-
Mga Halaman Na Pwedeng Tumulong Sa Atin Makaiwas Sa Dengue
Maaaring makatulong magkaroon ng maaliwalas at iwas-lamok na bahay.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi lamang nakagaganda ng paligid at nakalilinis ng hangin ang halaman, ang ilan pa sa mga ito ay sinasabing may kakayahan ding magtaboy ng insekto. Kaya mainam na alagaan at palaguin sa loob ng bahay ang mga halaman para sa lamok.
Mga halaman laban sa lamok
Citronellal ang chemical compound na napatunayang nilalayuan ng mga lamok kapag naaamoy. Sa isang molecular genetics study, nalaman ng mga eskperto na may dalawang “distinct olfactory pathways” na responsable sa pagkasuya ng mga lamok sa citronellal, na natatagpuan sa ilang mga halaman.
Lemongrass
Mayaman ang lemongrass (scientific name: Cymbopogon citratus) sa citronellal chemical compound. Kaya ito ang pinagkukunan ng essential oil na ginagamit bilang insect repellent sa mga produktong room spray, scented candle, body lotion, at iba pa.
Tradisyunal na itinatanim ang lemongrass sa bakuran o malawak na espasyo kung saan sagana sa sinag ng araw at malaya itong lumago hanggang 5 feet na taas. Ngunit maaari rin itong mabuhay sa loob ng bahay basta tama ang pag-aalaga, tulad ng paglalagay sa tabi ng bintana para maaarawan nang husto.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Citronella
Dahil sa popularidad ng citronellal chemical compound bilang anti-mosquito repellent, umusbong ang “citronella plant” na binebenta bilang “mosquito plant.” Babala ng mga eksperto na ang karaniwang nabibiling citronella plant ay malamang na kauri ng halamang geranium kaya maliit lamang ang taglay nitong citronellal chemical compound.
Ang talagang hitik sa citronellal ay ang Ceylon citronella grass (Cymbopogon nardus), Java citronella grass (Cymbopogon winterianus), at iba pang mga katulad ng lemongrass ang itsura at pagpapalago. Ginagamit din ang mga ito para sa essential oil na sangkap sa citronella products.
Lemon balm
Isa pang mayaman sa citronellal chemical compound ang lemon balm (Melissa officinalis), na isang herb na kabilang sa mint family. Nagmula at marami ito sa mga lugar sa south-central Europe at Central Asia, habang bihira naman dito sa Pilipinas. Ang kauri nitong lemon thyme ay sinasabing mas epektibo laban sa lamok.
Mint
Mainam ang mint (Mentha) bilang indoor plant dahil madali itong tumubo at lumago, pati na madaling alagaan. Bukod sa nakakatulong na pagtaboy ng lamok, magagamit pa ito sa pagluluto bilang pandagdag linamnam at bango sa mga putahe. Ginagamit din ang mint bilang tsaa para maibsan ang pananakit ng tiyan dulot ng kabag, empatso, at iba pang karamdaman.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBasil
Kilala ang basil (Ocimum basilicum) bilang pangunahing sangkap sa pesto pasta at ibang lutuin. Pero ito rin ay halaman para sa lamok dahil sa taglay nitong apat na uri ng compounds. Napatunayang epektibo sa pagtaboy ng lamok ang mga compounds, ayon kay Daniel Climent, isang professor of nature sciences sa University of Valencia sa bansang Spain.
Rosemary
Hindi lang mga lamok ang naitataboy ng rosemary (Salvia rosmarinus), pero pati na mga langaw. Pahayag ito ng gardening expert na si Jim Duthie sa isang artikulo sa USA Today. Aniya, lumalago ang rosemary sa mainit at tuyong klima habang nakatanim sa paso. Puwede pa itong isahog sa mga lutuin.
Lavender
Nakakakalma sa paningin at pakiramdam ang angking ganda at bango ng lavender (Lavandula), kaya malimit itong piliin ng mga taong hirap makatulog. Pero sa mga lamok, tila lason ang amoy ng lavender na kinatatakutan nila.
Marigold
May taglay ang marigold (Tagetes) na Pyrethrum, isang insecticide na ginagamit sa paggawa ng insect repellent, at katangi-tanging halimuyak na nilalayuan ng mga lamok. Mainam na itabi ang marigold sa iba pang halaman para iwasan din sila ng mga lamok.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagamat may taglay na chemical compound ang mga halaman para sa lamok, hindi sapat na ipirmi ang mga ito sa isang lugar at isipin na wala ng lamok na papasok para mangagat. Kailangan pang pumitas ng dahon, dikdikin ito hanggang makuha ang katas o langis, at saka ipahid ang langis sa balat para hindi dapuan ng lamok.

- Shares
- Comments