embed embed2
  • 10 Grocery Shopping Tips By Dads For Dads: 'Dalhin Mo Cellphone Mo, Pre'

    'Tulungan tayo, mga dadshies!'
    by Ana Gonzales .
10 Grocery Shopping Tips By Dads For Dads: 'Dalhin Mo Cellphone Mo, Pre'
PHOTO BY iStock
  • Marami ang naka-relate (lalo na ang mga nanay) nang ibahagi namin ang struggles ng mga tatay sa tuwing lalabas sila para mamili ng supplies para sa kanilang mga pamilya. Agree ang mga nanay na minsan, talagang ang hirap mag-utos kay mister. May listahan na kasi, madalas ay kulang pa rin.

    What other parents are reading

    Siyempre, hindi naman kami papayag na hindi kunin ang panig ng mga tatay dahil mahal din namin sila at alam naming marami rin sa kanila ang sa totoo lang ay magaling namang mamalengke at mag-grocery. Narito ang ilan sa mga tips (and tricks? LOL!) ng mga tatay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village

    Categorize your list

    Kwento ni daddy Kenneth-Melissa Paula Javier, noong una siyang mamili, inilista lang ni mommy ang naisip niya nang hindi categorized. "Pagdating ko sa grocery, nakailang ikot ako bago ko nakumpleto ang nasa listahan," sabi ni daddy. "Kaya sa pangalawang grocery ko, alam ko na kung ano ang uunahin at kung ano ang mga dadamputin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguraduhing pamilyar ka sa pamilihan

    Payo ng mga tatay, mas madaling mamili kung alam mo kung saan ka pupunta. Kaya naman makakatulong kung pamilyar ka sa pamilihan. Sa ganitong paraan, isang tingin mo lang sa listahan, alam mo na kung saan kukunin ang nakalista.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi ni daddy Jose Maria Pagaspas, dapat ay may sistema ka na sa pamimili. "Dapat may sistema ka in terms of [the path] kung saan ka bibili," paliwanag niya. "Para, magiging isang diretso na lang ang pamimili mo at [hindi mo na kailangan] pang magpabalik-balik.

    What other parents are reading

    Ang payo naman ni daddy Patrick Lam, kung isang grocery lang naman ang pinupuntahan ninyo, ilista mo na sa isang Excel sheet ang aisles at categories para isang ikot ka na lang.

    Sabi naman ni daddy John Mark Bordeos, ginawan na siya ng mapa ni mommy na siya naman niyang minemorya. "I already have a mental map. I didn't need the paper on actual grocery day. It took me just around 15 minutes to buy two weeks' worth of grocery," paliwanag niya. "It also helped that I used to go to the grocery with my wife regularly."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Humingi ng alternate brand sa listahan

    Sa panahon ngayon, malimit ay nagkakaubusan na sa mga groceries at palengke, lalo na kung major brands ang ginagamit ninyo. Kaya naman makakatulong kung maglilista ka ng kapalit. Itanong mo lang kay misis kung anu-anong mga brands ang okay lang na kapalit ng mga inilista niya.

    Pumili ng maliliit na supermarkets

    'Yan naman ang advice ni daddy Tope Gonzales. "Usually, big supermarkets tend to have more customers," sabi niya. "So choosing a not-so-big supermarket is my number one strategy. There might be [some things] that are not on the list, but they have alternative brands for sure."

    Huwag manghula

    Sabi nga ng mga daddies sa Village, kung ayaw mong magalit si misis, huwag kang manghula kung hindi ka sigurado. Aminin mo man o hindi, mommy, partikular talaga tayo sa mga brands. Para mas maging madali, huwag matakot magtanong kung hindi sigurado.

    Tumpak si daddy Karl Bryan sa ibinahagi niya, "Mahirap kasi yung manghuhula ako tapos mali pala, sayang na yung pera hindi pa nya nagustuhan."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman ni daddy John Lagasca, pwede ka ring magtanong sa kapwa mo daddy na namimili. "'Wag mahihiyang magtanong sa ibang namimili! Example, "Pre, anong pinagkaiba ng condensed sa evap?" (LOL!)

    What other parents are reading

    Alamin kung anong mga ulam for the week

    Payo ni daddy Patrick Shuster Ty, makakatulong kung alam mo kung anu-ano ang mga lulutuin ni misis sa susunod na linggo. "Mas maganda kung alam mo kung ano yung mga ulam niyo for the week. Para may context ka kung anong ingredients kailangan at alam mo kung anong substitute if ever wala ang isa," paliwanag niya.

    Subukan ang online shopping

    Kung hindi naman ganoon katagal ang waiting time, pwede kayong mag grocery na lang online. 'Yan ang ginagawa nina daddy Kaypee De Real. Sa SM Markets Click & Collect sila namimili ni mommy. "To avoid spending so many hours doing grocery shopping, you can just shop online and book a delivery service [to pick up your order]."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag kalimutan ang cellphone at load

    All caps talaga para intense ang tip ni daddy Waller John Talisayon. Sabi niya, gabi pa lang ay dapat nag-uusap na kayo ni misis tungkol sa mga dapat bilhin. Pero ang pinaka importante raw para sa kanya ay ang dalhin ang cellphone niya at loadan ito—mahirap na, baka may pahabol si misis eh.

    What other parents are reading

    Magdala ng maraming eco bags

    Pagiging environment-friendly naman ang tip ni daddy Rey Abello. Siyempre, bukod sa listahan, kailangang dala mo rin ang eco bags ninyo para hindi ka mahirapang magbitbit. Baka may mabasag sa mga pinamili, lagot ka, daddy!

    Mag-uwi ng pasalubong

    Bukod sa mga nabanggit, sinabi rin ng mga daddies na kailangang mag-uwi ng pasalubong para kay misis. Huwag na huwag na huwag itong kakalimutan! Para kung may mali man sa nabili, may chocolates naman o kung ano mang paborito ni misis na meryenda. Kaunting lambing lang, ayos na!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Hindi biro ang pinagdadaanan natin ngayon, ngunit nakakatuwang makita na sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling positibo at hopeful ang mga magulang. Lumalabas din ang teamwork nila, lalo na ngayong kailangan nilang galingan ang pagbubudget at pamimili ng supplies para sa kanilang pamilya.

    Kayo? Wagi ba ang pamimili ni daddy o epic fail lagi? Share mo lang ang iyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles