-
Indoor Plants Na Mababa Lang! Bagay Sa Mga 'Walang Space' Sa Bahay
Maaaring ituring ang mga halaman na parang mga anak na kailangan ng pag-aaruga.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Kinagigiliwan ang ornamental plants dahil maganda sila sa paningin at napapaganda nila ang paligid. Ang ilan pa sa kanila ay may angking bango at kakayahan na linisin ang hangin. Hindi nakakapagtaka na tumataas ang popularidad, halimbawa, ng halamang ornamental na mababa sa dati na at bago pa lamang na hala-mom, plantita, at plantito.
Uri ng ornamental plants
Maraming uri ng ornamental plants at nabibilang sila sa iba-ibang klasipikasyon:
- Cutflowers
- Ornamental grasses
- Lawn or turf grasses
- Potted and indoor plants
- Bedding plants
- Trees
- Shrubs
Ang potted at indoor plants ang may partikular na gamit sa mga tahanan at opisina dahil sa decorative purposes, health reasons, at pagbibigay ng positive psychological effects. May mga pag-aaral na rin ang nagpapatunay na nakakatulong ang indoor plants para bumuti ang concentration at tumaas ang productivity ng isang tao. Dagdag pa dito ang pagbaba ng stress levels at pagganda ng mood.
What other parents are reading
Halamang ornamental na mababa at hindi mahal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay ilang rekomendasyon si Kaycee Estuita, isang plant enthusiast at plant business owner, na halamang ornamental na mababa at hindi kahirapan ang pag-aalaga.
Fittonia
“Cute and tiny” ang fittonia o nerve plant, na kabilang sa genus ng flowering plants sa acanthus family Acanthaceae at mula sa tropical rainforest ng South America. Kilala ito sa kapansin-pansing anyo ng mga dahon.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHindi kailangan ng ganitong halaman na maging busog sa sinag ng araw dahil sapat na iyong filtered. Kaya lang, dapat huwag kalimutan ang pagdidilig dahil umaasta itong “diva” sa pagyuko na tila humihingi ng atensyon.
Peace lily
May ugali ring diva ang peace lily (scientific name: Spathiphyllum), tulad ng fittonia. Ngunit hindi ito isang uri ng bulaklak na lily, bagkus tinatawag na tropical perennials. Nanggaling ang pangalan nito mula sa mga puting bulaklak na itsurang mga puting watawat ng pagsuko para sa kapayapaan.
Zz plant
Ang Zz (Zamioculcas zamiifolia) plant, na tinawatawag ding Zanzibar Gem, ay isang semi-succulent na unang umusbong sa semi-arid regions ng Eastern Africa. Kaya nilang mabuhay sa kaunting ilaw, walang tubig, tuyong hangin, banta ng insekto, at kahit hindi sila pinapansin.
What other parents are reading
Aloe vera
Kilalang succulent ang aloe vera na maraming hatid na benepisyo, gaya ng pagbibigay lunas sa sugat at pagpapalago ng buhok. Kaya nitong tumagal direkta sa sikat ng araw at hindi basta-basta namamatay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPothos
Gumagapang na halaman (trailing vine) ang pothos, at mayroon itong mga dahon na hugis puso. Hindi kailangang itanim ito sa lupa dahil kaya nitong mamuhay sa tubig lamang at kahit anong klaseng kapaligiran.
Mga ganyang halamang ornamental na mababa o small indoor plants ang pinagtutuunan ng pansin ni Kaycee sa kanyang plant business, ang Plan-teh-holic. O di kaya iyong tinatawag niyang “medyo pa-cute,” kabilang na ang frankie fittonia, variegated string of hearts, dwarfed rubber trees (burgundy and lime tree).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMainam daw kasi silang gamitin bilang table top, lalo na’t sa condo siya nakatira at nagpapatakbo ng negosyo. Mas convenient pa pag dating sa delivery papunta sa kanyang mga kliyente.
Tips kung tingin mo ikaw ay may black thumb
Katulad ni Kaycee, maaaring mag-alaga ng halaman ang sino man kahit limitado pa ang espasyo. Hindi rin kailangang maging green thumb o magkaroon ng angking kakayahan sa pagpapatubo at pagpapalayo ng halaman. May payo at paalala si Kaycee sa mga gustong sumubok ng ganitong hobby.
- Mainam na mag-umpisa sa mga hard-to-kill na halaman tulad ng mga nabanggit na small ornamental plants. Pero huwag ding limitahan ang sarili at matakot na pumili ng iba pang klaseng halaman.
- Gumamit ng grow lights, humidifier, at iba pang mga bagay na makakatulong tugunan ang pangangailangan ng halaman.
- Lawakan ang kaalaman sa mga halaman sa pamamagitan ng research.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHangarin ni Kaycee na maibahagi ang benepisyo ng pag-aalaga ng halaman tulad ng naidudulot nito sa kanya. Damang-dama niya ito nang magsimula ang COVID-19 pandemic at ipatupad ang community quarantine.
Kinailangan niya bilang working law student at mother of one ng diversion para sa kanyang pent-up energy, kaya na-enganyo siyang tumingin ng mga halaman sa Instagram dahil noon pa man ay mahilig na siyang magngolekta ng mga halaman hanggang nagdesisyon siyang buksan ang plan-teh-holic.
Aniya, “I don’t want the clients to merely see these plants as something they just bought, but as their kids that need their attention and care as well. So, instead of simply buying, I tell them to shop to adopt.”
Tunay na malaking tulong ang pagkakaroon ng alaga at libangan, tulad ng halamang ornamental na mababa, lalo na sa panahon ngayong mas nakakabuti ang pumirmi sa bahay at umiwas makisalamuha sa maraming tao.
What other parents are reading

- Shares
- Comments