Ang Cubao Farmers Garden ay matatagpuan sa General McArthur Ave., Cubao, Quezon City.
Arid N’ Aroids Nursery
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHabang parami nang parami ang nahihilig sa pangongolekta ng mga halaman, mayroong mga kolektor at sellers tulad ng Arid N’ Aroids na patuloy ring nakapagbibigay inspirasyon sa mga nagsisimula pa lang. Nakilala ko sila sa pamamagitan ng Facebook posts ng members ng Cactus and Succulents Society of the Philippines Inc.
Kung higit mong nagugustuhang mag-alaga ng adeniums, agaves, cacti, succulents, ferns, sansevierias, at iba pang rare ornamentals, kailangang i-schedule mo na ang pagbisita sa isa sa nurseries ng Arid N’ Aroids. Sila mismo ang nagpo-propagate ng kanilang mga halaman.
Ang Arid N' Aroids Nursery ay matatagpuan sa Tartaria, Silang, Cavite at San Rafael Bulacan. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa kanilang Facebook page.
Panaad Festival (Negros Occidental)
Isa sa taon-taong ipinagdiriwang ng Negrenses ang Panaad Festival. Maliban sa pagiging “Mother of all Festivals” sa rehiyon, ito rin ang panahong namimili ng mga halaman mula sa Don Salvador Benedicto, Mambukal, at iba pang mga siyudad at munisipalidad ng Negros Occidental. Kahit ang mga nagtitinda mula sa Dumaguete, Davao, at Iloilo ay dumarayo upang magdala ng kanilang mga pananim, tulad ng puno ng mga prutas, ornamentals, at rare plant collections. Isang buong linggo ang selebrasyong ito at ipinagdiriwang tuwing Abril sa Bacolod City.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng Panaad Festival ay idinaraos sa Panaad Park and Stadium, Panaad Access Rd., Bacolod, Negros Occidental.
Mall Garden Shows
Marami na ring garden shows ang matatagpuan sa mga mall tulad ng Ayala malls, Robinsons, Glorietta, at SM malls. Naranasan ko na ring maging buyer at seller. Tandaang kailangang piliin ang malulusog na mga halaman! Mas mainam kung sa gardener-collectors ka bibili upang mas maturuan ka nila kung paano dapat alagaan ang halamang iyong binibili.
Online plant shops
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahalagang maging maingat sa pagbili ng mga halaman gamit ang online platforms. Siguraduhing accredited ang seller o di kaya’y mayroon siyang positibong reviews mula sa customers sa kanyang official Facebook page. Kung bibili ka nang direkta sa suppliers mula sa probinsya, maibibigay nila ang items sa mas murang halaga kung sila mismo ang nagtatanim ng mga ito. Mas makatitipid ka rin kung maramihan ang iyong kukunin. Tandaang ikaw ang magbabayad ng shipping fee.
Uprooted ang mga halaman kapag ipinapadala via courier, at ikaw na ang maglilipat nito sa bagong mga paso. Narito ang karagdagang listahan ng plant sellers na maaari mong bilhan online. Ilan sa kanila ay mayroon ding physical stores na maaari mong bisitahin. Narito pa ang ilang sellers at komunidad ng plant enthusiasts na makikita sa Facebook.
- Arid and Aroids
- Arneth Agri Organics
- Cactus and Succulent Bargain Hunters
- Lonely Plant PH
- Lush & Pots
- Manila Grows Food - Market
- Masitera Succulents
- National Cactus and Succulent Organization of the Philippines
- Nurserymen’s Events
- Ornamental Plant Sellers
- Plantaholic Garden
- Plant Depot PH
- Succulent City
- Succulent Haven Cebu
Agro Trade Fair at the 34th Kadayawan sa Dabaw 2019 (Davao)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagkatuwang na inorganisa ng The Floriculture Industry Council of Southern Mindanao (FICSMIN) at ng City Government of Davao ang Agro Trade Fair noong Agosto 1-31. Taon-taon ding ipinagdiriwang ang trade fair na ito.
Ang Agro Trade Fair ay matatagpuan sa McArthur Highway, Matina, Davao City.
Para sa mga magbibiyahe dala ang bago nilang mga nabiling halaman, makabubuti ring kumunsulta sa lokal ninyong plant authority, o sa Bureau of Plant Industry, upang malaman at mabigyang linaw ang mga restriksyon at kahingiian o requirements tungkol sa plant import. Kailangan ding isumite ang mga halaman sa quarantine upang makakuha ng clearance.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsang mabilis na search o paghahanap lang sa Facebook, Instagram, at iba pang online shopping platforms ang makapagbibigay ng mas marami pang impormasyon sa iyo kung saan ka makabibili ng hinahanap mong mga halaman!
Tandaang maaaring magsimula sa isang paso lang o sa isang uri lamang ng halaman ang iyong koleksyon. Kahit gaano ka pa kaabala o ka-hectic ang pang-araw-araw na buhay mo, nagsisilbing paalala sa atin ang mga halaman na maaaring magkaroon ng panibagong simula araw-araw!
Hindi lang nakakapagpasaya ang mga houseplant. Maaari rin itong tumulong makaiwas sa mga sakit tulad ng dengue. Mag-click dito para malaman kung anu-anong mga halaman ang kakailanganin mo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments