Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Silipin Ang Weekend Home Ni John Estrada At Priscilla Meirelles!

    Napakamaaliwalas ng bahay-bakasyunan ng mag-asawa kasama kanilang anak na si Sammanta Anechka.
    by Jocelyn Valle .
  • Sabi ni John Estrada sa kanyang bahay bakasyunan sa isang home magazine, "For the longest time, I have had this idea in my head what my dream would look like, and this is it."
    PHOTO BY Cyrus Panganiban for ELLE Decoration Philippines

    Tunay na kahanga-hanga ang bahay-bakasyunan ni John Estrada, base sa kanyang mga Instagram posts at sa mga positibong komento dito. Napalilibutan ito ng greenery dahil sa lokasyon nito sa isang golf and country club. Kapiling ng aktor sa mala-resort na tahanan ay ang kanyang maybahay na si Priscilla Meirelles at ang kanilang kaisa-isang anak na si Sammanta Anechka, 7.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Una namin nakita ang bahay na ito sa Elle Decoration Philippines (hindi na aktibo ngayon) sa kanyang November 2014 issue. Ayon sa kalakip na artikulo, naipatayo ng aktor ang tinawag niyang “dream home” katuwang ang arkitekto na si Deo Alam ng Deo Alrashid Alam Design Architecture at ng Utwentysix Design Studio. Inilarawan ni John ang istilo nito bilang “modern, industrial-chic” na akma sa “minimalist look” na napupusuan niya.

    More from Smart Parenting

    Ayon sa artikulo ng Elle Decoration Philippines, “hands-on” si John sa lahat ng aspeto sa pagpapatayo ng kanyang dream home. Aniya pa, ayaw niya ng kalat. Ngunit nais din niyang maging “lived-in” at makaramdam ng “warmth” sa kanilang tahanan kaya’t hinahayaan niyang may mga laruan sa paligid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas, ayon sa artikulo, namamalagi ang mag-asawa sa entertainment room para manood ng pelikula. Mula sa entertainment room ay tanaw ang swimming pool kaya nababantayan nila ang kanilang anak kung naroroon ito. Sabi ni John na kapag nakikita niya o pumaparoon siya sa kanilang tahanan ay pakiramdam niya “I’ve achieved something” at may nakamit na naman siya sa kanyang “bucket list.” Isang hashtag na ginamit nya sa isang post: “#bloodsweatandtears”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nagbabakasyon sa bahay na ito ang Pamilya Estrada kapag weekend at tuwing may espesyal na okasyon, tulad ng Pasko, Halloween, at Easter.

    “Siesta time, sarap matulog, lakas ng ulan,” ani John sa isang Instagram post, habang nagpapahinga sa kama at makikita sa mga naglalakihang salamin na bintana ang labas ng bahay. Maluwag at maaliwalas ang kabuuan ng bahay. May pagkakataon pang nakakapag-libot si John sakay ng kanyang hoverboard.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Anechka naman ay nawiwili sa pagsasayaw na parang malawak na dance floor ang sala. Meron din itong swimming pool na paboritong tambayan ng unica hija.

    Mula naman sa iba niyang Instagram post, bakas ang kasiyahan ng aktor kapag meron silang mga bisita, kabilang na ang kanyang mga anak sa dati niyang asawa na si Janice de Belen. Pagkakataon din ito para maka-bonding ni Anechka ang kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Inah, Kaila, Moira, at Yuan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles