embed embed2
  • New Moms Swear Lifesaver Ang Trolley Na Ito Kung Makalat Ang Bahay Ninyo

    Inilista namin kung saan mo ito mabibili, kung magkano, at kung paano ito ayusin.
    by Ana Gonzales .
New Moms Swear Lifesaver Ang Trolley Na Ito Kung Makalat Ang Bahay Ninyo
PHOTO BY iStock
  • Sabi nila, kapag nagkaanak ka na raw, pwede mo nang kallimutan ang paglilinis ng bahay dahil magkakalat din naman ang mga anak mo—pati na rin ang asawa mo! (LOL!)

    Pero syempre, dahil likas na sa mga magulang, lalo na sa mga nanay, ang pagiging masinop, hahanap at hahanap tayo ng paraan para ma-organisa pa rin kahit papaano ang ating mga tahanan.

    What other parents are reading

    Sa kakahanap ng mga organizers at shelves, nadiskubre ng mga nanay na pwedeng-pwede palang gamitin para sa maraming bagay ang trolley organizers.

    Dati, makikita mo lang ang mga ito sa mga salons at parlors, pero ngayon, makakakita ka ng at least isang ganito sa isang household.

    Bukod kasi sa space saving at moveable ito, abot-kaya rin ito at marami kang pwedeng ilagay.

    Trolley organizers na mabibili mo online

    Yali Home 3-Layer Multipurpose Storage Trolley

    (Php1,299)

    PHOTO BY Yali Home
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Ito ang nabiling trolley ni mommy Ciarra dela Cruz, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, sulit ito dahil may baskets at hanging buckets na magsisilbing extra storage space.

    Ganito rin daw ang inorder ni mommy Lea Manille Tee-Ching na nabili niya sa halagang Php1,299, plus Php125 para sa shipping.

    What other parents are reading

    Locaupin 3-Tier Kitchen Utility Trolley

    (Php1,248)

    PHOTO BY Locaupin Philippines
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito naman ang trolley ni mommy Dang Cahanding-Ceñir. Ginagamit niya ito na lalagyan ng sterilizer, formula milk, at water, pati na rin ang mga bibs at first aid kit nila.

    Maganda rin ang Metal Storage Rolling Cart ng Locaupin na mabibili mo sa halagang Php1,980.

    What other parents are reading

    SM Department Store's Trolley

    (Php1,295 to Php2,995)

    Sa SM naman nakabili ng trolley si mommy Glyza Quistadio. Nabili niya ito sa halagang Php1,295.

    PHOTO BY Glyza Quistadio
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Tier Slim Slide Out Kitchen Trolley

    (Php858)

    PHOTO BY Moonbeam

    Maganda ito kung manipis na trolley ang hanap mo. Kasya kasi ito sa mga sulok-sulok sa bahay ninyo kaya—perfect kung limited space lang ang available sa inyo.

    Kung iniisip mo naman ang mabisang paraan para ayusin ang trolley ninyo, pwede mong gayahin ang ginawa ni mommy Ceci Alarcon-Era. Baby essentials at iba pang toiletries ang laman ng kanyang trolley. Kasama rin dito ang cloth diapers ng anak niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Alin man sa mga ito ang maging choice mo para sa bahay ninyo, siguradong magiging malaking tulong ito para i-organize ang mga pinakamahalagang gamit ng anak ninyo.

    Mayroon na ba kayong ganito sa bahay? Saan niyo ito nabili? Paano niyo ito ginagamit? I-share niyo lang iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles