embed embed2
  • House Cleaning Tips Para Sa Mga Nanay Na May Malilikot Na Babies

    Hindi ka ba makapaglinis dahil kailangang bantayan si baby?
    by Jhem Bon .
House Cleaning Tips Para Sa Mga Nanay Na May Malilikot Na Babies
PHOTO BY Pixabay
  • Mahirap pagsabayin ang pagiging nanay at pagpapanatiling malinis ng bahay. Kadalasan ay naisasantabi natin ang paglilinis at pag-aayos sa bahay kung mayroon tayong anak na kailangang bantayan, lalo na kung malikot ito at wala tayong ibang kasama sa bahay. 

    Ito ang karaniwang problema ng mga nanay na may clingy o malilikot na babies. Paano mapanatiling maayos at malinis ang ating tahanan? Sa aming facebook group na Smart Parenting Village, nagbigay ng tips ang mga mommies kung paano ito magagawa:

    1. Patulugin muna si baby

    Karamihan sa mga mommies ay nagsabi na ang best time sa paglilinis ay sa gabi, kapag tulog na si baby. Kahit pa madaling araw, basta siguradong mahimbing na ang tulog ng inyong anak. 

    2. Gumamit ng baby carrier

    Kung hindi mo maiwan si baby, isama mo na lang siya sa iyong paglilinis gamit ang baby carrier. Epektibo ito kung clingy ang iyong anak at ayaw niyang humiwalay sa iyo. Siguraduhin lang na safe at komportable si baby para hindi siya mahirapan habang naglilinis ka.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Ilagay si baby sa crib, stroller o high chair

    Ang ilang mommies ay sa crib iniiwan ang babies nila. Binibigyan lamang ito ng laruan para malibang. Ang iba ay gumagamit din ng stroller at high chair kung saan maaring ipwesto si baby kung nasaan si mommy.

    Kung may sariling space naman ang inyong anak sa bahay gaya halimbawa ng play area, maari itong iwan doon basta siguraduhin lang na nakikita niyo pa rin ang kanilang ginagawa at walang mga laruang maaaring maging choking hazard.

    4. Piliin ang minimalist approach

    Para hindi mahirapan sa pagliligpit, isang mommy naman ang nagmungkahing maglaan ng lagayan ng mga laruan ayon sa klase o laki nito para mas madali itong ayusin.

    Maari ring maglabas lang ng kaunting laruan o yung pagka-minimalist para kaunti lang din ang iyong liligpitin.

    More from Smart Parenting

    5. Subukan ang vacuum at portable UV light

    Ayon sa isang mommy, makakatulong ang vacuum at portable UV light para mapabilis ang iyong paglilinis. Gamitan ng vacuum ang kama o crib para matanggal ang alikabok nito habang ang portable UV light naman ay para ma-sterilize ang mga laruan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    6. Turuang maglinis ang mga bata habang sila'y bata pa

    Sabi nga nila, start them young. Isang mommy ang nagkwento na sa edad na isang taon, tinuruan na niya ang kanyang anak ng mga simpleng gawaing bahay tulad ng pagliligpit ng laruan at pagwawalis. Agad naman itong natuto at kahit paano ay nakakabawas na sa kanyang gawain.

    More from Smart Parenting

    7. Planuhing maigi ang araw mo

    Malaking kaibahan ang nagagawa ng epektibong time management. Gumawa ng schedule ng mga gawain at magtalaga lamang ng kaya mong gawin sa oras ng tulog ng iyong anak. Mula sa isang mommy, gumawa ng checklist ng daily task para madaling ma-monitor kung alin ang mga nagawa na at hindi pa.

    8. Huwag mahiyang humingi ng tulong

    Kwento ng isang mommy, minsan ay pinapakiusapan niya ang kanyang ina na bantayan ang kanyang anak habang siya ay gumagawa ng gawaing bahay. Ang iba naman, ang kanilang asawa ang inaasahang tumulong sa kanila. Binibigyan nila ito ng tungkulin para mabawasan ang kanilang gawain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na hindi masamang humingi ng tulong at hindi mo kailangang mag-isang gawin lahat ng mga gawaing bahay.

    More from Smart Parenting

    Payo rin ng ating mga mommies, bagamat mahalagang mapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan, huwag isakripisyo ang ating kalusugan at ang ating mga anak. Maglaan din ng oras para magpahinga at siguraduhing lagi pa rin tayong nakabantay sa mga bata.

    Ang pagiging nanay ay maraming kaakibat na sakripisyo. Maaring hirap tayong kumilos ngayong bata pa sila pero sa kanilang paglaki ay matututunan din nila ang pagtulong sa atin. Maraming nanay ang nagsabing i-enjoy lang natin ang pagkabata ng ating mga anak. Paglaki kasi nila, mamimiss din natin ang magulong bahay.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles