Simpleng bahay kubo lang sana ang inaasam ng mag-asawang Karen Christine at Richard Riva para sa second home ng kanilang pamilya sa lugar nila sa Romblon. Pero nakapagpatayo sila hindi lang ng isa pang bahay bagkus meron pa itong indoor pool, mini forest, at tree house sa halagang Php350,000.
Maraming humanga sa kuwento ng mag-asawa sa SmartParenting.com.ph (basahin dito), at dumami pa lalo ang nabigyan nila ng inspirasyon sa video na ginawa ng Summit Video Originals.
Sabi ni Karen, kahit sila ni Richard at kanilang tatlong anak ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng kanilang pagsusumikap na mapaganda ang loteng nabili nila noon pang 2019. Ipagpapalit pa nga niya raw sana ang lote para naman sa isang beachfront property. Itinuloy na lang nila ang second home project habang may COVID-19 pandemic.
Maging sa loob ng bahay, maaliwalas at masarap magpahinga.
PHOTO BY Courtesy of Karen Riva
Kuwento pa ni Karen na kahit hindi siya interior designer o landscaper, maayos ang kinalabas ng kanyang mga ideya at sumang-ayon naman ang kanyang asawa kinalaunan. Hindi rin daw siya expert sa gardening kaya nagpatulong siya sa mga talagang bihasa sa mga halaman kaya naman bumagay sa mini forest ang kinalabasan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Pula ang napili nilang kulay para sa bahay upang mag-stand out ito sa berdeng kapaligiran. Dagdag pa ni Karen na parang fairy tale raw ang ideya niya dahil "in the middle of the woods" daw ito. Pagkatapos nilagyan nila ng indoor pool at tree house para sa mga bata. Sa mezzanine naman ang nagsisilbi nilang kuwarto at pahingahan.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.