embed embed2
  • 'Natural Lang Sa Lalaki Ang Mambabae' At Iba Pang Kakaibang Advice Mula Sa Mothers-In-Law

    Bawal din daw maligo ng apatnapung araw pagkatapos manganak.
    by Ana Gonzales .
'Natural Lang Sa Lalaki Ang Mambabae' At Iba Pang Kakaibang Advice Mula Sa Mothers-In-Law
PHOTO BY iStock
  • Understatement na maituturing kung sasabihin nating komplikado ang relasyon ng mga magbiyenan. Bagaman mayroong mga magkakasundo, mas marami pa rin iyong mga hindi nagkakaintindihan.

    Isa sa mga maaaring dahilan ay ang pagkakaiba ng pagiging ina at asawa noon sa ngayon. Noong panahon ng ating mga biyenan, walang internet at social media. Wala ring Facebook groups at walang Google na pwedeng pagtanungan. Iba rin ang mga medical discoveries noon kung ikukumpara mo sa mga kaalaman ng mga eksperto ngayon.

    Kaya naman inipon namin para i-debunk ang ilan sa mga 'kakaibang' advice ng mga mothers-in-law na maaaring magdulot ng kalituhan. Narito ang mga ibinahagi sa amin ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    Huwag painumin ng gamot si baby kapag nilalagnat

    Dahil nga sa malaking kaibahan ng mga medical information na available noon sa mayroon na ngayon, hindi maiiwasang mga paniniwala pa rin noon ang mas sinusunod ng ating mga biyenan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming bagong impormasyon ngayon tungkol sa lagnat ng bata na kailangang alam ng mga nanay. Halimbawa na riyan ay kung kailan mo nga ba dapat dalhin sa doktor ang iyong anak. Marami na ring mga indikasyon ngayon na tinitignan bago pa man i-consider ang isang bata na may sakit.

    More from Smart Parenting

    Huwag maligo ng 40 araw pagkapanganak

    Dito pumapasok ang paniniwala ng mga matatanda patungkol sa pasma at binat. Sa kasalukuyan ay wala itong scientific basis.

    Sa katunayan, ang mga ina na nanganak sa pamamagitan ng natural o vaginal birth ay maaari nang maligo pagkatapos nilang manganak. Makakatulong pa nga ang maligamgam na tubig para maibsan ang nararamdamang pamamaga pagkatapos manganak.

    Kung sumailalim naman sa episiotomy, maaari kang payuhan ng doktor mo na maghintay ng 24 hours bago maligo. Kapag cesarean naman, maaaring kailanganin mong maghintay na gumaling ang iyong sugat bago ka pa mag-full bath. Spot washing ang pinakamainam, pati na rin ang mabilis na shower.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Huwag magsabon ng kamay pagkatapos palitan ang diaper ni baby

    Kwento ng isang mommy, pinayuhan daw siya ng mother-in-law niya na huwag maghugas ng kamay pagkatapos hugasan si baby kapag dumumi. Kailangan daw munang ilagay sa gums ni baby ang kamay para hindi maging maselan kapag tinubuan ng ngipin.

    Bukod sa wala itong scientific basis, delikado rin kung isusubo mo ang maruming kamay mo sa anak mo, lalo na kung galing pa ito sa dumi ng diaper niya. Isa pa naman sa mga pinaka delikado sa mga bata ang pagtatae.

    More from Smart Parenting

    Bukod sa mga payong na ito, nariyan din ang mga kakaibang relationship advice nila.

    Normal lang sa lalaki ang mambabae

    Katwiran ng isang mother-in-law, 'nature' daw ng lalaki ang magkaroon ng maraming babae—basta ang mahalaga ay sa legal wife pa rin uuwi.

    Ayon sa ating batas, kung magdesisyon ang asawa mo na sumama sa ibang babae, kailangan munang ipasawalang bisa ang inyong kasal. Kung hindi, maaari mo siyang kasuhan ng concubinage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi naman kayo kasal, maaari kang lumapit sa Women's Desk para idulog ang iyong hinaing, lalo na kung labis na psychological suffering ang iyong nararanasan. Hindi 'normal' ang pakikiapid at pangangaliwa.

    More from Smart Parenting

    Hindi kailangang tumulong ng asawa mo sa gawaing bahay

    Noong unang panahon, babae ang naiiwang nag-aasikaso sa bahay at sa mga bata habang lalaki naman ang umaalis para magtrabaho. Matagal nang binago ng mga kababaihan ang nakasanayan na ito.

    Ang babae ngayon ay hindi na lang para sa bahay. Maraming mga ina ang nagtatrabaho na rin. Sa katunayan, marami nang mga babae ang gumagawa ng trabaho na dati ay sa mga lalaki lang.

    Kaya naman outdated na na isiping hindi kailangang tumulong ni hubby sa mga gawaing bahay. Pareho ninyong responsibilidad ang buhayin at alagaan ang inyong mga anak. Bukod pa riyan, pareho ninyo ring responsibilidad na panatilihing masinop ang inyong tahanan.

    More from Smart Parenting

    Marami pang mga kwento ang mga nanay sa Smart Parenting Village. Mayroon pang isang mommy na sinabihan ng kanyang mother-in-law na huwag bumili ng dalawang gamit para sa bata dahil malas daw iyon. Ang kaso, kambal ang anak ni mommy kaya kailangang dalawa talaga ang gamit na bilhin niya. Napapakamot na lang ng ulo ang mga nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante lang na tandaan natin na ang alam nila noon ay iba sa alam natin ngayon dahil malaki ang pinagkaiba ng ating mga panahon. Lahat ng payo nila ay bunga ng concern at base sa kanilang mga naranasan.

    Kapag ikaw na rin ang naging mother-in-law, maaaring iba na ang alam mo ngayon sa mga magiging kaalaman ng mga anak mo sa hinaharap. Kailangan lang na matutunan nating hindi masamain ang kanilang mga payo, sa halip ay habaan pa ang ating mga pasensya at isama sila sa ating mga doctor's appointment para maliwanagan sila sa mga bagong kaalaman ngayon.

    More from Smart Parenting

    Kakaiba rin ba ang ilan sa mga advice na nakuha mo mula sa iyong mother-in-law? Anong ginagawa mo kapag mayroon siyang payo na kakaiba? I-share mo lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles