Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Saan Makakabili ng mga Halaman? 9 Go-To Places ng Mga Plant Moms

    Makakatulong ang guide na ito para sa mga nanay na gustong magsimula ng koleksyong halaman.
    by Anna G. Miranda .
Saan Makakabili ng mga Halaman? 9 Go-To Places ng Mga Plant Moms
PHOTO BY Arid N’ Aroids and Plantaholic Garden via Facebook
  • Ang house plants o mga halaman sa loob ng bahay ay kilala sa pagpapagaan sa pakiramdam ng mga taong nakatira dito. Ayon sa mga pag-aaral, nakabubuti ang mga halaman sa ating kalusugan. Maliban sa napagaganda nila ang ating mga espasyo, makikita rin sa mga pag-aaral na binabawasan ng mga halaman ang ating stress levels at maaari pang makapagpataas ng ating productivity, focus, at mood.

    Kung isa ka sa mga nanay na mahilig magtanim at mangolekta ng mga halaman, narito ang listahan ng mga lugar na maaaring bilhan ng susunod mong idaragdag sa iyong koleksyon:

    More from Smart Parenting

    Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita sa mga rebyu online na itinuturing ng nakararami na maganda ang tanawin at maayos ang facilities ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Tinatawag ding “hidden gem” o tagong yaman ng Maynila ang nasabing pasyalan. Isang man-made lagoon, biodiversity museum, at wildlife and research center ang matatagpuan dito.

    Dito rin isinasagawa ang Grow and Show, isang plant bazaar na kada buwang inoorganisa ng Philippine Horticultural Society Inc. (PHSI). Bisitahin ang kanilang Facebook page para sa mga detalye.

    Naaalala ko rin ang aktres na si Jennica Garcia-Uytingco na nag-imbita sa kaniyang social media followers na bisitahin ang kaniyang shop, Duwende in a Pot, na isa sa mga exhibitor noong Philippine Plant Festival nitong nakaraang Pebrero 2019.

    Makakikita rin ng indigenous na mga halaman at hayop sa Wildlife Center. Makabuluhang bisitahin ito kasama ang iyong mga anak upang matutuhan din nilang pahalagahan ang kalikasan.

    Ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center ay matatagpuan sa Elliptical Road, Quezon Ave. Corner North Avenue, Quezon City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (02) 924-6031 local 236 o sa PHSI sa +63 917-131-7474 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Quezon Memorial Circle

    Malawak ang mapagpipilian mula sa mga garden centers sa loob ng Quezon Memorial Circle (QMC). Tiyak na maaasahan para sa espesyal na mga okasyon tulad ng mga kasal.

    King Louis Flowers and Plants ang isa sa paboritong mga supplier ng bulaklak sa Maynila. Marami silang poinsettias, gerberas, at samot-saring klase ng makukulay na orchids.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa rin sa mga okasyong idinaraos sa QMC ang Hortikultura Filipina . Taon-taong isinasagawa ang event na ito na pinakahihintay ng plant sellers, collectors, at lahat ng mahihilig sa mga halaman. Ngayong taon, binuksan nila ito sa publiko noong Pebrero 1-10. Magkakaroon din sila ng midyear show ngayong Oktobre 11-20, 2019.

    Ang Garden Center QMC ay matatagpuan sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

    More from Smart Parenting

    Baguio City Orchidarium

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nananatiling paboritong destinasyon ang Baguio, lalo na ng mga turista, Pilipino man o dayuhan. Para sa mga first-timer, hindi kumpleto ang tour sa Baguio kung hindi kasama ang Botanical Garden, Mines View Park, at Camp John Hay sa itinerary. Marami sa atin ang nakapunta na sa City of Pines nang ilang beses nang hindi nalalaman ang tungkol sa Orchidarium nito. Noong Pebrero 2019 ko lamang din natuklasan ang nakabibighaning hardin sa loob ng Burnham Park.

    Tunay ngang napakaganda ng Baguio at labis na galak ang dala ng mga lemon pine, herbs, at makukulay na mga bulaklak na iyong maiuuwi sa iyong tahanan.

    Ang Baguio City Orchidarium ay matatagpuan sa Burnham Park, Shanum St., Baguio City.

    La Trinidad Orchidarium and Ornamental Plants

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapunta ka na rin ba sa strawberry farms sa La Trinidad? Nasa tapat lamang nito ang La Trinidad Orchidarium (Multi-Purpose Cooperative). Binuksan ito noong Agosto 2018. Layunin nilang higit pang ipakilala ang bagong mga variety ng mga halamang sariling atin talaga. Nakamamangha ang dami ng mga halaman, lalo na ng ornamentals, na mapagpipilian. Kung kaya ko lang sanang dalhin pauwi ang lahat ng naroon!

    Pinakamagandang pumunta roon kapag strawberry-picking season, mula Nobyembre hanggang Mayo, upang kasabay ng iyong pamimili ng halaman ang pamimitas na rin ng strawberries!

    Ang La Trinidad Orchidarium and Ornamental Plants ay matatagpuan sa La Trinidad Valley, Benguet.

    More from Smart Parenting

    Cubao Farmers Garden

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naaalala kong sa Farmers Garden ako dumidiretso kapag mahirap sumakay mula Katipunan pauwing Antipolo. Ilang oras akong titingin lamang ng mga halaman upang magpalipas ng oras sa paghihintay na maibsan na ang traffic sa Marcos Highway. Maliban sa Baguio, happy place ko rin ang Farmers Cubao. Doon ko nabili ang una kong mga halaman, isang pot ng Bacularis sansevieria at isang paso ng ZZ plant (welcome plant).

    Siguradong mayroon ka ring magugustuhan mula sa mga koleksyon ng gardeners at sellers dito. Mula sa mga cactus at succulents mula sa Benguet, mga fruit trees, orchids, at iba pang ornamentals hanggang sa assorted cut flowers ang maaaaring mapagpilian.

    Ang Cubao Farmers Garden ay matatagpuan sa General McArthur Ave., Cubao, Quezon City.

    Arid N’ Aroids Nursery

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang parami nang parami ang nahihilig sa pangongolekta ng mga halaman, mayroong mga kolektor at sellers tulad ng Arid N’ Aroids na patuloy ring nakapagbibigay inspirasyon sa mga nagsisimula pa lang. Nakilala ko sila sa pamamagitan ng Facebook posts ng members ng Cactus and Succulents Society of the Philippines Inc.

    Kung higit mong nagugustuhang mag-alaga ng adeniums, agaves, cacti, succulents, ferns, sansevierias, at iba pang rare ornamentals, kailangang i-schedule mo na ang pagbisita sa isa sa nurseries ng Arid N’ Aroids. Sila mismo ang nagpo-propagate ng kanilang mga halaman.

    Ang Arid N' Aroids Nursery ay matatagpuan sa Tartaria, Silang, Cavite at San Rafael Bulacan. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa kanilang Facebook page.

    Panaad Festival (Negros Occidental)

    Isa sa taon-taong ipinagdiriwang ng Negrenses ang Panaad Festival. Maliban sa pagiging “Mother of all Festivals” sa rehiyon, ito rin ang panahong namimili ng mga halaman mula sa Don Salvador Benedicto, Mambukal, at iba pang mga siyudad at munisipalidad ng Negros Occidental. Kahit ang mga nagtitinda mula sa Dumaguete, Davao, at Iloilo ay dumarayo upang magdala ng kanilang mga pananim, tulad ng puno ng mga prutas, ornamentals, at rare plant collections. Isang buong linggo ang selebrasyong ito at ipinagdiriwang tuwing Abril sa Bacolod City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Panaad Festival ay idinaraos sa Panaad Park and Stadium, Panaad Access Rd., Bacolod, Negros Occidental.

     

    More from Smart Parenting

    Mall Garden Shows

    Marami na ring garden shows ang matatagpuan sa mga mall tulad ng Ayala malls, Robinsons, Glorietta, at SM malls. Naranasan ko na ring maging buyer at seller. Tandaang kailangang piliin ang malulusog na mga halaman! Mas mainam kung sa gardener-collectors ka bibili upang mas maturuan ka nila kung paano dapat alagaan ang halamang iyong binibili.

    Online plant shops

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang maging maingat sa pagbili ng mga halaman gamit ang online platforms. Siguraduhing accredited ang seller o di kaya’y mayroon siyang positibong reviews mula sa customers sa kanyang official Facebook page. Kung bibili ka nang direkta sa suppliers mula sa probinsya, maibibigay nila ang items sa mas murang halaga kung sila mismo ang nagtatanim ng mga ito. Mas makatitipid ka rin kung maramihan ang iyong kukunin. Tandaang ikaw ang magbabayad ng shipping fee. 

    Uprooted ang mga halaman kapag ipinapadala via courier, at ikaw na ang maglilipat nito sa bagong mga paso. Narito ang karagdagang listahan ng plant sellers na maaari mong bilhan online. Ilan sa kanila ay mayroon ding physical stores na maaari mong bisitahin. Narito pa ang ilang sellers at komunidad ng plant enthusiasts na makikita sa Facebook.

    • Arid and Aroids
    • Arneth Agri Organics
    • Cactus and Succulent Bargain Hunters
    • Lonely Plant PH
    • Lush & Pots
    • Manila Grows Food - Market
    • Masitera Succulents
    • National Cactus and Succulent Organization of the Philippines
    • Nurserymen’s Events
    • Ornamental Plant Sellers
    • Plantaholic Garden
    • Plant Depot PH
    • Succulent City
    • Succulent Haven Cebu

    Agro Trade Fair at the 34th Kadayawan sa Dabaw 2019 (Davao)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magkatuwang na inorganisa ng The Floriculture Industry Council of Southern Mindanao (FICSMIN) at ng City Government of Davao ang Agro Trade Fair noong Agosto 1-31. Taon-taon ding ipinagdiriwang ang trade fair na ito.

    Ang Agro Trade Fair ay matatagpuan sa McArthur Highway, Matina, Davao City.

    Para sa mga magbibiyahe dala ang bago nilang mga nabiling halaman, makabubuti ring kumunsulta sa lokal ninyong plant authority, o sa Bureau of Plant Industry, upang malaman at mabigyang linaw ang mga restriksyon at kahingiian o requirements tungkol sa plant import. Kailangan ding isumite ang mga halaman sa quarantine upang makakuha ng clearance.

    Isang mabilis na search o paghahanap lang sa Facebook, Instagram, at iba pang online shopping platforms ang makapagbibigay ng mas marami pang impormasyon sa iyo kung saan ka makabibili ng hinahanap mong mga halaman!

    Tandaang maaaring magsimula sa isang paso lang o sa isang uri lamang ng halaman ang iyong koleksyon. Kahit gaano ka pa kaabala o ka-hectic ang pang-araw-araw na buhay mo, nagsisilbing paalala sa atin ang mga halaman na maaaring magkaroon ng panibagong simula araw-araw!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lang nakakapagpasaya ang mga houseplant. Maaari rin itong tumulong makaiwas sa mga sakit tulad ng dengue. Mag-click dito para malaman kung anu-anong mga halaman ang kakailanganin mo.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles