embed embed2
  • Heto Ang Sikreto Ni Mommy Para 'Di Agad Maluma Ang Mga Christmas Decors

    by Ana Gonzales .
Heto Ang Sikreto Ni Mommy Para 'Di Agad Maluma Ang Mga Christmas Decors
PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
  • Setyembre pa lang, kumukutikutitap na ang tahanang Pinoy dahil marami sa atin ang maagang magdekorasyon para sa Pasko at Bagong Taon. Maaga ring nagsisimula ang pagbubukas ng mga bilihan ng mga Christmas decorations.

    Pero para mas makatipid, marami sa mga nanay sa aming online community ang hindi na bumibili ng pandekorasyon—lalo na ngayon na may COVID-19 pandemic at marami sa atin ang nawalan ng pagkakakitaan.

    Sa halip, ginagamit na lang muli ng mga nanay ang mga holiday decors na mayroon sila.

    Pero minsan, may mga decors na hindi na nagagamit dahil nasira na habang nakaimbak. Buong taon nga lang naman itong nakatago kaya 'di nakapagtataka na may mga bahaging nasisira.

    Para maiwasan ito, pwede mong sundan ang mga tips na ito ni mommy Emerald Bailey, miyembro ng Smart Parenting Mom Network.

    Maniniwala ka bang 10 years old na ang mga Christmas decorations niya? Kung titignan ay bagong-bago pa ang mga ito. Narito ang mga sikreto niya para kahit nakaimbak ang mga palamuti ay hindi ito masira.

    Mag-invest sa magandang lalagyan

    Duraboxes ang gamit ni mommy na lalagyan ng kanyang mga holiday decorations.

    Tip niya, mag-abang sa mga buy one, take one sales sa mall o online para makabili ng mga storage boxes na malalaki at matitibay.

    "Huwag kang mag-alala dahil minsan ka lang naman bibili niyan, hindi kada taon," paliwanag niya.

    Paglaanan ng space ang mga storage boxes

    Isalansan nang maayos ang mga paglalagyan mong kahon. Sa ganitong paraan, maiiwasang mayupi o masira ang mga lalagyan.

    "Kung walang masyadong space sa bahay, pwede naman itong ilagay sa ilalim ng kama o sa ibabaw ng mga cabinets," sabi ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag mahiyang maglagay ng labels

    Biro pa ni mommy Emerald, "Kung ang magjowa nga dapat may label, ang mga gamit pa kaya?"

    Malaki ang matitipid mong oras sa pagdedekorasyon kung alam mo na agad kung aling kahon ang kukunin at bubuksan.

    "Kung walang label maker, mag-print ka na lang at idikit ng scotch tape," payo ni mommy.

    "Kung walang printer, sulat kamay. Ang importante, malagyan mo ng label para alam mo ang laman ng bawat durabox."

    Gumamit ng mga compartment baskets

    Mabibili mo ang mga ito ng murang-mura online. Dalawa hanggang tatlong compartment boxes ang kasya sa isang malaking durabox.

    Kung maliliit na basket compartments ang ilalagay mo, mas maraming compartments ang magagawa mo.

    "Iba ang kabawasan sa pagka-aligaga ko 'pag naka-ayos ang mga gamit sa kani-kaniyang lalagyan. Ang sarap nilang tignan!" Kwento ni mommy.

    Nakakatulong din ang mga compartments para maiwasan ang pagkasira ng mga pandekorasyon mo tulad ng mga Christmas lights at balls.

    Hindi ka rin kakabakaba na may masisira lalo na kung babasagin pa ang mga pansabit mo sa Christmas tree.

    Marami sa mga nanay sa Village ang natuwa sa tips ni mommy at sinabing ngayong taon, uumpisahan na nila ang paggamit ng mga kahot at compartment boxes para ayusin ang kanilang mga Christmas decorations.

    Nakakainis nga naman kasi iyong taon-taon na lang, nauubos ang oras mo sa pagpupunas sa maalikabok na Christmas balls at paghihiwalay sa nagkabuhol-buhol nang Christmas lights.

    Kayo, paano ninyo pinapanatiling bago pa rin ang mga Christmas decors ninyo? I-share mo na iyan sa comments section!

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mga tips na tulad nito.

    Follow Smart Parenting Mom Network Emerald Bailey on Instagram at @emoinkzbailey.

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close