-
Ikinuwento Ni Lovely Abella Kung Paano Sila Nakabili Ng Bahay Kahit Nagipit Ng Pandemya
Pagkatapos ng 3 taon lamang, nabayaran nila ang housing loan na dapat 10 taon nilang bubunuin.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Naging emosyunal si Lovely Abella nang alalahanin niya kung paano naipundar nila ng asawang si Benj Manalo ang mas malaki nilang bahay ngayon.
Ibinahagi ni Lovely kamakailan sa Instagram ang litrato ng tinitirhan nilang townhouse noon. Aniya sa caption, 3 years ago nang kinunan ang litratong iyon, at saka niya ikinuwento kung paano sila nakalipat sa bagong tirahan.
Noong mga panahon na iyon, Taong 2019, kumuha ang GMA-7 actress at kanyang mister na artista rin ng housing loan. Ginamit nila ang savings nila para makabayad ng down payment na Php1.3 million.
Inisa-isa ni Lovely ang mga paraan para makapag-ipon sila ng ganoong halaga:
- "Di kami nagmo-mall'
- "Di kami kumakain sa labas"
- "Natuto kaming magtiis"
- "Kahit ano pang trabaho tinanggap namin"
- "Wala kaming tinatanggihang mag-asawa"
Inamin ni Lovely na may mga pagkakataong tinanong nila ang isa't-isa: "Kaya ba natin yan babe?" Pero isa lang ang sagot nila: "Kaya yan!"
Dagdag pa niya, "Nagtiwala lang kami kay LORD." Nang magdasal daw sila, saktong dalawa na lang ang natitirang unit ng bagong townhouse na napupusuan nila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPag pasok naman ng Taong 2020, biglang sumulpot ang sakit na COVID-19 at lumaganap sa buong mundo hanggang naging pandemic bandang March. Hindi lang ito naging health crisis, bagkus economic crisis din.
Pagbabalik-tanaw ni Lovely sa panahong iyon, "Nawindang kaming mag-asawa, nagka-anxiety. Ang tanong namin paano na? Nawalan kami ng trabaho, walang pinagkakakitaan.
"Ang pinagpapasalamat namin may naipon kami pero sabi ko, 'Hanggang saan aabutin?' May pamilya pa ako na kailangan ng tulong ko, kaibigan na nawalan din ng trabaho, may anak na nag aaral."
Dugtong niya, "Pero napakabuti ni LORD. Dito na nagsimula na nagpa-certified ako maging [fitness] trainer para may income kami everyday, sumunod nagkaroon ng live selling."
Ibinahagi ni Lovely ang mga karanasan nilang mag-asawa sa pagsabak sa live selling: "Ang daming nagsasabi, 'artista ka, di ba? Bakit mo ginagawa yan?' Pero di namin pinansin ang importante sa 'min, maka-survive kami, at dahil dito, nabago ang buhay namin. Talagang binago, di kami makapaniwala."
CONTINUE READING BELOWwatch nowBukod sa pagiging certified fitness trainer at pagla-live selling, sinipagan ni Lovely, katuwang si Benj, ang paggawa ng videos para sa kanilang vlog. Binansagan nilang itong BenLy. Ito na ring pangalan ng kanilang online shop.
Read also: Inalala Ni Lovely Abella Ang ‘Humble Beginnings’ Ng Negosyo Nila
Ngayong 2022, tatlong taon na ang nakalipas nang simulan nina Lovely at Benj na maipundar ang bago at mas malaki nilang tirahan sa tulong ng housing loan. Sila na ang nagmamay-ari nito kahit 10 taon pa dapat huhulugan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWalang sisidlan ang saya ni Lovely sa paglalarawan sa kanilang bahay, aniya, "kung saan nagsimula kaming mangarap, nagsimula kaming magtipid, nagsimula kaming magtulungan, magkaintindihan. Dito nagsimula ang lalong mahigpit na pananalig kay Lord."
Ito naman ang mensahe ni Lovely: "Wag ka mawalan ng pag asa. Tulad niyo din kami nakipagbakbakan sa buhay, pero di kami nawalan ng pag asa. Mas lalo kaming nagsumikap sa buhay. Ang sipag mo sabayan mo ng dasal. Sigurado ibibigay Niya sa 'yo ang pinapangarap at pinagdadasal mo."
Basahin dito ang tips mula sa real estate broker para sa mga nagbabalak magkaroon din ng sariling bahay.
What other parents are reading

- Shares
- Comments