embed embed2
  • Mga Mabisa At Natural Na Panlinis Ng Stove, Oven, At Microwave

    by Ana Gonzales .
Mga Mabisa At Natural Na Panlinis Ng Stove, Oven, At Microwave
PHOTO BY istock
  • Isa ang kusina sa mga bahagi ng bahay na talaga namang mahirap linisin.

    Nariyan kasi ang mantsa at katas ng mga gulay, prutas, at karne. Nariyan din ang mantika, na kapag hindi mo agad nilinis, maaaring mas maging mahirap ang pagtanggal.

    May mga mabibiling all-purpose cleansers sa groceries, pero madalas ay mayroon silang harmful chemicals na delikado lalo na kung may mga maliliit na bata kang kasama sa bahay.

    Kaya naman sa halip na bumili ka ng mga cleansers na matatapang ang amoy at delikado sa mga bata, pwede kang gumamit ng mga natural cleansers na mayroon na sa kusina ninyo.

    What other parents are reading

    Natural cleansers na pwedeng panlinis ng stove

    Asin at baking soda

    Paghaluin lang ang isang kutsara ng asin at isang kutsara ng baking soda. Pagkatapos, lagyan ito ng isang kutsara ng tubig at saka haluin.

    Dito mo isasawsaw ang malinis na tela na siya mong gagamiting pamunas at pangkiskis sa kalan ninyo.

    Baking soda

    Hugasan muna ang mga burners mo sa maligamgam na tubig na may kaunting dishwashing liquid para maalis ang unang layer ng dumi. Isantabi.

    Paghaluin ang baking soda at tubig para makagawa ka ng isang malapot na paste. Ito ang ilalagay mo sa mga burners. Hayaan mong nakababad ang mga burners sa baking soda paste nang hanggang 20 minuto.

    Kapag napansin mong lumalambot na ang mga food residue at nanigas na mantika, pwede mo na itong isisin ng brush.

    Suka

    Mas epektibong pang-araw-araw na maintenance ang suka. I-spray mo lang ang inyong stove at burners ng suka pagkatapos mong gamitin. Pabayaan itong nakababad nang 10 hanggang 20 minuto bago ito punasan gamit ang malinis na basahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabisang paraan ito para siguraduhing hindi maninigas ang mantika sa kalan ninyo.

    What other parents are reading

    Natural cleansers na panlinis ng oven

    Bagaman may mga ovens na may self-cleaning function, mas maganda pa rin kung ikaw mismo ang maglilinis ng oven ninyo.

    Baking soda at suka

    Bago mo simulan ang paglilinis, alisin mo muna ang lahat ng mga racks at iba pang laman ng oven ninyo.

    Pagkatapos, gumawa ka ng baking soda paste sa isang mangkok. paghaluin lang ang kalahating cup ng baking soda at tatlong kutsara ng tubig. Dagdagan ang tubig hanggang makabuo ka ng paste.

    Kapag nahalo mo nang mabuti ang paste, pwede mo nang lagyan ang lahat ng bahagi ng loob ng oven ninyo, maliban sa mga pang-init o heating elements.

    Pwede kang gumamit ng gloves para masiguro mong malalagyan pati ang mga sulok ng oven ninyo. Magkukulay brown ang baking soda, ayon sa The Kitchn—pabayaan mo lang ito ay ituloy ang pagpapahid ng paste.

    Hayaan mong nakababad ang loob ng oven nang 12 oras o overnight, depende sa dumi ng inyong oven. Habang ibinababad mo ang loob ng oven, pwede mo nang linisin ang mga racks at pans.

    What other parents are reading

    Pagkatapos ng 12 oras, pwede mo nang punasan ng malinis na basahan ang loob ng oven ninyo. Pwede kang gumamit ng plastic na spatula kung mayroon mang mga paste na tumigas.

    Kapag naalis mo na ang baking soda paste, pwede mo nang i-spray ng suka ang oven ninyo. Mapapansing bubula ang suka dahil magrereact ito sa mga natirang baking soda sa oven.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kapag na-sprayhan mo na ang loob, pwede mo na itong punasan ng tuyong basahan. Ibalik na ang mga racks at mayroon ka nang malinis na oven! Pwede na ulit itong gamitin para sa mga ECQ recipes ninyo.

    Mas maganda talaga ang kanitong cleansers dahil hindi ka nag-aalala na may hahalong kemikal sa pagkain ninyo.

    What other parents are reading

    Mabisang panlinis ng microwave oven

    Lemon

    Isa ito sa mga madalas na gamiting panlinis ng maraming bagay sa bahay. Mabisa rin ito para sa microwave oven ninyo.

    Hiwain mo ang lemon sa gitna. Itabi ang isang kalahati at ilagay naman sa mug na may tubig ang isa.

    Ilagay ang mug na may tubig at lemon sa loob ng microwave at painitin ito ng hanggang 1 minuto. Ang vapor na lalabas at ang citrus sa lemon ang magpapalambot at tutunaw ng ano mang mantika o namuong dumi sa loob ng microwave ninyo.

    Tubig at suka

    Kung wala naman kayong lemon, pwede ninyong paghaluin ang tubig at suka sa isang mug at ito ang gamitin para gumawa ng steam sa loob ng microwave. Siguradong matutunaw ang ano mang talsik-talsik sa loob ng microwave ninyo—mas madali na itong punasan!

    Ilan lamang ang mga iyan sa pinakamabisang paraan para linisin ang oven, stove, at microwave ninyo sa bahay. Wala ka halos gagastusin para sa mga panlinis na ito at hindi ka pa mag-aalala na baka malason o maapektuhan ang pamilya mo dahil sa kemikal na mayroon ang mga cleansers.

    Mayroon ka bang ibang paraan ng paglilinis ng oven, stove, at microwave ninyo sa bahay? I-share mo na iyan sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close