-
Beat The Heat Na Tipid! Couple Builds A Swimming Pool For P12,000
by Angela Baylon .
- Shares
- Comments

Dahil sa mahigpit na community quarantine noong 2020 at 2021, maraming pamilya ang napilitan na ipagpaliban ang travel plans at nanatili muna sa loob ng bahay. Pero dahil din dito, marami ang nagkaroon ng pagkakataon ng gumawa ng home improvements at DIY projects. Kabilang na nga diyan ang paggawa ng mga DIY swimming pools!
Ilan sa mga na-feature at kinagiliwang kwento sa Smart Parenting ay ang lolo na ginawang pool area ang dating pig pen. Nariyan din ang naging total transformation ng rooftop para maging Bali-inspired oasis.
Ito ang mga kwentong nag-inspire at nagpalakas ng loob sa mag-asawang Luz Custodio Gito at Crisnamorthy Gito na magkaroon din ng DIY project lalo na noong mawalan ng trabaho bilang OFW si Crisnamorthy dahil sa epekto ng pandemya.
"Na-sad talaga kami, wala naman gagawin nakakainip, then madami kami nakikita na DIY kaya na-inspire kami.
"Madami na din po kaming nabasa at na-inspire talaga kami ng husband ko sa mga na-i-feature ninyo sa page," pagbabahagi ni Luz.
PHOTO BY Luz Custodio GitoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa ng 47-year-old na wifey, "Para maging busy at hindi ma-remember ang nangyari. Naisip namin yung vacant space sa likod ng house though maliit lang, sabi namin 'why not mag-DIY kami ng pool."
Ang dating bakanteng espasyo, may mini pool na ngayon!PHOTO BY Luz Custodio GitoBunga ng pagtutulungan ng mag-asawa
Tinawag nila Luz at Gito ang kanilang DIY swimming pool na "COLOVE pool."
Bakit COLOVE? "Short for collaboration po na may kasamang love talaga ang paggagawa kasi kaming dalawa lang po nag-isip at nag-construct without any help po ng iba," paliwanag ni Luz sa panayam sa Smart Parenting.
Dahil materyales lang ang kinailangan para mabuo ang COLOVE pool, umabot lang sa Php12,000 ang nagastos ng mag-asawa. Mas maliit ito sa plano sana nilang budget na Php15,000. Ang galing!
Ani Luz, "Lucky lang kasi materials lang ang nagastos namin kasi si husband medyo may idea na sa construction kasi he's a licensed civil engineer.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPHOTO BY Luz Custodio Gito"Siya ang naka-assign sa construction (concrete) then ako naman ang naka-assign sa painting job at kung anik anik na design.
PHOTO BY Luz Custodio Gito"Noong painting na ang hirap ko po makuha na maging wood style. Naiiyak na ko kaso sabi ko po 'Hindi pwede. Ngayon pa ba gigive-up konti na lang?," kuwento ni Luz.PHOTO BY Luz Custodio GitoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero dahil dalawa lang silang gumagawa, hindi naging madali at mabilis ang paggawa sa proyekto na inabot ng dalawang buwan. Naging hamon din ang maulan na panahon kung kailan nila naumpisahan ang DIY pool.
"Minsan po maganda ang weather sa umaga kaya go gawa. Tapos pagdating ng hapon ulan na kaya packed up na.
"May time na inabot ng 11 p.m. na gumagawa pa din po kasi masasayang po ung na-prepare na cement kaya need na magamit," kwento ni Luz.
Pero lahat ng pagod ay worth it naman nang matapos na at makitang buo na ang tiny swimming pool nila. 5 feet ang lapad, 10 feet ang haba at may lalim na 3 feet ang swimming pool kaya perfect talaga para sa simpleng pagrerelax sa bahay.
"COLOVE Pool"PHOTO BY Luz Custodio GitoPHOTO BY Luz Custodio GitoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Iba po pala 'yung feeling na nakakagawa ka, na dati nababasa o napapanood mo lang," ani Luz. "At 'yun pong na appreciate nila at na-amaze sa nagawa po namin na ang alam lang po namin ay gagawa kami ng simple, affordable at masasabi namin na 'kami gumawa nyan,' ang sarap pakinggan at nakakataba ng puso."
Walang anak ang mag-asawang Luz at Crisnamorthy pero masayang-masaya silang ibahagi ang kanilang munting pool area sa mga anak ng kanilang pamangkin. Kuwento ni Luz, "Sa ngayon po nadadalas sila dito sa amin masaya po may kaunting salo-salo na din po. Sila na ang naging mga anak namin, ang dami pa ang saya!"
PHOTO BY Luz Custodio GitoPaano gumawa ng low budget swimming pool
Ibinahagi ni Luz sa amin ang iba pang diskarte na ginawa nila para mapababa ang gastos sa paggawa ng swimming pool.
Bukod sa hindi na pagkuha ng tao na gagawa sa swimming pool, nag-isip din sila Luz ng paraan kung paano makatipid sa materyales na gagamitin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Since talagang ang goal namin is budgeted, hindi na kami nag[lagay ng] tiles sa wall at floor. Instead epoxy paint ang ginamit namin.
"Kaso nung medyo nakikita na 'yung magiging outcome nagdecide kami na lagyan ng tiles yung wall pero pang accent lang. Sa upper part lang ilalagay so 'yung 30x30 na tiles, hinati namin kaya tipid pa din."
PHOTO BY Luz Custodio GitoSimple lang din sistema ng pool tuwing lalagyan ng tubig. Paliwanag ni Luz, "Wala naman kaming something special na nilagay like filter, etc. Basta once magswimming pupunuan lang ng tubig then nilalagyan ng chlorine para madisinfect."
Dagdag niya, "Pagtapos na magswimming, drain na lang. Pero pinandidilig din."
Nakakabilib ang inyong DIY swimming pool project lalo't nakakapagpsaya ng iba. Good job sa inyo Luz at Crisnamorthy!
Share your DIY projects with us — we’d love to feature them on our website! Message us on our Facebook page or email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject "DIY project."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTingnan ang mga nakakabilib na DIY projects ng mga mommy at daddy dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments