embed embed2
  • Sabi Nina Mommy At Daddy: 'No Mall, No Problem! Bumuo Na Lang Kami Ng Indoor Playground'

    Feeling nasa playground pa rin kahit nasa bahay lang ang mag-anak.
    by Ana Gonzales .
Sabi Nina Mommy At Daddy: 'No Mall, No Problem! Bumuo Na Lang Kami Ng Indoor Playground'
PHOTO BY courtesy of Marian Dayrit
  • Bukod sa pagpapalakas ng immune system at malimit na paghuhugas ng kamay, hindi na rin gaanong lumalabas at pumupunta sa mga matataong lugar ang mga nanay at kanilang mga pamilya, para makaiwas sa COVID-19.

    Sinuspindi na rin ng pamahalaan ang pasok sa lahat ng antas simula kahapon (March 10), hanggang (March 11). Kaya naman kanya-kanyang paraan ang mga magulang para aliwin ang kanilang mga anak habang nasa bahay. May ilang bumili na ng mga art supplies, libro, board games, at puzzles para may pagkaabalahan ang mga bata.

    Naisip naman nina mommy Marian Dayrit at ng kanyang asawa na bumuo ng isang indoor playground para sa anak nila, sa halip na dalhin ito sa mga pampublikong palaruan. "This is a precautionary measure to avoid COVID-19," paliwanag ni mommy. Ayon pa sa kanya, mas panatag sila na nasa bahay lang sila dahil nakikita nila kung sino ang ka-interact ng kanilang anak, pati na rin kung anong nilalaro nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kung gusto mo ring bumuo ng play area na katulad ng ginawa nina mommy, narito ang listahan ng mga laruang binili nila:

    Intex Jump'O'lene

    • Dimensions: 1.74m x 1.74m x 1.12m
    • Orig Price: Php 4,499.75
    • Sale price: Php 3,500

    Intex Swim Center Family Pool

    • Dimensions: 3.05m x 1.83m x 56m
    • Orig Price: Php 4,499.75
    • Sale Price: Php 2,500

    Soft Play Balls

    • 3 bags (100pcs per bag)
    • Orig Price: Php 699.75 per bag
    • Sale Price: Php 599.75 per bag

    Avenli AC Electric Air Pump

    • Orig Price: Php 999.75
    • Sale Price: Php 899.75

    Total: Php 8,799.00

    Sulit na sulit na ang play area na ito ni baby dahil matagal niya na itong magagamit. Pwede niyo rin itong dagdagan ng mini slide o 'di kaya ay mini basketball ring—depende sa paboritong games ng anak ninyo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod pa sa paglalaro sa kanilang indoor play area, mahilig ding makinig sa music ang mag-ina. May mga binago rin sila sa kanilang mga routine sa bahay. "We [started] disinfecting our home [even more]," pagbabahagi ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas naging partikular na rin sila sa paglilista ng mga supplies na kailangan nila, para hindi sila maghoard at hindi rin makompromiso ang kanilang mga pangangailangan. "We made sure that we have the latest update in COVID 19 to ensure that we can do our best as the worst case scenario come," dagdag pa niya.

    More from Smart Parenting

    Kayo? Anu-anong mga paghahanda ang ginagawa ninyo para masigurong ligtas ang inyong pamilya sa COVID-19? Mayroon na rin ba kayong indoor playground para sa inyong mga anak? I-share mo na ang inyong experience sa comments section.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles